Chapter 17

306 11 0
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

Late na akong nagising, kaya naman nang bumangon ako at dumiretso sa dining area ay halos patapos na silang mag-breakfast. Alam nilang magagalit ako 'pag ginising nila ako sa kalagitnaan nang mahimbing kong tulog. May kung ano kasi sa akin na laging naba-badtrip kapag ginigising. Gusto ko kusa akong magising.

"Ohayo.." nakangiting bati ko sa kanila, nag-good morning din sila't nginitian ako, umupo ako at nagtimpa ng coffee. Naguusap-usap sila pero wala akong maintindihan sa topic nila, isa pa ay wala rin ako sa mood para makisali sa usapan. Wala akong interes ngayon sa paligid ko. Nangyayare talaga minsan sa akin 'to, alam na nila kung gano'n ako.

Tapos na akong kumain at lahat-lahat pero hindi pa rin sila natapos sa paguusap. May bahagya naman na akong naiintindihan, tungkol sa nangyare no'ng nakaraan ang pinaguusapan nila. Nakinig na lang ako sa kanila, binabalingan nang tingin ang magsasalita at paulit-ulit lang. Puro pagiinarte 'tong si Jemi, si Toppo naman ay pagyayabang na madaming napatumba kahit pati naman siya ay natumba. Si Psyche naman ay dismayang-dismaya sa tuwing maiisip daw niya kung paano nagagawa ng mga 'yon ang pumatay ng walang valid reasons. Samantalang si Stacey ay may natatakot pa rin daw sa t'wing maiisip niya ang nangyare, parang binabangungot pa nga raw siya nito. Natapos ang mahabang usapang iyon na magaalas-onse na. Kaya nagprepare na rin kaagad si Psyche nang iluluto for lunch. Pinagpapahinga pa rin kasi namin si Toppo at okay din namang magluto si Psyche.

Sa sala kami nag-stay, hindi masyado nagiimikan dahil mukhang naubusan kanina nang sasabihin. Pinagmasdan ko ang bawat itsura nila at saka ko naalala ang itsura nila no'ng nakaraan. Duguan, may mga tama, pasa, at kung anu-ano pa. Halatang nanghihina pa sila no'n at sobrang sakit para sa akin ang makita silang gano'n.

"Nag-stay ka lang ba sa classroom no'ng mangyare ang riot?" Binasag ni Jemi ang nakakabinging katahimikan namin.

Nagangat ako ng tingin sa kanya bago tumango saka ngumiti, "Mhm. Gusto ko na sanang lumabas no'n kaso may humatak sa akin pabalik." Tugon ko, tatangu-tango naman niyang binalingan ng tingin si Toppo na nakatingin din sa akin. Naalala ko ang lahat ng sinabe ni Arkean no'ng gabing iyon. Aaminin kong naghalu-halo ang nararamdaman ko habang nagkwekwento siya. Nakakatakot. Nakakapangamba. At hindi makapaniwala. Lahat ng iyan ay sabay sabay kong nararamdaman.

Madami akong nalaman sa gabing iyon pero pakiramdam ko ay napakaunti pa rin no'n kung tutuusin, dahil wala man lang ako nalaman tungkol sa school na ito. Hindi ko man lang nalaman paano ito nagsimula at kung bakit nangyare ito. Sa tingin ko ay naiintindihan ko na si Luna nang sabihin niyang bawat katanungang masasagot dito ay may karugtong pang mga tanong.

"We were so worried about you that night, Kimono. We're sorry if you think na hindi ka man lang namin hinanap." Sinserong sabi ni Jemi.

'Alam ko, Jemi. Alam ko. At tama ang desisyon niyong idiretso si Toppo dito. Dahil magagalit ako kung inuna niyo pa ako..'

Gusto ko iyong sabihin pero wala akong gana, ngumiti na lang ako. "I understand." Tanging naiusal ko.

Naiintindihan ko ang naging desisyon nila. At talagang magagalit ako kapag hinahap pa muna nila ako sa sitwasyong iyon ni Toppo. Hindi ako nakakaramdam ng tampo dahil kung ako ang masa posisyon nila ay gano'n din ang mas gagawin ko.

Nagpaulit-ulit lang ang gan'on, magsasalita ang isa sa amin, sasagot ang isa at matatapos ang usapan, hanggang sa makaluto na si Psyche at tawagin kaming kumain na. Naging masama naman ang usapan namin sa hapag-kainan, tumatawa at nagkukulitan. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil nasasabe ko na lang sa sarili kong napakaswerte ko sa mga kaibigan ko. Na kahit nasa ganito kaming sitwasyon ay hindi pinapabayaan ang isa't isa.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon