KIMONO'S POINT OF VIEW
Matapos kong makabalik sa room namin ay nakaabang na silang lahat sa sala, naguusap at nagtatawanan. Gustuhin ko mang makisali ay mukhang naubos na ang lakas ko para makipagkulitan pa sa kanila. Umupo na lang ako sa tabi ni Jemi at nakinig sa mga naging usapan nila. Matapos nang mahaba nilang usapan ay nagluto na ang dalawang lalake, naiwan kaming tatlong babae dito sa sala. Walang nagsasalita at pawang may iniisip ang lahat.
Suminghap ako nang hangin at saka unti-unting pinakawalan ito gamit ang bibig, "Habang tumatagal tayo dito mas nagiging delikado ang buhay natin." Anas ko, nilingon nila ako pareho. "Gusto ko nang makaialis dito."
Naramdaman ko ang pagpatong ng ulo ni Jemi sa kanang balikat ko, gano'n din si Stacey sa kaliwang balikat ko naman. "I'm sorry.. dapat hindi na ako nagpumilit pang pumasok dito." Ani Jemi, halatang sinisisi ang sarili.
"No, walang may kasalanan at walang may gusto nito. Kaya hindi mo dapat sisihin ang sarili mo, Jemi." Hinawakan ko ang pisnge niya gamit ang kaliwang kamay, marahang hinaplos ito. "Gagawa tayo ng paraan para makaalis dito. Lima tayong pumasok, kumpleto tayong aalis." Dagdag ko pa. Tango naman ang naging tugon niya.
"I'm sorry guys if ever I can't protect you if something happens.." said Stacey, "I know that I'm physically weaker than all of you, but I'll do everything just to keep you all safe." She added.
Matamis na ngiti ang inilabas ko, "Each of us will protect each other, Stacey. So don't you ever think about how weak or strong you are. No one is allowed to hurt us. No one." Pagdidiin ko.
Wala naman ng salitang lumabas pa sa amin, nanatili lang kami sa posisyong iyon hanggang sa tawagin na kami ng dalawa para kumain. Saglit pa kaming nagtinginan at nagngitian bago tumayo at dumiretso sa dining area. Naging masaya naman ang usapan namin kaya tumagal na namin kami doon. Matapos nang hapunan ay dumiretso na rin kami sa pagtulog dahil may pasok na naman kami bukas.
KINABUKASAN!
Masaya ako pagkagising dahil parang sapat na sapat ang tulog ko kagabi. Nakangiti akong naghilamos at nagtoothbrush. Nakangiti rin akong lumabas at dumiretso sa lamesa para mag-umagahan. Nando'n na silang lahat, hindi pa nagsisimulang kumain dahil mukhang kakatapos din lang ang pagluto.
"Ohayo gozaimasu!" Labas ngiping bati ko sa kanila, sobra ang pagkakangiti. Binati rin nila ako pabalik.
Pagkaupo ko ay saka nagtaas si Jemi ng kilay sa akin, "And what's with that smile, huh? In love?" Mapang-usisang tanong niya, mataray din ang dating.
Kunot-noong umiling ako, "Is it bad to smile in the morning?" Mataray ko ring sabi.
Nagkibit-balikat siya saka tumawa nang bahagya, "Well, no, but we are talking about you here.. so yes?" Kunware pang patanong na sagot niya.
"Tss.." mahinang singhal ko saka ngumiwi, "I just realized how lucky I am to have friends like you guys, you know?" Well, totoo naman iyan. Kasama naman siguro 'yan sa dahilan para mapangiti ako ngayong umaga. Aaminin kong nalilito rin ako bakit ako ngumingiti ngayon.
Saglit na nagtinginan ang mga kaibigan ko saka sila sabay-sabay na umiling, "You're not normal this morning." Animo'y seryoso pero halata naman sa boses ni Toppo na natatawa.
"I agree." Sabay-sabay pang sabi nung tatlo.
Palihim akong bumuntong-hininga, "Whatever.. let's just eat.." nawawalan ng pasensya. Baka mainis ako kapag pinagpatuloy pa nilang ipilit na hindi ako normal ngayon kahit aminado naman akong para talaga akong ibang tao.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...