Chapter 12

313 15 0
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

"Oh? Tapos kana makipagusap?" Agad na salubong sa akin ni Jemi.

Tinanguhan ko lang siya at agad nang umupo. Wala ako sa mood magsalita dahil lalo akong naiinis sa Ygot Sosa na 'yon. Masyadong feel na feel ang pagkapogi! Oo, pogi nga pero tss.. ewan! Bwisit siya!

"Ayy.. wala sa mood?" Si Jemi.

Inangatan ko siya ng tingin sabay bumuntong-hininga, "Andon na naman si Kambing.. epal masyado.." nagmamaktol na sabi ko.

"Kambing? Hahaha! Sino?" Natatawang tanong ni Toppo.

Umirap pa muna bago sumagot, "Si Y'goat' Sosa! Isa sa guardians.." naiinis na sabi ko.

Nababadtrip talaga ako sa kanya! Parang iniinis niya ako lalo e! Pasalamat siya ay nandoon si Luna dahil baka nasinghaban ko siya ng apoy mula sa bunganga ko! Oo! Iinom ako ng gasolina para umapoy ang bunganga ko! Tss..

"Si Guardian Park.. I like her.." ngingiti ngiting ani Toppo dahilan para lingunin ko siya.

Mabilis kong tinignan si Jemi, tumaas ang kilay niya! HAHAHAHAHA!

"Ang bait niya tignan at parang nain-love ako sa kanya dahil sa kagabi." Nakangiti pang dagdag niya na nasa malayo ang tingin.

"Tss.." singhal ni Jemi. "Tinulungan lang tayong makaalis sa gulo nain-love na.." iirap irap pang aniya at natawa naman ako sa kanya.

Nakangiti siyang nilingon ni Toppo, "Jemi.. bilang nalang ang mga babaeng matapang sa mundo. At nakakain-love 'yon.." usal niya na parang pinagmamalaki pa si Luna.

"Ha? Whatever.." maarteng anas niya at nagtuloy sa pagkain.

Parang gusto ko tuloy ikwento sa kanila ang nasilayan ko kagabi. Kung gaano kaasintado si Luna. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwalang gan'on siya kaasintado. Nasa ere siya nung ibinato niya ang kutsilyo sa lalakeng tumatakbo pa pero sapul na sapul pa rin iyon sa ulo niya. Kung hindi ako nagkakamali ng pandinig ay ang sabi niya siya ang pinakamahina sa grupo nila.

'Kung gan'on ay paanong nagawa niya iyon?'

'B-baka.. nag-ensayo siya?'

Kung nag-ensayo siya ay paano? Saan? May nagturo ba sa kanya? Ugh! Eto na naman ako! Dumadami naman ang katanungan sa isipan ko!

Mabilis na tumakbo ang oras at natapos ang buong klase namin ngayong araw. Pabalik na ako mag-isa sa building namin nang biglang may humarang sa harap ko.

Hindi ko sila kilala at ngayon ko lang sila nakita. Apat silang babae, mas matangkad ang isa sa akin at ang tatlo naman ay halos magsingabot lang kami ng height.

"Why?" Pangunguna ko dahil hindi man lang sila umiimik mula kaninang humarang sila sa daan ko.

Nakataas ang mga kilay nilang apat at mas tumaas pa 'yon nung binasag ko ang katahimikan. Magkakrus ang mga braso nila't nakatagilid ng bahagya ang mga ulo na parang pinagaaralan ang mukha ko. Bahagya akong nakaramdam ng takot dahil napansin kong kami nalang ang tao dito sa ground floor hallway. Medyo malayo pa ang building namin pero tanaw ko naman na iyon.

"Sorry.. I need to go." Nagmamadaling usal ko at hindi pa man naihahakbang ang paa'y itinulak na ako nung pinakamatangkad sa kanila.

Medyo malakas iyon kaya halos ma-out of balance pa ako. "What the hell?" Angil ko. Masama ang mga tingin nila, nagkunot lang naman ako ng noo at pinagsalubong ang mga kilay.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon