Chapter 9

306 13 2
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

Alas nuebe na ako ng umaga nagising. At paggising ko lahat sila ay nasa lamesa ng kumakain.

"Ohayo gozaimasu!" Nakangiting bati ko sa kanila.

*Ohayo gozaimasu means Good Morning*

May halong Japanese ako! Kaya nga Kimono name ko, 'di ba? Duh? Hahaha! Pero kaunti lang ang alam kong salita!

And.. hindi ako mukhang Japanese kasi ang lolo ko talaga ang pure Japanese. Si daddy ay medyo mas mukhang pilipino at tanging kaputian lamang ang namana kay lolo. Kaya ako naman ay one fourth Japanese na! Hahaha! Si mommy naman ay may halong American naman, hehe! Kaya tignan niyo ako? Sobrang ganda ng kinalabasan! Hahaha!

"Mhm.. good morning, upo kana.." tugon ni Stacey sa akin kaya nginitian ko naman siya.

Nagtimpla ako ng coffee at hindi ko na nakuhang kumain pa ng kanin. Alam ko kasing mapaparami ang kain ko at kung nangyare iyon hindi na ako makakain mamayang lunch.

'I'm on a diet..'

Maniwala ka man o sa hindi ay ako ang pinakasexy sa aming tatlo! Hahaha! You know? Tabain din kasi ako kaya kaunti lang ang kinakain ko! Si Stacey naman ay mabilis ang metabolism kaya kahit anong kain ay sakto parin ang hugis ng katawan! Si Jemi ay nagda-diet din yan! Pero dahil hindi siya tabain, kain din siya ng kain!

Inabala namin ang sarili sa paglilinis ng buong kwarto. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung..

'May tumira na kaya dito?'

Kasi kung wala ay napagaling naman ng pag-maintain nila sa kwartong 'to. Maayos ang lahat at ang pinta ng kabuohan ng kwarto ay maganda pa rin. Ang mga higaan, cabinet, drawer, ilaw, shower, faucet, at kung anu-ano pa ay maayos talaga.

'Tss.. ganto na ba ako kaboring para pati iyon ay isipin ko narin?'

Nagwalis ako sa buong kwarto at saka inayos ko ang mga kama ng bawat isa. Abala din ang iba sa mga ginagawa nilang paglinis.

*KNOCK! KNOCK!*

Agad akong napapunta sa pintuan nang marinig ang pagkatok na iyon. Lahat kami ay takang nagtinginan.

"Don't worry.. they are not allowed to hurt us every Sundays." Si Psyche at siya na ang nagbukas nito.

Bumungad sa amin ang isang may edad ng lalake na may dalang malaking cart. "Kayo ba ang mga bago sa eskwelahang ito?" Tanong niya at tumango naman kami. May kung anong kinuha siya sa cart at ibinigay ito kay Psyche. Dahil mukhang madami ito ay lumapit na kami para tumulong sa pagbuhat.

Parang walang nangyare at umalis nalang basta ang lalake!

Inilapag namin sa sala ang mga iyon at binuksan.. "Mga damit?" Tanong ko sa aking sarili.

Nakaoangalan sa amin ang lalagyan nito kaya nagkanya-kanya kaming binuksan ito.

"Yeah.. damit rin ang akin.." si Jemi.

Lahat kami ay damit ang laman. Hindi ito damit na panglabas o kung ano. Pangbahay lang na mga damit ito. May shorts ding kasama.

"Talagang provided lahat dito, ah?" Natatawang sabi ko.

Natawa rin naman sila. "I wonder kung saan sila kumukuha ng pera para dito.." ani Jemi dahilan para mapatingin ako sa kanya. "W-what?" Parang naiilang na tanong niya kaya pilit nalang akong ngumiti sabay iling.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon