Chapter 13: Thirteen Imp

329 13 0
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

Hindi ako nakatulog at naglayag lang ang isip ko sa mga nangyare kagabi. Hindi parin maabsorb ng utak ko ang lahat ng iyon. Nakakabilib, oo, pero hindi ko maintindihan bakit pakiramdam ko ay hindi ko talaga sila kilala.

Masakit ang ulo ko dahil hindi nga ako nakatulog. Pero pinilit kong bumangon dahil may pasok pa kami.

Ako nalang ang hinihintay para magsimula ng kumain. Agad naman akong umupo sa nakasanayang silya, tapat ni Psyche at katabi ni Jemi. Rectangular table kasi ito. Si Toppo ang nasa tabi ni Jemi. Katapat naman ni Jemi si Stacey.

Walang imikan kaming nagpatuloy sa pagkain hanggang basagin iyon ni Stacey, "Are you okay now, Kimono?" nagaalalang tanong niya. Tumango naman ako at ngumiti ng kaunti. Parang nanghihina ako't hirap ibuka ang bibig.

'I'm okay.. pero ang isip ko ay patuloy na nagtatanong sa akin!'

"Why are they after you?" Tanong ni Psyche. Inangatan ko siya ng tingin.

"One of the culprits na ipinatapon sa lava jail ay kakilala ng grupong 'yon." Walang ganag sagot ko.

Tatangu-tango naman siyang nagtuloy sa pagkain. Feel ko ay awkward para sa kanila ang sitwasyon namin ngayon pero hindi sa akin. Ang tanging mayroon lang sa akin ngayon ay mga katanungang gusto kong sagutin nila. Kaso wala akong lakas ng loob para magtanong.

"You can't believe how did we do it, right?" Si Psyche na naman.

'Tss.. ang galing talaga magbasa ng isip nito kahit kailan! Bwisit!'

Hindi ako sumagot. "As what I've told you before.. my father is a secret agent and my mother is a detective. Kasabay sa pagturo nila sa akin ng psychometric ay tinuturuan narin nila ako ng basic moves sa pakikipaglaban. Magaling ang daddy ko at masasabe kong kaya niyang magpatumba ng dalawangpung katao sa isang minuto." Mahabang eksplanasyon niya. "Habang lumalaki ako at namamaster ko na ang psychometric.. ay may nagiging mahirap naman ang training ko physically. Tinuruan na nila akong humawak ng iba't ibang uri ng patalim at baril." Dagdag niya.

Nagugulat ako sa mga sinasabe niya. Literal na nagugulat! Sa apat na taong magkakaibigan kami ay ni minsan hindi siya nagbanggit ng kahit na anong konektado sa mga magulang niya.

'Kaya pala gan'on na lang siya kagaling..'

Bumuntong-hinga si Toppo dahilan upang lingunin naman namin siya. "Guess I don't have a choice kundi ang magkwento?" Natatawang tanong niya pa sa sarili. Napangiti naman ako dahil pakiramdam ko ay pinagkakatiwalaan niya kami. "Don't be too surprise." Pumikit siya sabay sa pagsinghap ng hangin. "Both of my parents are assassins." Napapabuntong-hiningang aniya.

Nanlaki ang mga mata ko! Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko! Mas nagulat ako sa sinabe niya kumpara kay Psychee!

"Oh my god.." naiusal ni Jemi na napahawak pa sa sariling bunganga. "S-so it means.. i-ikaw--"

"Tss.. stupid." Pigil ni Toppo sa kanya. "Hindi ako kagaya nila. Pinalaki nila ako ng tama at may dangal. Pero tinuruan nila akong makipaglaban. Naging bihasa ako doon. Saka hindi naman giit sa kaalaman niyong archery ang sports ko, 'di ba?" Tanong niya at napatango nalang kami. "Tinuruan din nila ako nun. Aaminin kong natuwa ako sa naging kalabasan, pero ang hirap paring isipin na mamamatay tao ang mga magulang mo." Ramdam ko ang sakit sa huling linyang binitawan niya.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon