PSYCHE'S POINT OF VIEW
It's time to go. Eksaktong 2:45 pm ang oras ngayon at kailangan na naming pumunta ni Toppo sa party.
Sabay kaming tumayo mula sa upuan sa sala, sabay namang napatingin sa amin sina Stacey at Jemi. "You guys are going now?" Tanong ni Jemi, tango ang isinagot ko sa kanya.
"Be safe, please. Lock the doors." Si Toppo na halata ang pagaalala sa boses at mga mata.
Ngumiti ang dalawang babae, saglit pa kaming nagpaalamanan bago namin nilisan ni Toppo ang kwarto namin.
Sa paglalakad naming dalawa ay alam kong pareho naming nararamdamang may sumusunod sa amin. "You noticed?" Mahinang tanong ko sa kanya.
Ibinaba ko ang tingin sa kanyang kamay at gumawa siya ng hand gesture. "T-H-E-Y A-R-E N-E-A-R." Ang binuo niyang salita. Pinanliitan ko siya ng mata, muli naman siyang nagsimula muling mag-hand gesture at ang message ay.. "1 from the left and 1 from the right."
Tuloy-tuloy pa rin ang paglalakad namin na animo'y hindi namin sila napapansin. Mukhang inaabangan talaga nila ang paglabas namin.
Ako naman ang bumuo ng hand gesture at ang mensahe'y, "In 2 minutes, right is yours, left is mine." Nakuha naman niya iyon kaagad kaya nagsimula na akong magbilang sa aking isip.
Nang lumipas ang dalawang minuto ay mabilis kong hinugot ang maliit na kutsilyong nakasiksik sa gilid ng aking sapatos. Bago ko pa man maisayos ang paghawak nito ay mabilis nang nasipa ang kamay ko.
This kind of kick...?
Kaagad kong binalingan ang sumipa sa aking kamay. Babae.
Is this the girl before?
Nakaitim itong mask at ang buong kasuotan ang itim din. Tanging ang pantaas na mukha lang niya ang kita. Pero sa buhok nito, masasabe kong siya nga ang babaeng nakalaban ko nung nakaraan.
"It's been a while." Kaagad ko iyong nakumpirma nang magsalita siya.
Tumayo ako nang matuwid, "Are now good enough to beat me?" Nakangising sambit ko.
Kahit 'di kita ang kanyang bibig, nahalata ko ang pagngisi niya. "I didn't expect that you are this conceited. I thought you were the humble, cool, and silent guy. Guess I was mistaken."
Matagal bago ako nagbigay ng tugon, nilingon ko pa muna si Toppo. Hindi rin ito nakikipaglaban sa kanyang kaharap, at parang minumukhaan pa niya ito. "What do you want?" Seryosong tanong ko nang ibalik ang tingin sa babaeng kaharap.
"Well, this is a warning."
"Again?" Natatawang sabi ko.
Itinabingi niya ang ulo sa isang gilid, "Bakit? Natakot ka ba sa una?" Pagtutukoy niya sa unang paghaharap namin, may bahid pa nang kayabangan ang boses. Alam kong warning lang iyon, hindi ako natakot pero nabahala ako dahil doon.
"Hmm, definitely not. Your first warning was a mess, am I wrong?"
Sa pagliit ng kanyang mga mata, alam kong nainsulto siya sa sinabe kong iyon. "You're right." Seryoso nitong sabi. "Pero ngayon, gustong sabihin na ang buhay mo't ng mga kaibigan mo'y limitado na. Isang linggo, at lahat kayo'y mabubura na sa mundo." Humalakhak pa siya na animo'y isang demonyo.
"Psyche.." Mahinang tawag ni Toppo, nilingon ko siya at nakita kong paalis na ang lalakeng kaharap niya. Hindi ko rin nakita ang mukha dahil nakatakip din ito.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...