KIMONO'S POINT OF VIEW
Hanggang ngayon na nasa higaan na ako ay hindi ko makalimutan ang sinabe niya!
'Anong meron bukas? Anong mangyayare bukas? Bakit ko siya makikilala bukas? Damn it!'
Hindi ko maikalma ang sarili ko kakaisip na baka may masamang mangyare bukas!
KINABUKASAN
Hanggang ngayon ay may kaba parin sa dibdib ko sa tuwing maalala ang sinabe ng lalakeng yon!
'Bullshit! Bakit ba kailangan pa niyang sabihin yon?'
Nakakainis pero mas naguumapaw ang kaba na nararamdaman ko! Baka may mangyareng masama sa mga kaibigan ko e!
'No---erase that! Erase! Erase! WALANG mangyayare!'
Matapos kumain ay naghanda na kami para pumasok. Bago yon ay dumaan muna kami sa locker namin! Yeah.. may locker kami at sa 1st floor iyon ng building ng kwarto namin. Puro locker lang ang kabuuan ng first floor.
Nang makuha na namin ang kaunting gamit ay agad na kaming naglakad papuntang room.
Nakakapagtaka lang dahil nung Monday at Tuesday ang mga nadadaan naming room ay madami na talagang estudyante. Pero ngayon ay wala ni isa!
Pagkahakbang namin sa floor ng room namin ay agad na bumungad ang lecturer namin.
"Why are you here?" Halatang nagtatakang tanong niya sa amin kaya nagkatinginan kaming lima.
"We have a class with you." Si Toppo ang sumagot.
Kumunot ang noo nung Lec at biglang natawa. Psh! Baliw! "Sorry.. I didn't remember that you guys are newbies. So come.. papunta na rin ako sa conference room." Kami naman ngayon ang napakunot ang noo.
"Ano pong meron sa conference room?" Tanong ko.
"Nakabalik si Dean kagabi kaya naman imbes na sa Monday ipapakilala ang mga bagong officers ng school ay ngayon na daw." Sagot niya at napaunang naglakad pababa.
Saglit pa kaming nagkatinginan bago siya sinundan. Tinatahak naming ngayon ang sinasabe niyang conference room. Hindi pa namin iyon napuntahan at hindi rin namin alam kung saang ruta na ang dinadaanan namin. Napakalawak talaga ng eskwelahang ito.
"Nakabalik na si Dean.. means we can to talk to him now." Si Psyche kaya nilingon namin siya.
'Oo nga! Makakausap na namin siya at maari na kaming makalabas!'
Bakas sa mukha naming lahat ang tuwa! Dahil sa wakas ay makakaalis na kami dito!
Narating namin ang isang malaking conference at punong puno ng mga estudyante na nakaupo lang sa floor. Natanaw naman namin si Dean sa stage. Iniwan naman na kami ng Lec at pumunta na siya sa pwesto ng mga lecturer.
Dito na kami sa likod nakakita ng space na kakasya kami kaya doon na kami naupo.
Ilang saglit lang ay nagsimula ng magsalita si Dean. Nakatayo siya ngayon at may hawak na mic. "Good morning, 'Mafians'.." paunang sabi niya at wala man lang ni isa ang sumagot. "Today.. I would like to introduce you the new set of officers that will be monitoring our school." Dagdag niya at saka kami nginisian ng nakakaloko. Hindi ko maintindihan ang mga ngisi nilang 'yan! Nakakatakot na ewan! Psh!
"Let me first introduce you our new secretary, Ms. Heria Raban." At pumalakpak naman sila kaya nakisabay nalang kami.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...