Chapter 44

233 6 3
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

Matapos ang mahigit-kumulang tatlong oras, nakabalik si Toppo sa hidden basement. Hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang iparating sa mga ngiting iyon ngunit kahit papaano ay natuwa akong ligtas siya. Hanggang ngayon kasi ay patuloy pa rin sa paglayag ang aking isipan sa isiping may traydor sa aming magkakaibigan, at malaki ang tiyansang siya nga ito.

"It must have surprised you, I'm sorry," aniya sa aming tatlo nina Psyche at Jemi.

Walang kumibo ni isa sa aming tatlo. Naiwan lang kaming nakatitig sa kanya at pawang naghihintay nang idaragdag.

He sighed, a deep one, "It's just... I don't know how to tell it. I'm really sorry."

After a minute of silence, Psyche speak, "It's fine, but explain yourself further."

Saglit na kumunot ang kanyang noo, nagtatanong na tumitig kay Psyche at matagal pa bago niya ibinuka ang bibig. "You're suspecting me, right? Like a traitor or something like that?"

"Well, are you?" Walang ibinigay na emosyon si Psyche, nanatili lang itong nakatitig sa mga mata ni Toppo.

"No, I'll never be."

"How about giving an alibi? At least we can gain some assurance and trust?" Pinuno niya ng sarkasmo ang boses.

"I'm afraid I can't give one," sagot ni Toppo.

"And why is that?"

"Because I'm not a traitor."

Ang mainit na titigan nila ay tumagal ng isang minuto. Natigil lang iyon nang sumulpot si Ygot sa gilid namin, kasama ang President na si Bullet.

"We need to talk to you," si Ygot, nakatingin kay Toppo. Isang tango lang naman ang ibinigay niyang tugon bago muling ibinalik kay Psyche ang paningin.

"Narinig ko ang usapan niyo ni Kimono noong araw na sabihin mong may traydor sa ating magkakaibigan," ani Toppo, seryosong nakatingin kay Psyche na hanggang ngayon ay wala pa ring ibinibigay na ekspresyon. "And that made me wonder why would you tell that to her, knowing that we five can be the traitor." Pagtatapos niya saka kami tinalikuran at sumama kina Ygot.

Pinanood lang namin silang maglakad palayo at nang pumasok sila sa isang silid ay saka ako bumaling kay Psyche.

Bago pa man makapagsalita ay naunahan na ako ni Jemi, "What's going on here? Am I the only one who doesn't know about this?" Sa boses pa lamang niya, matutukoy mo nang nagpipigil siya ng galit. Siguro'y kung ako rin ang nasa lagay niya, malamang sa malamang ay gano'n din ang mararamdaman ko.

"Since you already know, yeah, it's true that there's a traitor." Sagot ni Psyche.

"And that can be you, right?" Pandidiretso niya sa kaibigan namin.

"Yeah, sure thing."

"You're being funny, Psyche, do you know that?" Inis na talagang sabi ni Jemi.

Nagangat ng tingin ang kaibigan namin sa kanya, "And you're not suppose to act like that, Jemi," pilit niyang ikinalma ang boses. "What's so wrong in suspecting a friend, huh? I know you'll say that we've been friends for years and the trust we made was unbreakable that's why it is stupid to doubt. But it's not, Jemi, it's not." Mariing aniya at saka bumuntong-hininga. Nasapo niya ang sariling noo at napaupo sa silya. "I'm sorry if you think that I was being selfish for doing it. It's just... it's just something that I must."

Matagal na tumitig si Jemi sa kanya, at maya maya lang ay mayroon nang tumutulong luha mula sa kanyang mga mata. Hindi ko na rin napigilan ang mainit na likidong kumawala. Ngayon ko na lang muli naramdaman ang panghihina ng aking katawan. Napaupo ako sa silyang nasa harapan ko at doon patuloy na umiyak. Sadyang wala akong magawa ngayon kundi ang umiyak lang nang umiyak.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon