KIMONO'S POINT OF VIEW
"Okay," usal ko matapos bumuntong-hininga at inalis ang tingin sa malditang Heria. "Explain everything to me now. Looks like I can't do anything?" Mukhang nahawa na ako sa pagiging sarkastiko nitong sekretaryang 'to e.
"Tss. Tatanggapin din naman pala ang pwesto. Dami pang say.." angil ni Heria, hindi ko na lang iyon pinansin.
"Kami ang nagdesisyon ni Ygot pareho." Pangunguna ni Luna, nakangiti siya nang balingan ko ng tingin. "We need someone we can trust. And I trust you." Dagdag niya. Nakita ko pa ang pagngiwi-ngiwi ni Heria. Epal talaga. "Are you willing to accept the position? Because if not, it's okay."
Saglit pa akong tumahimik bago nagawang ngumiti, "I will." Saka ako bumaling kay Ygot. "I'll be needing this, too." Sabi ko nang maibalik ang tingin kay Luna.
Matamis naman ang pagkakangiti niya akin, "This is the form, you can see here the rules and regulations of being an assistant guardian. Also, you see, too, all things you need to do." Aniya matapos iabot ang dalawang piraso ng papel. Nakangiti ko itong tinanggap.
Hindi ko na kailangan pang basahin iyon dahil ipinaliwanag na rin naman ni Bullet ang lahat. Matapos niyon ay kaagad na rin akong lumabas, kasabay ko ang dalawang guardian. Or I must say boss? Tss. Magiging sunod-sunuran lang naman kasi ako sa kanila. Iyon ang magiging papel ko. Kung nasaan sila sa oras ng trabaho, dapat nandoon din ako. Kung ano ang kailangan nila, kailangan maibigay ko iyon. Kung ano ang iuutos nila, dapat mabilis kong magawa iyon. Ang totoo wala naman problema sa akin 'yon kung si Luna lang. Eh kasama si Kambing e. Baka mamaya pakainin pa ako nito ng damo at gawing kambing din. Tsa!
"We have reasons why we chose you," hindi ko inaasahan ang pagbuka ng bibig ni Kambing nang makalabas kami sa conference hall. Nilingon ko siya nang may nagtatanong na tingin. "Ngayong mga nakaraang araw, napansin namin ni Luna na may laging nagmamasid sa'yo, sa inyo, mula sa malayo." Nangunot kaagad ang noo ko. "If you're going to be one of us, it won't be easy to them to hurt you and your friends." Seryosong-seryoso talaga siya.
"We're not sure who they are, hindi namin nakikita ang mga mukha nila dahil nasa madilim lagi sila ng parts nakatago. Pero sigurado kaming isang malaki silang gang. Madami silang nagmamasid at pinagaaralan ang mga galaw niyo," si Luna naman ang nagsalita. "In this way, we can help you." Nakangiting dagdag niya.
Hindi ako agad nakapagsalita, "Why are you helping me?" Hindi naman sa gusto kong kwestyonin ang pagprotekta't pagaalala nila sa amin. Sadyang nakakapagtaka lang.
"Are we going to be this bad if we don't say it now?" Si Luna ang sumagot.
"Do you need something to us?" Pandederetso ko, hindi man lang sila nagitla o nagulat.
"Honestly, yes." Deretsong sagot din ni Luna. Hindi ako nagsalita. "It's something that your group will benefit, too. Not just us." Lalo akong nalito sa mga sinabe niya.
'Kung gayon? Ano ang kailangan nila sa amin? Kaya ba kinuha nila ang loob ko dahil lang doon? Pero.. alam kong totoo sila. Mahirap silang paghinalaan dahil normal ang bawat kilos nila.'
"Masisiguro ko na bang ligtas ang mga kaibigan ko?" Mamaya'y tanong ko matapos ang matagal na pagiging tahimik.
Nagkatinginan silang dalawa, "You can't be sure on that." Sagot ni Kambing. "But we'll guarantee you that we are there when you need help. We are way more powerful than others here, but it doesn't mean we can assure the safety of someone. Because even us, officials and guardians, are not sure about our safety." Nakuha ko ang punto niya pero parang kulang pa iyon. Hindi pa sapat para makontento ako.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...