Chapter 11

294 10 0
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

"Ang lakas din talaga ng loob mong pasukin ang gang namin para lang makakuha ng impormasyon, ano?!" Nanggagalaiting sabi ng isang lalake sa babae!

Gusto ko ng tumayo pero pakiramdam ko ay napako ang buong katawan ko't hindi na naman makagalaw dahil sa takot!

"At ano naman ang akala mo sa amin?! Mga tanga?! Gago! Pasalamat ka at babae ka kaya hindi ka namin pahihirapan ng husto!" Sigaw pa muli nito.

Ang babae ngayon ay nakaluhod na sa harapan nila at nagmamakaawang huwag siyang patayin. Duguan na ang ibang parte ng ulo niyo at pasa pasa na rin ito. Madumi na ang kabuuan niya dahil kanina pa siya nagpapagulong gulong sa lupa habang iniinda ang sakit ng palo, suntok, sipa at sampal sa kanya.

'Hindi ko na kayo 'to! Kailangan ay may gawin na ako!'

Buong tapang akong tumayo at tumakbo! "Hep.." mahinang naiusal ko nang biglang may humatak sa akin mula sa likod na sabay sa pagtakip niya ng bibig ko!

Sa amoy niya ay alam kong lalake siya. Ramdam ko rin kasi ang katawan niya mula sa likod ko. "Wag kang makikialam sa mga bagay na wala kang kinalaman. Mamamatay ka lang." Madiing bulong niya. Hawak hawak pa rin niya ako at nakatakip pa rin ang kaliwang kamay niya sa bibig ko, ang kanang kamay naman niya ay nakayakap sa tiyan ko na animo'y pinipigilan ako sa pagtakbo.

Dahan dahan siyang kumalas at nung hindi ko na maramdaman ang kamay niya ay pinihit ko ang katawan at ulo ko sa likuran ko. "S-sosa.." naiusal ko na lamang.

Hindi niya ako tinugunan, sumilip siya sa mga lalakeng iyon at saka muling bumaling sa akin. "Bumalik ka na sa kwarto niyo." Maawtoridad na aniya.

"P-pero.. paano s-siya?" Pagtutukoy ko sa babaeng pinapahirapan.

Seryosong tumingin siya sa akin, "Wala tayong magagawa dahil mamamatay at mamamatay rin siya pigilan man natin ngayon o hindi. Pero.. mabibigyan siya ng hustisya kung aalis ka na ngayon at hahayaan siya."

Naramdaman kong kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil sa sinabe niya, "Pa'no?" Nagtataka talagang tanong ko.

Nilingon niya ang mga ito, nakatago kasi kami sa pader at nakatalikod sila sa amin kaya hindi kami pansin. "I'll be the witness in their crime.." makahulugang sagot niya.

Tatangu-tango akong napapikit. Kung mamamatay na nga siya ngayon at mabibigyang hustisya naman, mas mabuti na iyon. "Sige.." sabi ko.

"Umalis ka na ngayon.. 'wag kang magalala dahil alam ko ang ginagawa ko." Walang halong kayabangang anas niya.

Bahagya naman akong napangiti bago siya tinalikuran. "Magiingat ka.." dagdag pa niya pero hindi ko na siya nagawang lingunin pa.

Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad ng walang katakot takot dahil tanging ang nasa isipan ko lang ay ang nakita ko. Sinabe ng lalake kanina na sumali ang babae sa gang nila para makakuha ng impormasyon? Ibig sabihin ay parang naging traydor siya? Bakit naman siya papasok sa gang na iyon? Ano ang dahilan niya? At anong gang ang pinasukan niya?

Eto na naman ang sangkatutak na tanong na nabubuo sa aking isipin! Kainis! Bakit ba hindi masagot sagot ang mga ito?!

Natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa tapat ng kwarto namin. Pinikit ko ang doorknob pero mukhang nakalock ito kaya kumatok nalang ako. Ilang segundo na akong naghihintay na bumukas ang pinto pero wala pa rin.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon