NOTE: PREPARE FOR SOME TISSUE.😑 YOU MIGHT DISLIKE OR LIKE THIS CHAPTER
KIMONO'S POINT OF VIEW
NAGISING ako nang maaga dahil hindi rin ako makatulog nang maayos simula nang ipikit ko ang mata kagabi. Masyado akong nilamon ng mga isipin ko. Hindi ako mapakali kakaisip kung anong maaaring mangyari bukas.
"You're early.." Nilingon ko ang sala kung saan nanggaling ang nagsalita, nando'n si Psyche na prenteng nakaupo at mukhang malalim ang iniisip.
Imbes na sumagot ay dumiretso rin ako sa sala upang umupo sa harap niyang silya, "We should be there at 7:00." Sabi ko, pagtutukoy sa lugar kung saan kami inatasan.
Tumango siya, "Something's bothering you?" Tanong niya maya maya.
Naiangat ko ang paningin sa kanya, nagpakawala nang malalim na hininga saka tumango. "It's not that I'm scared what might happen, I'm just... nervous." Sagot ko sa kanya, muli naman siyang tumango-tango at mukhang nakuha ang ibig kong sabihin.
After a moment of silence, "There's a traitor..." I looked up at him giving a questioning glare. Traitor? "...from one of our friends." He added. My eyes popped out from shock. It took me seconds to finally get what he just said.
From one of our friends!?
"W-What do you mean?" I know what he mean, I really do, it's just that I don't want to believe it, to digest it. Kilala ko ang mga kaibigan namin at hinding-hindi sila magiging traydor, kahit sino sa kanila.
He take deep breath before opening his mouth again, "You know what I mean, Kimono." Hindi sinungaling si Psyche, lalong hindi niya ugali ang manira ng tao. That's why it's really hard to what should I believe. "I'm just...not sure who."
"Then how come you've---"
"I scanned all the memories that necklace have," Ibinaba niya ang tingin sa mini table na nasa gitna namin. Nandoon ang necklace na mula sa isa sa mga babaeng nakuha namin. "And as what I've mentioned yesterday, there's another one helping the SDG. I wasn't able to scan the necklace properly, but now I did."
Naiintindihan ko ang lahat ng sinasabi niya pero ayaw itong tanggapin ng utak ko. Masyadong hindi kapanipaniwala ang sinasabi niya.
"B-But how did you say that it's one of us?" Naramdaman ko na ang mainit na likidong pilit kumakawala sa aking mga mata. Sa tingin ko ay alam ko na ang maaring palantandaan niya kaya nasabi niyang isa sa amin ay traydor.
"Our tattoo." And I'm right. "The crescent moon tattoo we have in our wrist."
Doon ko hindi napigilang umiyak. Kung totoo man ang sinasabi niya, hindi ko kakayanin. Hindi ko alam kung paano haharapin. Ilang taon na kaming magkakasama at parang sila na ang naging pangalawa kong pamilya. Sila na ang naging kasangga ko sa lahat ng mga problemang dumating sa buhay ko. Hindi ko kaya. Gusto ko nalang alisin ang lahat ng narinig ko ngayon.
"P-Pero...bakit mo sinasabi 'to sa akin ngayon?" Kung totoo mang hindi siya sigurado sa kung sino ang traydor sa aming magkakaibigan, bakit niya ako kinausap ngayon at sinabi ang lahat.
"I followed my guts," Diretsong tanong niya. "To the four of you, you were my most trusted one." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya, masyado namang hindi akma kung ikasisiya ko pa ang sinabi niyang iyon matapos malaman ang rebelasyong nakakawindang.
Tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mga mata kaya naman mabilis ko iyong pinahid gamit ang hinlalaki ko. "I...I don't w-want to believe, Psyche." Naluluha pa ring anang ko.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...