Chapter 8

373 12 3
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

Eksaktong alas onse ng umaga ay nakarating kami sa kwarto namin. Doon lang tuluyan nawala ang kaba na mayroon ako. Alam kong pagod ang bawat isa sa amin.

Isang araw kaming walang kain pero ngayon lang namin naramdaman iyon dahil nilamon kami ng takot at kaba. Nagsimula nang magluto ang dalawa kaya kami naman ay naligo na.

Dalawa ang CR namin.. isa sa mga rooms ng pambabae at isa sa rooms ng panlalake.

"Sa CR niyo na ako maliligo." Paalam ko kila Toppo at Psyche na tinanguhan lang naman ako.

Agad na akong naligo doon at pagkatapos ay nahiga muna ng saglit sa kama ko. "I really can't believe this is happening.." bulong ko sa aking sarili na napabuntong-hininga pa ng paulit ulit.

"Kim.. let's eat.." marahang tawag sa akin ni Stacey.

"Mhm.." tugon ko.

Saglit ko pang ipinikit ang mga mata bago tuluyang bumangon sa kama. Nakaupo na silang lahat kaya sumunod na ako.

"Can you explain to us how did you do it? Paano mo nalaman na sila? Ang galing mo don sobra! Dali na, Psyche! Uyy.." pamimilit ni Jemi na sagutin siya ni Psyche.

Ngumiti ito saka bumuntong-hininga pa muna bago sumagot. "Alam kong hindi ako nagkwekwento tungkol sa pamilya ko.." panimula niya at nakinig naman kaming lahat habang ngumunguya. "My father is a secret agent while my mother is a detective." Alam kong nagulat ang bawat isa sa amin pero hindi na nag-react pa. "Sinikap nilang turuan ako ng bagay na iyon dahil sabi nila.. hindi na daw nila kayang matutunan pa 'yon." Dagdag niya kaya lahat kami'y nagkunutan ang noo.

"Anong bagay na 'yon?" Kunot noo paring tanong ko.

"Psychometric.." sagot niya dahilan para magtinginan kami. "Bata palang ako sinisikap na nilang ipagawa sa akin iyon. It take years bago ko maperfect ang bagay na 'to." Aniya saka kami isa isang tinignan. "I really don't want this.. pero at least nagamit ko para ilagtas kayo." Nakangiting aniya.

"And what's Psychometric?" Agad na tanong ni Jemi.

'Buti nalang siya ang nagtanong, hehe.. Magmumukha akong boba kapag ako ang nagtanong e! Hahahah!'

"Nagagawa ko iyon kapag nagco-concentrate ako ng mabuti. Sa paghawak ko sa isang bagay.. maari kong malaman ang history non. Hard to explain.. basta gan'on siya gumana." natatawang sagot niya.

Kami naman na FEELING MATALINO ay tatangu-tango na akala mo naintindihan kahit hindi naman! Hahahah!

"Ang galing galing mo talaga kanina, Psyche! My God! Naiiyak na ako dahil akala ko katapusan ko na kanina e!" Pagbasag ni Jemi ng katahimikan. Natawa naman kami sa kanya. "Ikaw nalang crush ko please! Hahaha! My God! Nakakainis ka, Psyche! Ang pogi mo kanina sa pagpikit pikit mo and.. UGH! In love na ako sa'yo! Akin ka nalang! Hahaha!" Biro ni Jemi na may pag-acting acting pa. Nagtawanan naman kami.

"Pardon, you're not my type.." tatawa tawang tugon ni Psyche kaya umirap naman si Jemi.

"Yeah, right? Whatever.. alam ko namang si Stacey ang type mo.."

Lahat kami ay nagkatinginan at ramdam ang pagkailang pero.. "HAHAHAHAHA!" malakas na tawa ko, Toppo at si Jemi!

Samantalang ang dalawa ay pareho ng naiilang ng sobra! Kitang kita ko kay Stacey ang pamumula samantalang si Psyche naman ay iiling iling na sumusubo nalang!

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon