Chapter 48: FINAL BATTLE (PART III)

206 7 3
                                    

LUNA'S POINT OF VIEW

Mabilis akong humugot ng mga kutsilyo sa aking tagiliran nang makita si Fevidal na naghahandang ibato ang kanyang hawak papunta sa lalaking aking tinatangi.

*TSUK! TSUK! TSUK!*

Hindi maaalis ang nakita kong gulat sa mga mata ni Fevidal nang matamaan ko ang kutsilyo na kanyang ibinato. Inangatan niya ako ng tingin at pinagsalubong ang dalawang kilay. Nginisian ko lang naman siya saka ko na binalingan ng tingin si Psyche.

Kitang-kita sa kanyang katawan ang panghihina, at mayroong kung anong kirot akong naramdaman habang tinititigan siya.

Stupid. Do you really think I died with the explosion?

Ibinalik ko ang paningin kay Fevidal, "Wynter Fevidal," malamig kong tawag sa kanya. "It's been a while since we last met," dagdag ko pa.

I wanted to kill her right away, but I just can't and I don't want to. We need her to confess everything and tell the story.

Binabaan ko ng tingin si Psyche. "I can't let you die. Leave this to me," sinserong sambit ko at saka ngumiti ng bahagya. Mababaw siyang tumango at ngumiti.

Bumagsak ang kanyang katawan sa sahig at alam kong dahil iyon sa kawalan ng enerhiya. Hindi ko siya tinulungan dahil alam kong mas lalo lang akong mapupuno ng galit kapag nakita ko siya sa ganoong estado.

Matalas akong tumingin kay Fevidal at nakangisi lang naman siya at nakataas ang isang kilay, animo'y hinahamon akong sumugod.

Honestly, if we are talking about combat skills and barehanded fight, she is way better than me. But if it is a long range fight, I am confident that I can beat her.

Pareho lang kaming nakatingin sa isa't isa, naghihintay kung sino ang susugod. Pinapakiramdaman kung ano ang dapat at tamang gawin.

I can't let her go near me. It would be a disadvantage for me.

*BANG!*

Wait--what!?

Hindi ko inaasahang mayroon siyang dalang baril. Mabuti na lang at mabilis kong naiwasan ito. Ngunit naging dahilan upang mawala ako sa aking balanse. Nang tignan ko siya'y mabilis na siyang tumatakbo papunta sa akin. Alam ko na sa una't sapul pa lamang ay gusto niyang makipaglaban ng malapitan.

Gumulong ako ng dalawang beses at saka sinabay dito ang paghugot ng mga kutsilyo. Patalon akong tumayo't lumuhod saka pinalipad ang dalawang kutsilyong hawak, diretso sa magkabilang bahagi ng kanyang katawan. Umilag siya sa pamamagitan ng pagyuko ng mababa. Matapos nito'y isinadsad niya ang sarili upang hindi magsayang pa ng oras para makalapit sa akin. Ako naman ay mabilis na tumakbo papunta sa mga puno upang umakyat dito.

Isa sa mga naging training ko nang simali ako sa KPD ay ang mabilis na pagpunta o pagakyat sa matataas na lugar. Sa ganitong paraan kasi ako magiging ligtas at magkakaroon ng malawak na bisyon sa aking paligid. Hindi ako kasing husay ng dalawang kambal at ni Ygot sa pakikipaglaban nang mano-mano at gamit ang buong lakas. Mabilis akong mapagod sa ganoong laban, kaya naman naisip kong mag-pokus nalang ako sa isang bagay kung saan ako magaling.

I am an old player of archery sports before I entered this hellish place. Though there's a big difference in archery and shooting using knives, I was able to adapt and learn it easily because already have a background in aiming targets, and I am confidently good at it.

Patalon kong inabot ang sanga ng puno at mabilis kong ikinawit ang dalawang paa rito. Matapos nito ay tumayo na ako at kaagad nagpalipat lipat sa mga puno upang mahirapan si Fevidal na hanapin ako. Nang makahanap ng magandang pwesto, iginugol ko na ang aking sarili sa pagplaplano kung paano ko gugulatin sa pagatake si Fevidal. Hindi giit sa aming kaalaman kung gaano siya kagaling makipaglaban, pero hindi ang limitasyon niya. Masasabi kong isa siya sa pinakamalakas na babae rito sa lugar na ito. Maaaring mas malakas pa kaysa kay Viosmin.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon