Chapter 47: FINAL BATTLE (PART II)

229 7 5
                                    

YGOT'S POINT OF VIEW

Mabilis naming pinalabas ang mga kasamahan nang makita namin ang kumakapal na usok sa loob ng hidden basement. Alam naming darating ang araw na gagawin nila ito. At alam din naming gagawin nila ito hindi para patayin kami, kundi upang lisanin namin ang lugar at sila ang magbenepisyo ng mga gamit na naiwan dito.

Hindi kami tanga para sumunod sa agos na gusto nilang mangyari. Hindi kami ganoon kahina magisip upang hayaan nalang na sila ang makinabang sa mga armas na kami ang may-ari.

"Luna, palabasin mo ang lahat ng narito sa loob, matapos ay sumunod ka sa amin." baling kay Luna na naghihintay na sa aking utos, tumungo naman siya at saka kaagad kumilos. "Viosmin, Viospart, tara sa armory."

Mabilis kaming tumakbo papunta sa armory. Ito ay isang kwarto sa loob ng hidden basement kung saan ang lahat ng mga baril at iba't ibang armas ay nakaimbak.

Kumakapal na ang usok kaya naman nang marating namin ang armory ay kaagad na kaming kumilos upang kunin ang mga armas na kakailangin. Inilagay namin ang mga ito sa gun holsters at ang iba ay nakasabit sa aming mga katawan.

Hindi nagtagal ay dumating na rin si Luna sa silid, "Palabas na ang lahat!" habol-hiningang aniya.

Tumango ako, "Now, set the bomb." utos ko muli. Of all the members of our gang, Luna is the most skilled one who can activate a bomb fastly.

Halos isang minuto lang ay natapos na siyang ayusin ang bomba, "10 minutes before it explode."

"Okay, good. Take this." Nagabot ako sa kanya ng isang bag at ilang mga armas. "Let's go," matapos nito'y nagpaumunang naglakad si Luna na siyang sinundan ko naman at ng dalawang kambal.

*BANG! BANG! BANG! BANG!*

Hindi pa man tuluyang nailalapat ang mga paa sa labas ng armory room ay mayroon nang nagpaulan ng bala sa amin.

"Tss. They really planned this well." Asik ni Viospart. "ASSHOLES!!!" sabay sa kanyang pagsigaw ay ang paghiga niya sa sahid.

*BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!*

Pinaulanan din niya ng bala ang direksyon kung saan galing ang pagatake kanina. Sinundan naman siya ni Viosmin na halos ubusin na ang bala ng kanyang dala-dalang Avtomat Kalashnikova, mas kilala sa tawag na AK-47.

"Go!!! We'll hold these bastards!!!" sigaw sa amin ni Viosmin habang patuloy na nagpapaulan ng bala.

"Don't die. It is an order." Mariing tugon ko.

Sabay silang lumingon at ngumisi, "Hindi uso maging cold ang kambal na Wincold." sabay din nilang sambit at saka muling ibinaling ang atensyon sa nagtatago pa ring kalaban.

Magkapatid nga talaga. Tss.

"We'll wait for the both of you," si Luna.

"Oo na, alis na!!!" Kunwareng inis na saad ni Viospart.

Hindi naman na kami nagsalita pa at ginamit na namin ni Luna ang pagkakataong iyon upang makaalis sa lugar. Mabilis kaming tumakbo papunta sa tinatawag naming "doraemon door". Ito ay isang maliit na pintuan palabas ng basement. Ang papasok sa garden ang iyong lalabasan kung dito ang tinahak mo. Walang sinumang may alam ng pinutuang ito maliban sa matataas na miyembro ng KPD at TGD. At ginagamit lang ito upang makatakas kaagad kapag ang basement ay nasugod ng mga kalaban.

Sa pwesto namin ngayon, kita namin sa hindi kalayuan ang bakabakang nagaganap sa hardin. Pilit kong tinatalasan ang aking paningin upang mahanap ang babaeng aking pinagkakaingatan. Ngunit nabigo akong mahagilap ni anino man lang niya.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon