Chapter 16

294 11 0
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

Natapos ang araw ng Friday pero hindi nagising si Toppo, kinakabahan ako ng sobra at kasama no'n ang galit at awa na nararamdaman ko. Hindi ako sanay na walang maingay at nakikipagaway kay Jemi. Namimiss ko na rin ang luto niya. Saturday ngayon kaya half-day lang kami. Mabilis na natapos ang klase. Parang walang nangyare no'ng nakaraan kung magsiasta ang bawat isa. Para bang sanay na sanay na sila dito.

Sabay sabay naming tinahak pabalik ang building namin. Excited na makita si Toppo, umaasang gising na siya. Pagkabukas ng pintuan ay kaagad kaming dumiretso sa kama niya pero laking gulat namin nang hindi siya makita do'n. Saglit na nagkatinginan muna kaming apat bago lumabas sa kwarto.

"Tss.. wala man lang totoong pagkain na nakahanda?" Si TOPPO! Halos maiyak ako sa sayang naramdaman ko! Gising na siya! "Oh, ano? Bakit hindi niyo man lang ako pinaglutuan ng pagkain? Hotdog at itlog lang?" Reklamo niya pero hindi namin iyon pinansin.

Patakbo namin siyang niyakap at halos tumulo na talaga ang luha ko, "You're awake.." naluluhang sabi ko. Ngayon ay tatlo kaming nakayakap sa kanya, si Jemi at si Stacey ang kasama ko. Kusa rin kaming kumalas ng senyasan niya kami na hindi siya makahinga.

"Sorry.." umiiyak nang sabi ni Jemi, pinahid ang luha gamit ang hinlalaki. "I'm glad you're awake.." dagdag pa niya.

"Oh e bakit walang lutong pagkain? Tss.. alam niyo naman na hindi ako gaano mahilig sa prito?" Reklamo pa rin niya.

'Hanggang ngayon naman 'yan pa rin ang iniisip? Abnormal!'

"Gutom ka na ba?" Si Psyche mula sa likuran namin.

"Sobra!" Asik niya.

Natawa naman kami sa kanya, mainitin talaga ang ulo neto kapag gutom e, "Isang araw kang tulog e.." natatawa pa ring sabi ko.

Mabilis na kumunot ang noo niya, pinagmasdan ang mukha ko kung nagsasabe ako ng totoo, "I-isang araw?" Hindi makapaniwalang tanong niya, nakangiti naman akong tumango. "What the fvck?! Ang tagal naman!"

Muli kaming natawa sa kanya, "Masyado kang nawalan ng lakas.. kaya isang araw kang nakatulog. Swerte ka pa nga't walang natamaang maselang parte sa ulo mo e." Sabi ni Psyche at saka nagderetso sa kusina, baka magluluto siya ng pagkain namin.

Iginaya muna namin si Toppo papunta sa dining area at doon kami nagusap-usap. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang isang araw siyang nakatulog. Pero kahit gano'n ay sobrang saya pa rin talaga namin at gising na siya, meron nang magiingay. Halata pa rin ang panghihina niya dahil mabagal siyang kumilos at ngumuya ng pagkain. Nakakatawa lang dahil ang ingat-ingat niya ngumuya, parang bata.

"Pakshet! Hindi naman natamaan bibig ko ba't ang hirap kumain!" Asik niya, nagtawanan kami, sinamaan naman niya kami ng tingin. "Hoy, ikaw Jemi! Ikaw may kasalanan nito e!" Singhal niya.

Agad na nagtaas ng kilay si Jemi, ibinaba ang spoon and fork saka nagsalita, "And why me again?" Mataray na aniya.

"E ikaw ang dahilan kaya napalo ako e! Bwisit! Sino ba kasi 'yong pumalo sa'kin?!" Halatang inis na anas niya.

"Nasa impyerno na.." natatawang sagot ni Jemi, "Thanks to Stacey." Dagdag pa nito.

Muling sumama ang tingin ni Toppo kay Jemi, "Oh, tignan mo? Ni hindi mo man lang ako pinaghigante! Sinangga ko 'yong tabla tapos hindi man lang ikaw nagdala sa impyerno sa kanya!" Parang batang asik niya.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon