KIMONO'S POINT OF VIEW
Idadala daw nila kami sa kwarto namin. Magkakasama kami sa iisang kwarto kaya kahit papano ay naginhawaan ako. Ngunit hindi parin ako makakalma. Lahat ng ito ay parang panaginip. Masyadong hindi makapaniwala ang mga nakikita't naririnig ko.
Kaninang naglalakad kami papunta sa kwarto namin, kitang kita ko ang mga mata ng mga estudyanteng napakatatalas ng tingin! Hindi ko maintindihan ang tingin nilang iyon! Dahil isa lang sigurado ako, parang gusto nila kaming patayin!
Sa sobrang kaba ko katitingin sa mga estudyanteng iyon ay hindi ko na napansin na nandito napala sa kwarto. Ni hindi ko man lang naramdamang umakyat pala kami.
"This is your room. Good luck." Nakangising sabi nung Bullet! Isa pa 'to! Bakit ba ganyan sila makangisi!
Parang masaya pa silang makapunta dito! Hindi ko sila maintindihan! Bakit parang sa kanila ay isa lamang biro ang lahat!
Astang papasok ako ng magsalita si Bullet, "Don't try to look at their eyes while they are looking at you.." napalunok ako hindi dahil sa sinabe niya. Kundi dahil sa paraan ng pagsasalita niya. Hindi nananakot pero nakakatakot. "You should never to go here.." at saka siya umalis!
'Hindi naman kami ang pumunta dito ah?'
'At saka.. sila ang nagpunta sa amin dito! Hindi ko naman ginusto pumunta dito!'
Pinanood ko lang siyang maglakad palayo sa akin. Maangas ang dating niya at ramdam kong may alam siya sa lahat ng nang mayroon dito.
"Hey, Kimomy! Ano ka ba?! Pasok na! Look here oh? Ang laki at ang ganda ng beds!" Si Jemi kaya pumasok sa ako sa loob ng kwarto.
Gulat akong nakita kung gaano kalaki ang kwarto na ito. Sa loob ng kwartong ito ay may dalawang kwarto pa. Para sa lalaki at babae. At sa bawat kwarto ay may CR na may kalakihan din.
Iginala ko pa ang paningin ko at nahagip ko naman ang kusina, hindi man ito kalakihan ay kasya naman kaming lima dito kapag kakain ng sabay.
"In fairness ah? Maganda ang kabuuan ng kwarto.." maarteng sabi ni Jemi na nakapamewang pa.
That's JEMNALLE QUINDARRA. Siya ang pinakamaarte sa aming lima. Matalino siya pero sobrang loko. Mayaman ang pamilya niya, mga business man sila, pero naglayas siya dahil nasasakal daw siya sa bahay nila. Malandi 'yang babaeng 'yan! HAHAHA! But not to the point na nakikipaghalikan na lang kung trip. Malandi siya in a way na lahat ng makitang gwapo ay gustong jowain at harutin. Well, nagkakasundo kami sa bagay na yan! HAHAHA!
"Haaayyy!" Pagkawala ni Toppo ng malalim na hininga. "Hindi gaano malaki ang kitchen.. paano ako magluluto niyan ng maayos?" Nakangusong tanong niya sa sarili kaya napatingin naman ako sa kanya.
TOPPORI MCCRAIS. Sa aming lahat siya ang pinakamaaingay, mas maingay pa siya kay Jemi. He's a joker pero seryoso naman sa pagaaral. Katulad ni Jemi ay mayaman din ang pamilya niya, hindi naman siya naglayas sa kanila pero may sarili siyang bahay na inuuwian. Wala na akong ibang alam tungkol pa sa pamilya, masyadong misteryo ang pamilya niyan at ayaw din niyang pagusapan iyon. Siguro for privacy na rin? Kung tutuusin siya ang tipo ng lalakeng magugustuhan mo kaagad. Matangkad siya at hindi mo maitatanggi na sobrang pogi niya! Malakas pa ang dating! Korni nga lang minsan magjoke.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...