TOPPO'S POINT OF VIEW
Habol-hiningang binatawan ng aking kapatid si Wynter, "It must be us who will end this."
*GLAKATAKATAKATAKATAG-GLAKATAKATAKATAKATAG!!! GLAKATAKATAKATAKATAG-GLAKATAKATAKATAKATAG!!! GLAKATAKATAKATAKATAG-GLAKATAKATAKATAKATAG!!!*
Pareho kaming napatingin sa ere nang umusbong ang ingay na iyon. Bumungad sa amin ang dalawang helicopter na kulay itim. Sinubukan kong aninagin ito at ang aking nakita ay tila isang logong kulay pula.
That's...
"Hide!!!" Malakas na sigaw ni Kosher dahilan upang mabilis akong tumakbo papunta sa likod ng poste.
*RAT-A-TAT-A-TAT-A-TATAT! RAT-A-TAT-A-TAT-A-TATAT!*
Matagal na nagpaulan ang mga ito ng bala papunta sa aming dalawa ni Kosher kaya naman wala kaming nagawa kundi ang yumuko at magtago. Wala na si Wynter nang matapos ang pagpapaulan nila ng bala. Sa kabilang banda, mayroong limang armadong lalake sa aming harapan ngayon na nakasuot ng purong itim.
"Tss.. that damn witch!" Inis na singhal ng kapatid ko. "I'll handle these guys, you go after them." Pagtutukoy niya sa dalawang helicopter. Isang tango nalang naman ang aking ginawa at saka na umalis sa lugar na iyon.
Kahit na may tama ako sa aking katawan, nagagawa ko pa ring tumakbo nang mabilis. Ganito kami sinanay sa organisasyon dahilan upang kaya naming indahin ang sakit na nararamdaman. Hindi ganoon kataas ang lipad ng parehong helicopter at hindi rin sila ganoon kabilis kaya naman nagagawa ko pa ring sundan ang mga ito. Pawang nakasara ang pinto nila kaya mahirap makita kung nasaan ang pwesto ng mga laman nito.
Patungo sila sa kabilang building kung saan mayroong sumabog kanina. Kung hindi ako nagkakamali, sa lugar na iyon ay may espasyo upang mailapag nila ang sakay na gamit. Patuloy lang ako sa pagtakbo at pagsunod sa kanila nang palihim. Tama nga ang aking hinala na doon sila papunta. Habang hinihintay silang makapag-landing, naidapo ko ang aking paningin sa kaliwang bahagi.
"Ygot? Kimono?" Mahinang bulong ko sa aking sarili.
Mayroon pang isang lalake na siyang may hawak sa aking kaibigan. Samantalang si Ygot naman ay nakaluhod sa harap ng dalawa. Hindi sila ganoon kalapit sa akin ngunit sapat na upang marinig ang kanilang usapan. Marahan kong inayos ang aking pwesto at saka itinutok ang armas diretso sa taong may hawak kay Kimono.
Isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa labi ng lalaki, "Choose, die in front of her or I'll kill her in front of you?"
"The clock is ticking..." Nakangisi pa rin nitong ani.
"Kill..." paunang sabi ni Ygot, mahina at mahinahon. "You!!!"
*BANG!*
Bago pa man makapagpaputok ang ito ay tinamaan ko na siya sa braso dahilan upang mabitawan niya si Kimono pati ang hawak na baril. Kaagad akong lumabas sa aking pwesto at saka itinutok ang baril sa lalaking iyon.
"Keep low and stay where you are..." nagbabanta kong sabi. Nanatili naman itong nakahawak sa brasong natamaan habang nakikipagtitigan sa akin.
"Thank you, Toppo.." habol-hiningang sambit ni Kimono na ngayon ay hawak na ni Ygot.
"Toppori McCrais," natatawang saad ng lalake. "What a good name to cover your real identity," pinuno niya ng sarkasmo ang boses.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...