Chapter 24

275 11 2
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

MABILIS na tumakbo ang mga araw, it's now Monday and on Thursday is going to be the first Thursday of the month. Meaning... Mystery Thursday is coming again...

Nasa conference ang lahat ng estudyante ngayon dahil nagpatawag si President Bullet ng meeting. May isang mahalagang bagay daw siyang kailangan na sabihin. Kung anuman iyon ay hindi ko pa alam sa ngayon.

Wala ang Dean, tanging ang tatlong officials at dalawang guardians lamang ang nasa stage ngayon na nakauopo. Kapag magkakasama sila ay napakabigat at napakaangas ng aura nila. Para bang kailangan mo talagang magbigay ng galang kung makakasalubong mo silang sama-sama.

"Good morning, Mafians." Panimula ni Secretary Heria Raban, maganda ang boses niya kahit may bahid nang pagkaarte't pagkamaldita. "We all know that this week.. Mystery Thursday is coming, I hope you are all ready for it." Mabilis na nagreact ang nakakarami dahilan para umusbong ang bulungan at bungisngisan. "We have a good news to everyone. Ahh.. actually a bad news." Dahilan para manahimik ang lahat. "Let me call on President Ario to explain this news." Saka niya hinarap si Bullet. Tumayo naman ito sa silyang kinauupuan saka lumapit sa kanya.

"Thanks," rinig ko pang ani Bullet kay Heria na maarte namang naglakad papunta sa helera ng mga officials at guardians. "This news is the decision of our one and only host." Aniya matapos tumikhim, "In the following months.. Mystery Thursday is going to disappear." Dahilan para magpalakpakan ang mga estudyante sa tuwa. Nagkatinginan kaming magkakaibigan at halatang nagtataka. Alam naming may maling nangyayare, nararamdaman namin iyon.

'Ano na naman ba ang pagkulo ng host?'

Sumilay bigla ang nakakalokong ngisi mula kay Bullet, "Pero.. mapapalitan ito ng panibagong kailangan paghandaan ng bawat isa." At natigilan ang lahat ng estudyante.

'What's this?'

"Mystery Thursday is going to be Clash of Sections." Clash of sections? "This will also happen every first Thursday of the month. This time.. there will be no killers inside your room. Because this time, your comrade is your section. Two sections will clash, do or die." Nagpatuloy pa siya sa pagexplain ng bagong pagkulo nila. Magulo at mahirap ipasok sa utak ang mga sinasabe nila. Naiintindihan ko pero masyado iyong hindi makatao para sa isa't isa.

'Gagawin talaga nila ang lahat maubos lang ang mga estudyante dito! Mga demonyo!'

Gustong-gusto kong magwala dahil sa mga naririnig ko. Masasabe kong mas madami ang mamamatay sa lagay na ito. Hindi katulad ng mystery Thursday na kaya naming maprotektahan ang mga nakasalalay ang buhay sa pamamagitan ng pagalam kung sino ang killer. Pero ngayon, harap-harapan kaming makikipag bakbakan, at kailangan wala kaming ititirang nakatayo sa kabilang kupunan.

'Clash of sections.. This is crazy..'

Wala na akong naintindihan pa matapos ang meeting na iyon. Hanggang sa matapos ang lahat ng klase at makabalik ako sa kwarto namin ay hindi ko maalis sa isipan ang panibagong pagkulo na iyon. Sobra na sila. Gusto nilang magpatayan kami, pero ang ipapalabas lang nila ay self defense iyon.

'What the heck?'

Ang sarap sumigaw sa galit pero alam kong walang kwenta iyon. Sa kwarto ay pare-pareho rin kaming tahimik at malalim ang mga iniisip. Nasa sala lang kaming lima at nakatungo sa sariling tuhod.

"They want us to a demon like them." Tiim-bagang na ani Psyche, kitang-kita ko sa kanya ang galit, nagaapoy ang mga mata niya. "That was a cruel one. Gusto nila tayong lumaban hanggang mapatumba ang lahat ng kalaban. Stupid! What kind of human are they?!" Halos maiyak na siya sa galit. Naihilamos niya ang sariling palad sa mukha. Ngayon ko lang siya nakitang magalit nang ganito. Sanay akong lagi siyang kalmado. "I don't know what's the purpose of it. Something's wrong.. there's a reason why did they do this."

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon