Chapter 23

252 10 1
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

Syempre dahil natuwa sila sa lugar gusto muna raw nila magstay dito kahit ilang saglit pa. Pabor din naman sa'kin 'yon kasi gusto ko pa rin magstay. Napapakalma ng mga bulaklak ang isipan ko e. Dahil hindi nga gano'n kalaki ang garden kaya nakikita ko pa rin sila kahit saan man ako dalhin ng paa ko. Pumunta na lang ako sa gitna kung saan naroon ang puno ng narra. Umupo ako sa ugat nito at tumingala saka ipinikit ang mga mata.

'Sa ganitong paraan na lang ako nagiging kalmado..'

"You're not beautiful in that way.." kahit hindi ako magmulat ng mata ay alam ko na kung sino ang nagsalita. Ewan ko ba kung anong trip niya e. Nakakainis.

'Bakit ba lumapit na naman siya? Meeheee! Meeheee!'

"And I don't care what you say." Sinabe ko iyon nang hindi gumagalaw o iminumulat man lang ang mata.

Naramdaman ko ang pagupo niya sa tabi ko kaya nangunot ang noo ko, "Your lucky." Aniya, kahit hindi ko siya tignan ay ramdam kong titig siya sa akin.

'Assuming? No! Pakiramdam ko lang naman e! Saka I'm too pretty kaya! Sinong hindi tititig sa akin? Duh!'

"Why?" Tanong ko, wala pa ring galaw na ginagawa.

"You have your friends beside you." Parang iyon na ang pinakamatinong nasabe niya sa akin. "You're so lucky." Dagdag pa nito.

Iminulat ko ang aking mata saka dahan-dahang tinignan siya. "Pangit kasi ugali mo kaya wala kang friends." Biro ko, natawa naman siya kahit papaano pero ni hindi man lang umabot 'yon ng isang segundo.

"I need to be like this, you know?" Seryosong aniya, nanliit naman ang mata ko habang titig sa kanya, bahagya pang kumunot ang noo ko. "I do have friends before, pero hindi ko sila nakasama dito." Ngumiti siya ng saglit saka tumingin sa kawalan.

"Oh? Sa ugali mong 'yan magkakaroon ka ng kaibigan?" Pabirong tanong ko naman, umiling-iling naman siya saka ako tinignan.

Ngumiwi siya saka bumuntong-hininga, "As what I've said.. I need to be like this. I need to change myself." Sambit niya.

"Why?" Seryoso na ang pagtatanong ko.

Muli siyang bumuntong-hininga, "Something you can'tt understand. You're stupid, right?" Biro naman niya, sumama ang tingin ko, tumawa na naman siya na umabot naman ng mga dalawang segundo. Lalo siyang pumopogi kapag nakangiti. Tss. Sayang. "Just kidding. But it's really something you can't understand."

Tumangu-tango na lang ako. "Okay. As you say so." Medyo mataray kong anas.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa bago niya iyon basagin, "What do you like about man?"

"Ha?" Halos mautal pang sabi ko.

"What do you like about man? What's your type? Something like that."

Saglit ko siyang tinitigan nang kunot ang noo, "Why should I answer that? And why did you asked that?" Tumaas pa ang kaliwang kilay ko.

Mabilis siyang nagiwas ng tingin. "It just came into my mind."

Sa hindi malaman na dahilan ay napangisi ako, "Do you like me?" Kahit ako ay hindi inaasahang itatanong ko iyon.

'Ano bang sinasabe mo, Kimono? What the hell, Kimono? Ugh!'

Alam kong nagulat siya sa tinanong ko dahil nanlaki ang mga mata niya, napalunok pa siya nang paulit-ulit. "W-what did you say?" Utal-utal na tanong niya.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon