Chapter 14

291 14 0
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

It's now Thursday.

Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay bumibilis ang oras araw-araw.. at pakiramdam ko ay unti unti na kaming nasasanay ng mga kaibigan ko sa set up na ganito, kahit wala pa man kaming dalawang linggo sa lugar na 'to.

Dumaan muna kami sa kanya kanyang locker bago nagtuloy sa pagpasok. Alam na nilang lahat ang tungkol sa 13 imp, at ang bawat isa sa amin ay desedidong mapabilang doon. May plano na kaming magkakaibigan kung paano kami mapapabilang doon. Planong napakadelikado ngunit pinakasafe na ring paraan.

Nagsimulang magturo ang first subject Lec namin at natuon naman doon ang atensyon ko. Bilib na bilib din talaga ako sa kanila dahil nagagawa nilang makapagturo na parang nasa normal lamang silang eskwelahan, ngunit ang totoo'y parang nasa impyerno na sila.

Nitong mga araw ay walang eksenang mga nangyare pero natatakot parin ako sa kung anong pwedeng mangyare. Hindi pa rin kami ligtas kahit na ano man ang sabihin namin. Impyerno ang lugar na ito kaya kahit kailanman ay hindi kami makakampanteng ligtas kami.

"Haaay.. buti naman at lunch break na. Nagugutom na ako kanina pa." Ani Jemi.

Nagugutom na rin ako kanina pa, pareho kasi kaming hindi gaano nakakain kaninang breakfast dahil itong mga bwisit naming kaibigan hindi kami ginising. Sa paglalakad namin papuntang canteen ay nararamdaman kong may mga matang nakamasid sa amin.

"Someone's watching us.." si Toppo. Ibig sabihin ay hindi lang ako ang nakakaramdam non. "Let's just keep on walking. 'Wag kayong magpahalata." dagdag niya at sumunod naman kami.

Narating naman namin ang canteen na wala namang nangyayareng masama sa amin. Agad na rin kaming nagsimulang kumain at matapos no'n ay nagusap usap kami ng sandalian.

Bago maghiwa-hiwalay ay nagsalita si Toppo, "Stay alert, everyone. Pakiramdam ko ay may binabalak silang masama sa atin. Kung sino man sila ay dapat nating malaman, pati na rin ang intensyon nila sa atin." Seryosong usal niya na tinanguhan naman namin. Matapos no'n ay naghiwa-hiwalay na rin kami.

Kaming mga babae lang ang magkakasama ngayon kaya may takot sa aking dibdib. Takot na hindi maintindihan. Takot na hindi mo alam kung saan nanggagaling.

"Let's start.." panimula ng Lec matapos pumasok sa classroom, "Now we're talking about mensuration.. this topic concentrates on calculating the areas, volumes, length of sides, and other geometric parts.." nagtuloy tuloy pa ang pagdiscuss ng aming Lec, nakinig naman ako at inintindi ang mga ito sa abot ng aking makakaya. Aminado naman akong mahina ako sa matematika.

Natapos ang sumunod pang mga klase at last subject na naman. Ang huling subject ns pinakaayaw ko, hindi dahil sa kung ano ito kundi dahil alangin na nga ang oras ay magisa pa ako dito. Inalis ko nalang sa aking isipan ang kabang mayroon ako at inisip kong matatapos rin naman ito. Hinihiling ko nalang na walang mangyareng masama.

Hindi ko alam kung sadyang nagiging praning nalang ba ako o totoong may mga nakamasid paring mga mata kahit nasa loob na ako ng silid. Pinilit kong makinig kahit ayaw matuon ng isipan ko sa nagdidiscuss sa aming harapan.

"Aaaaahhhhhhhhh!!!"

"Waaaaaaaaaa!!!"

"CLOSE THE DOOOOOOORS!!!"

"THEY ARE ATTACKING!!!"

"OH MY GOOOOOOOD!!!"

"HEEEEEEEELPPPP!!!"

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon