Chapter 21

278 11 2
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

Saturday na ngayon kaya half-day lang ang pasok, katulad ng dati ay dumaan muna kami sa kanya-kanyang locker bago pumasok sa unang klase. Hindi naman iyon naging boring dahil may kinalaman sa science ang topic ngayon, favourite subject ko kasi ang science. Matapos nang unang subject ay naging boring na sa akin ito, may kinalaman na sa math e. Marunog naman ako sa math pero hindi talaga iyon gusto ng katawan ko, parang sinasabe niyang ayaw niya ang subject na 'to. Kaya naglayag na naman kung saan-saan ang isip ko.

'Pa'no ko kaya matutulungan si Toppo na magsimula sa panliligaw kay Jemi?'

Napangiti ako sa isiping iyon. At nang may naisip ay mas lalo akong napangiti. Kung anu-ano na ang nagagawa nang utak ko, inimagine na silang dalawa. Kinikilig na ako sa loob-loob ko.

'Naku, Jemi! Baka himatayin ka sa kilig!'

Kailangan ko muna ako magpaalam sa kanila kung pwede ba kami doon. Baka kasi bawal e. Sana ay payagan nila kami. Natapos ang lahat ng klase namin ngayong araw na puro iyong proposal ni Toppo ang iniisip ko. Hindi ko talaga mapigilang kiligin sa mga iniisip ko, nakikita ko pa lang kung gaano magiging masaya si Jemi ay natutuwa na ako.

"Toppo, come.." ani ko pagkarating namin sa kwarto, gusto ko na siyang kausapin ngayon dahil bukas ang pinakamagandang araw para dito. Sunday bukas.

Kumunot ang noo niyang lumapit sa akin, "Why?" Bungad niya.

Lumawak ang ngiti ko at binulong sa kanya ang plano ko, "What do you think?" Tanong ko pa nang matapos ibulong ang lahat. Buti na lang talaga at nasa higaan si Jemi na natutulog kaya hindi niya kami mapapansin.

Mas malawak ang ngiti ngayon sa akin ni Toppo, at kung hindi ko lang siya kaibigan ay masasabe ko nang bakla siya. Halatang kinikilig ang loko e. "Oh sige.. tara kausapin na natin sila.." sabik na sabik pang aniya.

"Oh, sige, magpaalam muna tayo sa kanila." Pagtutukoy ko sa mga kaibigan namin, tumango siya. Gano'n nga ginawa namin, syempre pinakamaraming tanong si Jemi dahil hindi niya alam ang gagawin namin, samantalang binulungan ko na rin 'yong dalawa ring lovers. Psh. Syempre bago kami umalis ay sinabihan muna nila kaming magingat dahil nga hindi naman ligtas ngayong araw. Alam naman na namin 'yon.

"Saan natin sila makikita?" Tanong na naman ni Toppo, kanina pa 'to tanong nang tanong. Nakakainis na rin.

Napabuntong-hininga ako, para kasi talagang bakla e. "Sa park muna tayo, hindi lang ako sure kung nandoon sila." Sabi ko saka na naglakad. Sumusunod naman siya. Nang marating namin iyon ay napakadaming tao kumpara tuwing pumupunta ako dito kapag Sunday.

Tinahak namin ang lagi naming inuupuan ni Luna at wala siya doon, nalungkot ako medyo. Hindi ko na kasi alam kung saan pa siya pwedeng hanapin. Nang tumalikod ako at hinarap si Toppo ay nakatingin na siya sa kung saan, kunot na kunot ang noo. Magsasalita sana ako pero bigla siyang naglakad papunta doon kaya pinigilan ko siya sa braso.

"Bakit?" Tanong ko pa, hindi siya sumagot at mas lalong kumunot ang noo at itinabingi pa ang ulo na animo'y may inaaninag. Dahil do'n ay nilingon ko na ang tinitigan niya, mga nagkukumpulang estudyante. "Anong meron do'n?" Kunot-noo ko na ring sabi. Bumitaw siya sa akin at nagpaumunang maglakad papunta sa gawing iyon ng mga estudyante.

Nang matahak namin iyon ay doon lang namin narinig ang sumisigaw na tinig ng isang babae, siya ang pinagkukumpulan at.. isa pang lalake! May hawak ang lalake ng kutsilyo at nakaamba na ito sa leeg ng babae, nakapalibot din ang braso ng lalake sa leeg ng babae kaya hindi ito gumagalaw. Umiiyak na ang babae sa takot. Nilingon ko si Toppo pero parang nasa iba ang atensyon niya, may hinahanap siyang iba dahil lilingon-lingon siya kung saan.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon