Chapter 34: Khor Presso's Disciples

267 11 6
                                    

PSCYHE'S POINT OF VIEW

Hirap akong huminga, sobrang hirap talaga. Hindi ko inaakalang sa kaunting daplis na iyon ay magagawa na akong malagyan ng lason. Magaling talaga ang babaeng 'yon at hindi ko maitatanggi iyon.

Ngayon nakikita ko nang nagpapatayan ang mga estudyante rito sa loob ng hall. Narinig ko rin ang sinabe ni Sallie na bagong laro. Hindi ko maiwasang isipin na may mga matang nakatingin sa aming magkakaibigan palagi. Para bang nahulaan na lang nila kung ano ang aksyong gagawin namin at dahil doon ay paghihiwalayin pa nila kami.

I am poisoned.. while our two friends are in our room alone..

Their timing was too perfect and it was actually flawless. Para bang pinagpipili nila kami kung sino ang dapat na maligtas.

"Psyche.. just hold on please?" I can see on Kimono's eyes ang pagaalala niya. Kanina pa niya iyon sinasabi kaya 'di ko naman maiwasang mapangiti.

Si Toppo ay nasa harapan namin kasama si Luna, may mga lumalapit din pero nagagawa nila kaagad na mapatumba.

Totoo nga ang sinabe ni Sallie kanina, noong nakapatay sina Luna at Psyche, nadagdagan ang numero sa death watch nila. I never imagined that this game was made, it's like a none-ending-war. Ibig sabihin lamang nito, kada araw na lilipas ay makakalahati ang bilang ng mga tao sa loob ng Mafia Academy.

Alam naming lahat na kagagawan ito nang host, nang host na hindi pa namin alam kung sino. Tanging nalaman lang namin ay estudyante rin siya rito at isa siyang lalaki.

Sa ginagawa niya ngayon, nakasisiguro akong matalino siyang tao na kayang manipulahin ang lahat ng nakapaligid sa kanya. I don't want to say this but I am considering Guardian Ygot Sosa as a suspect. Though it's very obvious that he likes my friend Kimono, there's still something on him that is stopping me to give my trust fully.

Kahit 'di ko kita ang mga mukha nina Luna at Toppo, masasabi kong nakakaramdam na sila ng pagod. Mabigat na kasi ang paghinga nilang dalawa.

Wala akong relo, iyong relo na magsasabi sa akin kung anong oras na. Kaya ginawa ko nang basehan ang death watch na ito upang malaman kung ilang minuto na ang lumipas.

14 minutes bago bumukas ang pinto ng hall..

I know that I'll die when this poison has spread all over my body. The antidote that Ygot has mentioned earlier is the last option I should choose. Wala akong ideya kung ano ang nangyayare sa katawan ko pero nakasisiguro akong may mali kaya pagkakatiwalaan ko ngayon sina Luna at Ygot.

Muling bumalik sa aking isip ang sinasabi kanina ni Sallie, ang lason na si Ygot ang nakagawa ang nakapaloob sa relong ito.

Kung iisipin, maitatanong mo talaga sa iyong sarili kung paano nila makukuha ang naimbento niyang gamot kung hindi sila magka-sabwat. Pero, kung tatalasan at lalaliman mo pa ang pagiisip, maaring nakuha at nagaya lang nila ang gawa niya.

Lalo na kung ginagamit iyon ni Ygot upang mabilis na mapatay ang mga kalaban..

Kung ginagamit niya kasi iyon, malamang sa malamang ay pag-aaralan nila ang mga taong ito upang malaman ang naging reaction ng katawan sa lason na iyon. Sa pamamagitan no'n, madali nilang malalaman ang kailangan upang magawa ang lason na gawa ni Ygot.

But the real question is..

Is Ygot a friend or a foe?

Let's say that he's the host, na kaya niya kami tinutulungan ay upang makuha nang buo ang tiwala namin. At sa taglay niyang katalinuhan ay kaya niya kaming mapaniwala na malinis ang intensyon niya.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon