LUNA'S POINT OF VIEW
WE are thankful that Kimono's friends decided to join our gang. We really are. Masyadong lumalaki ang bilang ng kakampi ng SDG, dahilan upang mangamba ang grupo namin. Kung tutuusin, kayang-kaya naming matalo sila if we're only talking about those higher members of them. Pero kapag isinama mo na ang mga miyembro nila---talong talo na kami.
Nasa kwarto kami ngayon ni Ygot, doon na ang magiging bago naming meeting place. Hindi na safe ang pumunta sa dati, lalo na't sa ganitong pangyayari.
Nandito na rin ang iba pa naming miyembro at nasabi na namin ang nangyari.
"What are we going to do with Yox?" Mayamaya'y tanong ni Viospart, kalmado ang boses ngunit may bahid ng galit.
I can't blame him for being angry towards Yox, because I feel the same way as him. Yox is one of the most trusted members in KPD, dahil siya nga ang dating Khor Presso. Sa lahat na maaring trumaydor sa amin ay hindi ko inaasahang siya pa.
"Rules applies to all.. or none at all." Sagot ni Ygot na kitang-kita sa mga mata ang galit na namumuo. "And you all know what does it mean.." dagdag niya saka kami tinignan isa-isa.
He's really mad..
"KILL HIM." Sabay-sabay naming sabi.
That's our number one rule... to kill the traitor!
"And tomorrow.. we'll start moving." Dagdag ni Ygot saka tumayo at dumiretso sa kwarto niya.
Galit talaga siya.. pero kanina psh! Kanina kung maka-emo dahil andon si Kimono!
Bumalik na kami sa kwarto naman at..
KINABUKASAN!
Maaga akong nagising dahil sa ingay nung kambal, ang sakit sa tainga ang sigawan nila, e! Nakakainis!
Saglit pa muna akong humiga nang dilat ang mata habang nakahawak ang kanang kamay sa may puso'ng banda.
Psy-che! Psy-che! Psy-che!
"Hehehe.. pati pala tunong ng puso ko pangalan mo ang ibinibigkas." Kinikilig pang sabi ko saka na tumayo.
"Oh? Buti nagising ka pa?" Sarkastikong tanong sa akin ni Viospart, inirapan ko lang naman siya!
Umupo ako sa lamesa 'tsaka nakangiwing tinignan ang itlog at hotdogs na nakahain---sunog, e!
Masama ang tingin binalingan ko ang kambal! "Oh.. come on, Luna! Hindi ako ang nagluto!" Umiikot pa ang mata ni Viosmin.
"Tss.. araw-araw na lang!" Inis ko talagang sabi habang nakatingin kay Viospart!
Taas-kilay niyang nilabanan ang titig ko, "Makaarte ka, ah? Mabuti nga't pinaglulutuan ka! Ha!" Singhal nito. "Pasalamat ka na lang at sunog ang luto ko hindi 'yung hindi luto!" Baliw niya sa kakambal.
"What!? At least 'yong akin possible pang iluto ulet! E, 'yong sa 'yo sunog na! Duh!?"
"Tsh! At least 'yong akin naman ay luto na---kahit sunog!" Pagmamayabang pa niya.
Iiling-iling ko na lang na inalis ang paningin sa kanila at pikit-matang kinain ang sunod na itlog at hotdogs. Nakakain na raw ang dalawa kaya naman nang matapos ako'y dumiretso na kami sa room ni Ygot. Nandoon na rin ang iba pa naming kasamahan---pati sina Psyche.
Waaaah! Ang pogi talagaaaa!
Nakangiti akong tumabi sa kanya, taas-kilay naman niya akong tinignan na parang sinasabing "Anong ginagawa mo?"
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...