Chapter 45

230 8 3
                                    

STACEY'S POINT OF VIEW

Everything's going on like what we planned, and that makes this revenge more interesting...

"Host, what shall we do next?" Nakangising tanong ko habang nakatingin sa makikislap niyang mga mata.

Mula sa kanyang mapupulang labi, sumilay ang nakakalokong ngisi, "Sit... and watch. We'll slowly tear them apart." Sagot nito at saka tumayo sa kinauupuan.

"And what about the 2 M's?" Tanong naman ni ate Fevi sa kanya, tinutukoy ang dalawang Mondeo. Kosher and Kaiser Mondeo...

Or should I say... Kosher and Toppo?

Saglit siyang tumitig sa aking kapatid, nakalagay pa ang isang kamay sa baba na animo'y malalim na nagiisip, "Let them kill each other," umarko ang kanyang labi na parang ang sinabi niya'y isang napakagandang ideya.

"But we're not even sure how long we can control him, it will be hard for us if they joined forces. KPD and SDG, just thinking about it, the word invincible was the first that comes into my mind." Nagaalala talagang tanong ni ate Fevi.

Masamang lumingon ang Host sa kanya, "Do you think I'm that stupid for not thinking about that possibility? And that weak to can't handle them?" Kunot-noo nitong tanong.

"No, of course not!" Mabilis na bawi ni ate Fevi. "I'm just... worried," dagdag niya at saka yumuko upang humingi ng tawag.

"Kung mangyayari man iyan, kayo na ang bahala sa dalawang Mondeo, pati na rin sa mga miyembro ng KPD."

"At si Khor?" Si ate pa rin.

"He's an interesting guy. Akin siya, ako ang papatay sa kanya," natutuwang sagot niya. Maya maya ay nilingon niya ang gawi ni Sallie, at taas-noo namang nagangat ng tingin ang babae. "Dalhin mo sa akin ang Kimono'ng iyon nang buhay, siya ang susi upang maging matagumpay ang lahat ng plano."

"Masusunod," agad na tugon ni Sallie.

Matapos niyon ay bumalik na kami sa kanya-kanyang pahingahan. Sabay kami ni ate Fevi na pumunta sa aming kwarto dahil pareho ang pwesto namin. Bago ko pa man maibukas ang busol ng aking kwarto, nagsalita na si ate dahilan upang lingunin ko siya.

"Sleep well, because starting tomorrow, there's no time to take a rest or even blink an eye. You must witness every single thing." Makahulugang sambit niya at saka na pumasok sa kanyang kwarto.

"Tsk tsk tsk. It's so sad to know that I can't kill her with my own hands," pagsulpot ni Sallie sa aking tagiliran, tinutukoy si Kimono.

Nilingon ko siya nang nakataas ang isang kilay at naka-krus ang dalawang braso, "Then you should be thankful," pinuno ko ng sarkasmo ang boses.

Tinaasan niya rin ako ng kilay, "And why is that, huh?"

"'Cuz you'll surely die if ever you'll do a one-on-one fight with her," diretsong sagot ko.

Nagtiim ang kanyang bagang ngunit mabilis din siyang ngumiti upang itago ang inis, "Are you telling me that I'm weak, huh?"

"No."

"Then what?"

"I'm telling you that she's way more stronger than you," nakangiti at nangiinis kong sabi.

"You bitch---"

"Shhh..." Bago pa man niya matapos ang sasabihin, itinakip ko na ang hintuturo ko sa kanyang labi upang patigilin siya. "I'm just concerned, okay? After all, your nothing but the Dean's daughter." Iniwanan ko pa siya ng pekeng ngiti bago ako pumasok sa aking kwarto.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon