KIMONO'S POINT OF VIEW
Matapos magsalita ang Dean ay agad na nagpuntahan ang mga estudyante sa table ng lecturer ang limang tao na nasa panganib na ang buhay!
"Warma.. Ragunzillo.. Zamora.." agad kaming napatingin kay Stacey nang mabanggit ang pangalan niya! Halata naman ang pagkagulat at ang takot niya! "McCrais.. Quindara.." at kila Jemi at Toppo naman!
'I really can't take this anymore! Why should it be like this!'
Ngayon ay nasa isang sulok kami ng classroom! Magkakadikit lang kaming lima at nagpapakiramdaman! Lahat parin ngayon ay parang praning na hindi maintindihan kung saan pupunta! Nakakulong na kami't wala kaming alam na paraan para makaalis!
"Stacey.. Toppo.. Jemi.. it's okay.. walang mangyayare sa inyo.." kahit ako ay kinukumbinsi kong wala talagang mangyayare sa kanilang tatlo!
Halata sa mukha ni Jemi at Stacey ang takot at si Toppo naman ay balisa!
"We need to know who are the culprits. It's the only way for the three of you to be saved." Seryosong sambit ni Psyche na bumuntong-hininga pa. "Don't worry.. we can handle this. Walang sinuman sa atin ang dapat mamatay." Matigas na dagdag niya.
Ngunit hindi parin nabawasan ang takot at kabang nararamdaman ko! Hindi ko kayang mawalan ng kaibigan sa gitna ng sitwasyong 'to! Kailangan ko talagang malaman kung sino ang dalawang killer! Kailangan talaga!
5:36 pm
Ilang oras nalang ay killer range na. Ngunit ni isa sa aming magkakaibigan ay wala ng nagsi-imikan. Halatang nag-iisip ng kung anong magandang gawin. Kitang kita ko sa mga mata nila na nahihirapan silang intindihin ang lahat ng nangyayare.
6:48 pm
Ilang minuto nalang ay papatayin na ang ilaw sa loob at labas ng classroom na ito. Walang makikita na kahit anuman. Tanging pakiramdamana nalang.
Natatakot ako hindi lang para sa tatlong kaibigan kong fifty fifty ang lagay ng buhay.. kundi para din sa buhay namin ni Psyche! Hindi parin kami ligtas dahil dito sa killer range.
*TONG! TONG! TONG!*
Tunog na animo'y isang kampana!
It's already 7:00 pm
Lahat ng ilaw ay sabay sabay na nawala! Wala akong makita! Pero hawak ko sa kanang kamay si Jemi at sa kabila naman ay si Stacey, nasa corner kani ng classroom. Pare-pareho kaming nanginginig sa takot! Nasa harapan naman naming tatlo sila Toppo at Psyche!
Sa gan'ong posisyon ay parang prinoproktektahan nila kami. Ngunit hindi man lang nabawasan ng kaunti ang kaba ko.
Natatakot na ako sa mga pwedeng mangyare.
"Kimono.. I'm very afraid.." natatakot talagang bulong sa akin ni Stacey.
"Shh.. shh.. everything will be fine.." pagtatahan ko sa kanya pero ramdam ko parin ang panginginid ng kamay niya.
"I don't want to die now, Kimono.. I'm not ready.." naluluhang bulong naman ni Jemi sa akin.
"Nothing is going to happen. Trust me.. us.. hindi natin hahayaang may mawala sa atin.." pagpapakalma ko sa kanya.
Kahit na ako ang nagpapakalma at nagpapatahan sa kanilang dalawa ay hindi ko mapigilang matakot! Hindi ko mapigilang makinig! At hindi ko mapigilang mawalan ng pag-asa!
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...