TOPPO'S POINT OF VIEW
I knew it from the start, I'm just not sure that it was him. Kosher, the Smokey Devil Gang leader, is my brother---no, my stepbrother.
Ngayon ay nasa loob kami ng kampo niya, nakapalibot sa akin ang mga tauhan niyang pawang masasama ang tingin. Iyong tipong kaya kang patayin sa isipan nila.
"How are you, Kaiser? My brother? I mean, my stepbrother?" Nakakalokong tanong niya, nakaupo siya ngayon sa harap ko. May kataasan ang pwesto niya na parang nagmumukha siyang isang hari nakaupo sa trono.
"I'm good as always, Kosher." Seryosong sagot ko. "Ikaw ba? Akala ko'y patay ka na?" Pinuno ko ng sarkasmo ang boses.
Humalakhak siya habang itinuturo pa ako, "Hindi ka pa rin nagbabago, mayabang ka pa rin hanggang ngayon." Madilim ang tingin niya nang sabihin iyon.
Umarko naman ang bibig ko at bumuo ng isang ngisi, "Hindi iyon kayabangan, Kosher."
Nakangisi rin niya akong tinitigan at matagal pa bago muling nakapagsalita, "Wala ka rin talagang takot, ano? Sumama ka rito sa kampo ko nang mag-isa samantalang napakarami kong alagad na papatay sa 'yo. Mukhang napasobra ata ang pagtingin mo sarili para masabing kaya mo silang patumbahin lahat," aniya, hindi naman ako umimik at tinitigan lang siya. "Sabagay, pareho nga palang mamamatay-tao ang mga magulang mo, ano pa nga bang aasahan ko?"
Saglit muna akong pinagmasdan ang mukha niya bago nagbigay ng tugon, "Hindi ba't gano'n din ang iyo? Ang nanay mong mahina ay isa ring mamamatay-tao." Nakakalokong anas ko dahilan para mapatayo siya sa inis.
"Gago! 'Wag na 'wag mong siyang isinasama sa usapang ito!" Singhal niya na nakaturo pa sa akin, sa ganoong inasta niya ay alam kong nainsulto siya.
Tatango-tango akong ngumiti, "Ngunit idinamay mo rin sa usapan ang mga magulang ko."
"Dahil pareho silang walang kwenta! Mga taksil! Makasarili! At mga mukhang pera!"
"Alam mong hindi 'yan totoo!" Sigaw ko sa kanya.
Bahagya siyang tumawa, "Hindi totoo? Kaya pala pinatay ng magaling mong ina ang nanay ko para lang siya ang makakuha ng premyo mula sa nakatataas!"
Ikinalma ko muna ang sarili bago muling nagsalita, "Hindi. Hindi niya iyon ginawa, at alam kong alam mo iyon."
Muli siyang tumawa, "Wala ka pa ngang alam! Isa kang tanga at walang muwang sa mundo! Pinatay niya ang nanay ko para siya lang mag-isa ang makakuha ng premyo at para rin tumaas ang kanyang ranggo!"
"Kosher!" Habol-hiningang sigaw ko. Alam kong hindi totoo ang sinabi niya dahil lahat ng mga pangyayari sa pagitan ng pamilya namin ay naikwento na sa akin ng mga magulang ko.
"Bakit? Hindi mo ba matanggap, ha!? Hindi mo matanggap na ang nanay mo ang dahilan kaya nawala ang nagiisang pamilya ko!?" Nanggagalaiting anas niya, "At oo! Ginawa niya ang lahat ng iyon para sa 'yo upang magkaroon ka ng ama at iwan kami!"
"Tama naaaaa!!!" Malakas na sigaw ko munit tinawanan lang niya ako.
"Tama na? Tama na!? Gago ka ba!? Sinasabi ko sa 'yo 'to ngayon dahil kailangan mong maramdaman lahat ng sakit ng katotohanan! Kailangan mong magdusa dahil ikaw ang dahilan kaya nangyayari ang lahat ng ito!"
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...