KIMONO'S POINT OF VIEW
*TSUK! TSUK! TSUK!*
*TSUK! TSUK! TSUK!*
NAPAKABAGAL ng segundong iyon! Para bang ang mga kutsilyong palipad papunta sa likod ni Psyche ay nag-slow motion! Tumakbo kaming apat munit sadyang napakagal din nun sa aking paningin!
Hindi namin maabutan ang mga kutsilyong 'yon!!!
Nakita ko pa ang paglingon ni Psyche sa kanyang likod nang malapit na ang mga kutsilyo sa kanya! Kitang-kita ko na nanlaki ang mga mata niya sa gulat!
*TSUK! TSUK! TSUK!*
Sa isang kurap ng aking mata ay hindi ako makaniwalang umiikot-ikot na pabagsak ang mga kutsilyong kanina ay diretsong-diretso ang paggalaw papunta sa kaibigan namin!
Napalingon ako sa gawi nina Ygot at nakita ko pa kung paanong mabilis niyang isinuksok ang maliliit na kutsilyo sa gilid ng kanyang sapatos.
Ibig sabihin, bago pa man marating ng mga kutsilyo ang katawan ni Psyche ay bumato na si Ygot ng kutsilyong sing-dami ng bilang ng ibinato ng kalaban---dahilan para hindi diretsong tumusok ang mga iyon kay Pscyhe?
Nakakagulat..
Hindi kapanipaniwala..
Napakabilis..
At halos hindi iyon nasundan ng aking mga mata..
Bigla namang hinila ni Psyche ang kamay ng lalaking kaharap niya saka ito sinikmuraan sabay ikot at sipa sa ulo!
TUMBA!
Patakbong pinuntahan ni Psyche ang isa pang lalaki na siyang bumato ng kutsilyo! Mataas siyang tumalon dahilan para mapunta siya sa balikat ng lalaki! Gamit ang magkabilang hita ay inipit niya ang ulo ng lalaki saka niya inikot ang katawan!
~CRAAAAAACK!!!~
Naging matunog ang pagbali ni Psyche sa leeg ng kalaban at kasabay sa pagtumba nito ay ang pag-tumbling ni Psyche pababa.
"Don't move!" Lahat ay napalingon kay Luna nang isigaw niya iyon! May hawak siya ngayong mga kutsilyo at nakahanda na iyong itira.
Pare-pareho kaming napatingin sa tinitignan niya at iyon ang tatlong babaeng patakas na pero hindi naituloy!
"Isang maling galaw---sa impyerno niyo na muling makikita ang isa't isa." Makahulugang dagdag pa niya dahilan upang hindi talaga gumalaw ang mga babae!
"Kunin niyo sila. Pwede nating gamiting ang mga 'yan para maging pain." Makapangyarihang utos ni Ygot.
Kaagad namang pumunta ang tatlong kasamahan namin saka marahas na hinila sila papunta sa gawi namin.
"Whose order was this from?" Tanong ni Viosmin sa mga babaeng nakaluhod na sa harapan namin.
Hindi sumagot ang tatlong babae!
"Bitch, don't wait for me to hurt you." Nagbabantang dagdag niya pero wala pa ring sumagot! Akmang sisipain na ni Viosmin ang isa nang pigilan siya ni Psyche.
"No.." Napatingin pa ang lahat sa kanya. "We don't need to harass them just to know who ordered them. Violence is not always the easiest way." Dagdag pa niya. Nangunot ang noo ng lahat maliban sa aming magkakaibigan.
Psychometry..
"Huh? What are you saying?" Sabat ni Viospart.
Hindi na siya sinagot ni Psyche, bigla na lang siyang yumuko at buong-pwersang kinuha ang necklace ng isa. Nagsimula siyang pumikit, at nangunot pa ang noo nito.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...