KIKONO'S POINT OF VIEW
THURSDAY,
Sa mga nakalipas na araw wala masyadong nangyare, pero kahit gano'n pa man ay hindi mawala-wala sa aking isipan ang bumuo pa nang mas maraming tanong na kahit isa'y wala pa ring nasasagot. Minsan hindi ko na alam kung pa bang mangyayare. Kinakabahan ako nang sobra para sa akin at lalo na para sa mga kaibigan ko.
Ngayon ay nasa kwarto na kami, kumakain na, dinner. Naguusap pero hindi masyadong matino ang usapan kahit seryoso. "Yeah. I really thought before na si Rome na ang magiging forever nitong friend natin." Si Jemi sa akin.
'Tss.. Mga exes ang usapan! At akin na napunta!
Si Rome ang naging pinakamatagal kong boyfriend, madami na akong naging boyfriend at hindi ko na tanda ang eksaktong bilang. Hindi naman sa malandi ako, sadyang nagiging marupok lang sa mga salita nilang mabubulaklak na sa dulo pala'y hanggang salita lang.
'Whew!'
So yeah, si Rome din ang pinakaminahal ko sa lahat at aaminin kong pinangarap ko nang maging kami hanggang dulo. Kilala na siya nina mommy't daddy, gano'n din ako sa pamilya niya. Pabor ang both sides sa amin pero lagi nilang pinapaalala na inspiration muna namin dapat ang isa't isa. Syempre, dahil mahal naming talaga ang isa't isa tumagal kami ng 2 years. Bakit kami nagbreak?
'Just because of ONE mistake he did!'
He CHEATED. I thought that was going to be the most painful thing that I'll know. Pero hindi, nalaman kong matagal na pala sila ng babaeng iyon. Nauna pa sa akin, amin. His family didn't about his relationship with the girl, so do I.
~FLASHBACK~
I was about to sleep when someone calls, "Hello?" I said as I answered the call.
"This is Trant.." Rome's bestfriend. "I...I don't know how to say this to you." I don't know why but it makes my heart beat faster than normal.
"Why?" Tanong ko, alam kong magkasama sila ni Rome ngayon dahil may pinuntahan silang birthday party, kaibigan nila. "Hey, Trant. What happened? May nangyare bang masama kay Rome?" Nagaalalang tanong ko, kinakabahan talaga ko at hindi ko maipaliwanag ang kabang mayroon ako ngayon.
Narinig ko ang pagkawala niya ng malalim na hininga sa kabilang linya, "I'll text you the address. Please come.. I don't want and I can't take this anymore." Parang nawawalang pasenya pang aniya. Mabilis na nagkunot ang noo ko, akmang magtatanong ulit kaso pero naibaba na niya ang kabilang linya.
After a half minute, I already received the address. Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan ko para magdrive papunta doon. Matapos ang halos dalawampung minuto ay narating ko ang isang exclusive village.
"Good evening po. Saan po kayo, ma'am?" Magalang at nakangiting sabi ng guard. Hindi ko siya nagawang suklian ng ngiti, hinugot ko na lang ang cellphone ko saka ipinakita sa kanya ang address. "Okay, ma'am, tuloy po kayo." Aniya at bahagya pang iginaya ang sasakyan ko paloob.
Mabilis ko ulit na pinaandar ang kotse ko at wala pang tatlong minuto ay narating ko na ang bahay na iyon. Malaki ito at nakakasilaw, sobrang daming ilaw na animo'y ginawang bar na ang bahay. Agad akong bumaba at itinext si Trant, siya ang lumabas para pagbuksan ako ng gate.
Malungkot ang itsura niya at parang naaawa sa akin, "I'm sorry, Kimono. Ngayon lang ako nakaipon ng lakas para magsabe sa'yo." Malumanay niyang sabi.
Nagkunot ang noo ko, "Where is he?" Agad kong tanong, hindi siya sumagot bagama't tumingin siya sa gawi ng pinto.
*KLAAAAAK!*
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...