KIMONO'S POINT OF VIEW
Sabay-sabay na sumigaw ang mga estudyanteng nasa harap namin ngayon. Hindi ko alam kung sino sila pero mukhang may balak silang patayin kami nang walang alinlangan. May dala-dala pa ang iba na tubo at baseball bat.
Bago pa man makarating ang mga kalaban ay sinalubong na sila ng dalawang kambal. Viosmin at Viospart ang pangalan nila.
Mabilis ang pagkilos ni Viospart papunta sa braso ng nangungunang sumusugod. Narinig ko pa ang pagbali niya sa leeg nito, kasabay sa pagtumba no'ng lalake ay ang pag-tumbling niya sa susunod na sumusugod.
Ibinaling ko naman ang tingin kay Viosmin, ang galing niyang magpatumba ng mga kalaban. Bawat galaw niya'y parang planado kaya naman sa pagsugod at pagtira niya dalawa na kaagad ang napapatumba.
Sumunod na sumugod si Luna, nasaksihn ko na siya noon kung paano niya nilaro ang mga maliliit na kutsilyo pamunta sa mga ulo ng kalaban. Pero 'di ko pa siya nakikitang makipaglaban gamit ang natural na lakas at walang kagamitan. Katulad ni Viospart ay mabilis din siyang kumilos, pero 'di sing-bilis ng sa lalaking kambal. Nakakamanghang gano'n sila kagagaling makipaglaban.
Si Toppo, Psyche, at Ygot ay nakatayo lang habang pinapanood ang tatlo. Medyo nagtataka tuloy ako kung bakit ayaw nilang tumulong.
"They can do it their own." Mukhang nabasa ni Ygot ang iniisip ko kaya niya iyon nasabi. Baka halata sa mukha ko ang pagkataka.
Hindi ako nagsalita.
"Go ahead! Kami na ang bahala rito!" ani Luna, kaagad naman kaming dumaan sa gilid kung saan naubos na ni Viospart ang mga kalaban.
Mabilis lang kaming tumatakbo at walang lingunan.
Malapit na kami Jemi.. Stacey..
*TSUK! TSUK! TSUK!*
Pare-pareho kaming natigil sa pagtakbo nang biglang umulan ng kutsilyo sa aming harapan. Halatang 'di kami nito tinamaan, gusto lang talaga kaming patigilin.
"Nice reaction speed." Isang boses nang lalaki ang nagsalita, mula siya sa itaas ng puno, nakaupo at nilalaro ang kutsilyong hawak. Nakakaloko ang nagising ibinigay niya.
"Reagan.." Sambit ni Psyche, mukhang kilala niya ito.
"Yuppow! You remembered me, huh?" Napakasarkastiko ng boses niya, hindi ko pa rin makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng mga dahon sa puno.
"You three, go to your friends. This is a tough one." Seryosong usal ni Ygot.
Tatakbo na sana kami nang bigla na naman kaming paulanan ng kutsilyo. Sa sobrang bilis no'n ay nadaplisan ako sa kanang braso. Nakita ko naman sina Toppo, Psyche, at Ygot na nakailag.
Tss.. ako lang talaga ang natamaan?
Nakakabilib talaga kung paano niya nagagawang itira ang mga kutsilyo nang sabay-sabay. Parang sing-bilis iyon ng kay Luna.
"Are you that desperate to stop us?" Ngumisi si Ygot sa kanya, "I know you've been waiting for this day to take revenge on me. Bakit hindi tayo ulit muling maglaban? Upang ngayon ay ang kaliwang tainga mo naman ang aking pupuruhan?" Napuno ng sarkasmo ang boses niya.
Tumalon pababa iyong si Reagan, ngayon ko nakita ang mukha niya. Tsa! Ang pangit! O, bakit? Just telling the truth! Bleh! At iyong kanang tainga niya ay wala! Mukhang si Ygot ang may atraso no'n kaya iyon ang sinabi niya kanina.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...