KIMONO'S POINT OF VIEW
Mabilis na natapos ang mga klase at lunch break na. 30 minutes ang lunch break namin, hindi na namin binalak pang kumain dahil kailangan namin ng matagal na oras para kausapin si Dean.
Naglalakad kami papunta sa office niyaat ayon na naman ang mga ng mga estudyanteng nanlilisik. Hindi ko na iyon pinansin at umasta ng normal.
Nasa tapat na kami ng office ni Dean ng biglang may magsalita mula sa aming likuran.
SI BULLET!
"What's the matter?" Pormal na tanong niya at isa isa pa kaming tinignan.
Hindi nakakatakot ang tingin at paraan ng pananalita niya pero nakakapanhilabot ang aura'ng taglay niya. Hindi ko maintindihan pero mayroon siyang kung ano at ang bigat ng pakiramdam ko kung ganitong malapit siya.
Si Jemi ang humarap sa kanya, nagabot pa siya ng kamay at hindi ito pinansin ni Bullet. Loko kasi e, may balak pa atang landiin. Hay nako Jemi.
"Ouch?" Kunware pang nasaktan na sabi niya. Napapailing akong pinanood siya. "We are here to talk with Dean." Nakangiting sagot niya.
"About what?" Pormal paring tanong niya.
Ngumiwi si Jemi na animo'y nagiisip. Psh. Nagpapacute lang 'yan. Gawain mo, huy! "Well, gusto na kasi naming umalis sa lugar na 'to. Wala kasi masyadong pogi." Biro pa niya.
Walang tumawa ni isa sa amin. Seryoso kaming lahat na nakatingin kay Bullet. "He's not here now." Aniya saka ako tinignan ng may ngumisi. Nakakalokong ngisi!
Kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba! Nakakatakot ang ngising pinakawalan niya!
"Aww.. that's sad.." kunwareng nanghihinayang pang sabi niya. "Then where is he? Pwede patawag?" Tanong pa ni Jemi.
Bumalik ang tingin ni Bullet sa kanya pero hindi na naalis pa ang ngisi sa labi niya. "Misan sa isang linggo lang siya nandito." Nakangisi pa ring sagot niya. "It means.. he's not here now. Next week niyo pa siya makikita at makakusap." Dagdag niya.
"But we need to go out here right now!" Sabat ko kaya tumingin siya sa akin. Hinawakan naman ako ni Toppo sa braso para pakalmahin.
"And then?" Nakangising tanong niya saka humalakhak ng nakakaloko! "You'll talk to Dean para makaalis dito? How pathetic." Biglang seryoso ang mukha niya.
"We need to talk with him para makaalis na kami dito!" Sigaw ko pa.
"Then wait for a week. Para makausap niyo siya." Kalmado ngunit halatang sarkastiko. "Makausap lang.. dahil hindi ako sigurado.. kung papayagan pa kayong makaalis dito." Dagdag niya na naging dahilan para kumabog ng mabilis ang dibdib ko.
'Anong ibig niyang sabihin?!'
"H-hindi na kami makakalis dito?" Tanong ko dahilan para ngumisi siya.
"Who knows?" Natatawang sagot niya na nagkibit-balikat pa. "There's only one thing I'm sure of.." binitin niya ng kusa ang sasabihin niya. "Wala ng paraan pa para makalabas kayo dito.. nang may hininga." At mabilis niya kaming tinalikuran at wala man lang ni isa sa amin ang nakapagsalita matapos niyang sabihin iyon!
Hindi lang kaba ang nararamdaman ko ngayon kundi takot na nagiging dahilan para manginig ang buong katawan ko!
"Creepy.." mahinang bulong ni Jemi.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...