KIMONO'S POINT OF VIEW
Nandito na kaming dalawa sa silent garden, at literal na kaming dalawa lang ang tao dito. Walang kahit na sino. Kinakabahan tuloy ako sa hindi malaman na dahilan. Pakiramdam ko kasi ay may mangyayareng kung ano.
'Ano ba kasi iniisip mo, Kimono?'
"Bakit walang mga tao?" Halos mautal kong tanong.
Hindi niya ako agad sinagot, dumiretso muna siya sa gitna, sumunod naman ako sa kanya. Pagkaupo niya ay nagangat siya ng tingin sa akin, nakatayo pa rin kasi ako. "Pinatay ko na." Hindi ko maintindihan ang tono ng boses niya kasi parang seryoso talaga siya.
"H-ha?" Napalunok na ako ng ilang beses.
Natawa siya, "Just kidding."
Nakahinga ako ng maluwag. "It's not funny tho.." umiirap na ako ngayon.
Nagkibit-balikat siya, "Well, I didn't say that it is."
"Well, that's a joke so it should be funny?" Sarkastikong sambit ko.
"Yeah. Joke is required to be funny. But it doesn't mean it should always be funny." Madiing aniya.
'Bakla talaga! Hindi marunong magpatalo! Tss..'
"Ang dami mong sinasagot, noh? Lahat ng sasabihin ko kailangan makontra mo e, noh?" Sarkastiko pa rin.
Ngumiwi siya't nagkibit-balikat. "Yeah? Really?"
'Bwisit na 'to! Parang wala man lang siyang pake!'
"Yeah! Really! Pak you!" Inambaan ko pa siya ng suntok.
Ngumisi siya at hindi ko alam kung anong trip 'yon, "Oh, come on? Ikaw talaga 'tong may maduming isip e, noh?"
Nagtaas ako ng kilay, "Excuse me?"
Inalis niya ang tingin sa akin, "Ikaw nagsabe. F*ck me?" Ngingiti-ngiti pa siya.
Agad na nanlaki ang mga mata ko, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi makapaniwalang masasabe niya 'yon! "Hoy! Excuse me? Ano tingin mo sa akin, ha?!"
"Unggoy."
"What?!"
"Unggoy."
'Inulit pa! Tibay!'
"Akala ko naman pinagnanasahan kita, ha?!"
Ngumiti siya at nakakainsulto iyon. "Hindi ba?" Painosenteng tanong pa niya.
"Tss! No way! Hindi kita type, noh? Duh!" Nagiwas ako ng tingin saka bumulong-bulong. "Feeling masyado.." pagmamaktol ko pa. Inis akong umupo, malayo sa kanya.
"If I'm not your type then who?" Hindi ko alam kung kailan pa siya nakatitig ng seryoso sa akin.
Nagitla ako sa tanong niyang 'yon. Nangunot pa ang noo ko dahil napakaseryoso talaga niya tignan. "Who?"
Tumango siya at ngumiwi, "Who. Sabi mo hindi mo ako type. Then who?" Paglilinaw niya.
'Kailangan ba may isasagot kung sino? Hindi ba pwedeng ilarawan na lang? 'Tong Kambing na 'to! Hmph!'
"I'm asking you know?"
Bumuntong-hininga ako at muling nagiwas ng tingin. Bakit ko ba kailangan sagutin ang tanong niya? "Wala.." sagot ko nang hindi siya nililingon.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...