KIMONO'S POINT OF VIEW
Lahat ng klase ay natapos na kaya ngayon ay pabalik na ako sa kwarto.. magisang naglalakad..
"Oh well.. look who's in front of me.." sa sarkastikong boses na iyon ay alam ko na.. si SALLIE!
Marahan kong inagat ang tingin sa kanya, nakataas ang kilay niya, deretso siyang nakatingin sa akin at magkakrus ang braso niya.
Wala akong panahon para makipagtalo sa babaeng 'to. Masyado akong naging balisa sa nalaman namin kaninang hindi na kami makakaalis.
"Aww.. poor girl.." animo'ng awang awa siya sa akin. "Anong nangyare sa matapang mong mukha?"
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy nalang ang paglalakad ngunit bago ko siya malagpasan ay marahas niyang hinatak ang braso ko.
"A-ahh.." ingit ko pa dahil medyo nasaktan talaga ako sa higpit ng kapit niya.
Dahan dahan ko siyang tinignan at siya naman ay nakangisi lang sa akin na parang tuwang tuwa pa.
"Bakit nawala tapang mo? Anyare?" Natatawang tanong nito na may bahid ng kayabangan.
"Bitawan mo ako.." malumanay na sabi ko ngunit hindi niya ginawa. "Ang sabi ko bitawan mo ako.." medyo tumataas na ang boses ko samantalang siya ay nakangisi parin sa akin.
'Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa'yo lalo na't alam kong dito na ako n/mamamatay..'
Binigyan ko siya ng blangkong mukha saka dahan dahang tinignan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Kapag sinabe kong bitawan mo ako.. bibitawan mo ako.." kalmado parin ngunit may diin na!
Hindi siya natinig at tumawa pa! "Ha! Ha! Ha! As if I will?" Sarkastikong tanong niya at tinitigan ko lang naman siya. "Wala kang magagawa dahil gusto kong hawakan ka. Wala kang magagawa kahit gusto mong bitawan kita. At lalong wala kang magagawa kung gusto kitang saktan ngayon!" Sigaw niya dahilan para makaramdam na talaga ako ng galit!
"Bibigyan kita ng tatlong segundo, Sallie.. Kung hindi ka bumitaw.. humanda ka ng baliin ko ang bawat buto ng daliri mo." Banta ko pero hindi siya natinig!
Muli siyang tumawa ng sarkastiko! "Oh my dear newbie.. Hindi ako marunong matakot sa salita!" Sigaw niya mismo sa mukha ko!
"Isa.." paunang bilang ko ngunit ngumisi lang siya. "Dalawa.." mas hinigpitan pa niya ng lalo ang pagkakahawak sa braso ko! Ramdam ko ang sakit pero hindi ko ito ininda! "Tatl---"
Hindi ko natapos ang pagbilang ko ng biglang sumigaw si Jemi mula gilid ko! "Don't touch her!" Malakas na utos niya saka mabilis na tumakbo papunta sa amin! Siya mismo ang nagalis ng kamay ni Sallie sa braso ko! Kitang kita ko naman ang bakas ng kamay niya mula sa braso ko! "Can you please get the hell out of my face? Gosh!" Maarteng sabi niya kay Sallie.
Tumawa ng nakakaloko si Sallie. "Ganito ba talaga ang grupo niyo? Warfreak?" Natatawang aniya.
Tinaasan siya ng kilay ni Jemi at nagkrus pa ng braso saka tumitig ng nakakaloko. "And what if I say yes? Anong pake mo? Tss." Umirap pa niya bago sumenyas na umalis si Sallie sa harap niya.
Kung warfreak ako minsan.. si Jemi naman ay madalas! Siya lagi ang pinakamatakaw sa away! Ang hilig makipagtalo! Pero natutuwa naman kami. Kasi lagi niya kaming pinagtatanggol!
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...