Chapter 10

353 8 0
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

Nakarating na kami sa building ng kwarto namin. Tumigil pa siya na animo'ng hinihintay ang pagakyat ko.

"Bakit andiyan ka pa?" Mataray na tanong ko.

Iiling iling naman siyang ngumisi. "Hindi ba uso sa'yo ang salitang 'thank you'..?"

Ngumisi rin ako at mas itinaas ang kilay ko. "Ang salitang 'yon ay salitang sinasabe kung may tumulong! Tss.. hindi mo naman ako tinulungan!" Sigaw ko sa kanya.

"Okay?" Walang ganang tugon niya. "Akyat na.." utos niya na ininguso pa ang hagdan.

"Sino ka naman para utusan ako?"

"I'm Ygot Sosa.." pormal na sagot niya.

'Pilosopo ang loko!'

"Ano?!" Inis na sabi ko!

Ngumisi ulit siya at isinandal ang likod sa pader. "Ang tanong mo sino hindi ano ako sa iyo. There's a big difference between those two, stupid."

"Hoy! Alam ko, noh?" Kahit napapahiya ay hindi ako nagpahalata!

'Kingina kaseeee! Napakapilosopo!'

"Akyat na.." utos na naman niya!

"Tss.. hindi kita boyfriend para utusan mo ako, noh? Asa!" Singhal ko sa kanya.

"Yeah? As if I like you.." natatawang aniya na iiling iling pang inusisa ang kabuuan ko!

Nagtaas muli ako ng kilay! "As if you're my type! Hindi ka naman gwapo!" Anas ko!

Tumango siya na animo'y walang pakialam. "Hindi ka rin naman maganda kaya patas lang.." at saka ako tinalikuran!

"H-hoy!" Habol ko sa kanya ngunit hindi na niya ako nilingon pa! "Lokong 'yon.. ang ganda ganda ko kaya.." bulong ko pa sa sarili ko saka ngumiwi.

Inis at padabog akong naglakad paakyat ng kwarto namin! Bwisit kasi 'yong lalakeng 'yon! Hindi porket pogi siya e pwede na niya akong laiitin! Maganda kaya ako! Duh?!

"Oh? You're back?" Natatawang salubong ni Toppo pero hindi ako kumibo. Umupo lang ako sa sala ng nakabusangot. "Bad mood? Nagkita na naman ba kayo nung Sallie?" Hindi ako sumagot. Iiling iling siyang lumayo sa akin sabay punta sa kitchen. Mukhang nagluluto na siya pang hapunan.

Naramdaman ko na may umupo sa katabing silya ko, "Maligo ka na kaya muna? Nang mahimasmasan ka naman? You looked depressed!" Natatawa ring sabi ni Jemi kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Woaaahhh!" Kunware'y natatakot at napapailig pang aniya. "Don't look at me like that, Kimony! Gosh? Parang papatay ka na ng tao, ah?" Natatawa pa ring dagdag niya.

Ngumuso ako at saka bumuntong-hininga. "Badtrip e.." inis pa ring sabi ko ngunit kahit papano ay kumakalma na.

"And why, Kimony?" Taas kilay niyang tanong.

Napangiwi naman akong tinignan siya, "You know Ygoat Sosa, right?" Tanong ko.

"Yeah.. one of the two Guardians, right? But.. all I know it's 'Ygot Sosa' not 'Ygoat Sosa'!" Pagcocorrect niya sa akin! "Ginagawa mo namang kambing 'yong poging 'yon.." natatawang dagdag niya.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon