Chapter 26

272 11 2
                                    

KIMONO'S POINT OF VIEW

Matapos ang nangyare no'ng huwebes at biyernes ay hindi pa rin namin makausap ng matino si Psyche. Sumasagot naman siya sa bawat tanong namin pero sadyang tipid ang mga tugon niya. Hindi klaro sa amin ang nangyare sa kanya no'ng killer range. Ang sinabe niya lang sa amin ay may isang babae siyang nakalaban at magaling iyon makipaglaban. Hindi daw niya alam ay pakay nang babaeng iyon, pero sa tingin niya ay may gusto itong iparating. Nakaramdam ako ng kaba matapos niya sabihin 'yon pero mas umapaw ang pagaalala ko sa mga kaibigan ko. Kung anuman ang gustong iparating nang babaeng 'yon, sana naman ay hindi iyon kademonyohan.

"We need to go now," saka ako tumayo at nilapitan si Psyche na malalim pa rin ang iniisip. "How are you feeling?" Pagtutukoy ko sa tagiliran niya, ang babae daw ang nakasaksak niyon.

Nagangat siya ng tingin saka umiling, "Fine as usual." Tugon niya saka tumayo at nagpaumunang naglakad palabas ng kwarto. Napapabuntong-hininga akong sumunod at ganoon din ang mga kaibigan ko.

Sanay kaming seryoso at walang kibo si Psyche pero hindi kami sanay na napakalalim ng iniisip niya, sa sobrang lalim no'n ay para bang wala kaming mahitang kahit ano sa kanya. Gusto ko sanang makipagkwentuhan nitong nakaraan kay Psyche para malaman kung ano ang iniisip niya pero wala akong makuha na tamang oras para doon.

Nagsimula ang klase at mabilis iyong natapos, sumunod pa ang iba hanggang natapos ang lahat ng klase ngayong araw. Medyo nagutom ako dahil nagkape lang ako kaninang umagahan. Wala kasi ako sa mood ngumuya kanina. Pagdating namin sa kwarto ay agad na nagluto si Toppo, kung ano iyon ay hindi ko alam pero mukhang masarap dahil naamoy ko na mula dito sa sala. Iyong dalawang lovers ang nandoon, kaming tatlo lang nila Psyche at Stacey ang nakaupo dito.

Suminghap ako ng hangin saka pinakawalan iyon, "May idea ka ba kung ano ang gusto nilang iparating?" Tanong ko kay Psyche.

Nagangat siya ng tingin sa akin at napabuntong-hininga bago nagawang magsalita, "Kahit anong isipin ko, isa lang ang pumapasok sa utak ko.." aniya na animo'y gulong-gulo. Tinignan ko lang siya. "It's a warning, but I don't know what they are trying to let us know." Muli siyang bumuntong-hininga, "Why would they warn us? That's the biggest question in my mind."

'Why would they warn us?'

Napakunot ako ng noo at nasapo ito gamit ang palad. Sumasakit na ang ulo ko at hindi ko maintindihan ang mga nangyayare. Alam kong lahat kami ay walang alam. "We're still going to find some information?" Tanong ko na naman.

Tumango siya habang nasa baba lang ang tingin, "That's the best thing we can do. After all, if they want to give us a warning, maybe they are afraid to know the truth." Aniya.

Matapos no'n ay wala nang namutawi pang mga salita sa aming tatlo. Hinintay na lang namin ang dalawang tawagin kami para magtanghalian.

"Oh, guys? Nareremember niyo pa ba?" Panimula ni Jemi, "When we were at third year? Si Hannah? 'Yong patay na patay kay Toppo? Tapos naglalakad tayo no'n sa hallway eh bigla na lang niyang---" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tinakpan na ni Toppo ang bibig niya.

Sinamaan niya pa ito ng tingin, "Come on, babe. It's not something we should give time." Halatang iritableng aniya.

'Tss.. sino nga ba kasi ang makakalimot no'n, Toppo?'

"Ah!" Ani Jemi nang maalis niya ang kamay ni Toppo sa bibig niya, "You're too brutal!" Angil nito. "I just want to bring back the good old days, you know?" Mataray na nitong usal.

Mafia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon