KIMONO'S POINT OF VIEW
Inilinga ko ang aking paningin at nagbabakasakaling may makitang kahina hinala! At saktong nakita ko ang dalawang lalake na patakbo sa likuran ng isang building.
Mabilis kong isiniksik ang sarili para makaalis sa lugar na iyon. Aktong tatakbo ako ng biglang may humigit sa kamay ko..
Si Psyche.
"If you want us to get out of here alive.. don't.." pigil niya kaya napabuntong-hininga ako. "But if you want to die first, why not?" Nakangising tanong pa niya.
'Tss.. ang galing talaga nito mag-reverse psychology! Kotongan kita diyan e!'
"Now let's go back inside. Ubusin na natin ang pagkain dahil kailangan pa nating pumasok." Mahinahong aniya at wala naman na akong nagawa pa kundi sumunod sa kanya papasok sa canteen.
Ngunit hindi ko maiwasang mapatingin muli sa pwesto nung dalawang lalakeng tumatakbo sa likod ng building.
'May kinalaman kaya ang mga iyon?'
Tanong ko pa sa aking sarili saka bumaling sa patay na lalake. Napakunot ako nang muli makita ang itsura niya. Parang ginawa siyang baboy na paulit ulit tinadtad ng itak.
'Ano naman ang nagawa mo't inabot mo 'yan?' napapailing na sabi ko sa isip habang nakatingin parin sa lalakeng ngayon ay hinihila na ng isa ring lalake pero hindi siya mukhang estudyante.
Namalayan ko nalang ang sariling nasa loob na ng canteen at nakaupo na sa kaninang pwesto ko.
"Ano meron don?" Inosenteng tanong ni Jemi na sumipsip pa ng orange juice niya at kumagat sa sandwich na kinakain niya. "In fairness.. their food is pretty good.." tatango tango pang sabi niya.
Bumuntong-hininga ako kaya lahat ng mata nila'y naibaling sa akin. "We should get out of here no matter what.." wala sa sariling sabi ko at pumikot pa.
'Hindi na kami pwedeng magtagal pa dito dahil hindi ko na alam pa ang maaring mangyare sa amin!'
This place is something you won't dream of. Pangalawang araw palang namin dito, at unang araw na pumasok, may ganito ng insidente. Nakakatakot.
'Ano pa bang makikita namin?'
"Hey, Kimony! What happened out there?" Muling tanong niya kaya naiangat ko ang tingin sa kanya.
"Someone died.." at saglit na katahimikan ang namutawi sa aming lahat!
Alam kong nagiisip at natatakot din sila katulad ko!
"A-are y-you joking?" Halatang gulat at hindi makapaniwala sa narinig na tanong ni Jemi.
"This is crazy." Dinig ko pang sambit ni Stacey na halatang natatakot na.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga, "That's why we really need to get out of here." Pagdidiin ko at wala namang sumagot. "Next week.. we will. Gagawin natin ang lahat para makalabas." Dagdag ko pa at napansin ko naman ang pagtungo ng bawat isa.
Tinapos na namin ang pagkain namin at saka nagpunta sa klase. Second to the last na ang klase namin ngayon. Hanggang 4:00 pm ito, ang last subject ay 4:00-6:00 pm.
Mabilis na natapos ang klase at nagsilabasan na kami sa room.
"What's your last class, guys?" Si Toppo dahilan para mapalingon kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mafia Academy
Mystery / Thriller[Completed] Isang kilalang eskwelahan ngunit walang nakakaalam kung nasaan. Isang eskwelahang tanging nakakataas lamang ang makapipili kung sino ang maaaring makapasok. Isang eskwelahan kung saan ang buhay ng mga estudyante ay umiikot sa isang laro...