#BAUSynposis
"Guys, truth or dare tayo!!" Natigil kami sa pag-sa-sayaw sa dance floor nang marinig namin ang sigaw ni Miguel— isa sa co-worker namin dito sa company. Senior namin siya dahil mas nauna siyang mag-trabaho dito kaysa sa'min.
"Neknek niya. Mag-laro siya mag-isa," bulong naman sa'kin ng kaibigan kong si Alexa. Pinag-uusapan kasi namin kanina 'yan si Miguel— proud playboy, hindi naman kagwapuhan.
Natawa na lang kami at nagpatuloy sa pag-sayaw. Mas gusto pa naming sumayaw kaysa makisali sa kung ano mang palaro ang binabalak nila. Baka ma-out of place kami doon.
"Girls! Alexa and Kaye! Tara sali kayo!" Nagulat naman ako nang bigla akong hatakin ni Ate Glee, ka-batch namin pero mas ahead ng year sa'min.
Nag-tinginan pa kami ni Alexa kung sasali ba kami o hindi. Birthday kasi ni Ate Glee, tsaka nakakahiya kung tatanggihan namin.
Tumango nalang si Alexa at kumapit na rin sa'kin.
"Great! Let's go, masaya 'to!" Pilit na lang kaming ngumiti hanggang sa makarating kami sa rooftop ng company. May mga decorations doon na lights, may table rin na paglalaruan ng spin the bottle daw. Tas may mga vodka na naka-hilera para daw bago sumagot ay iinom muna.
Hindi naman kami umiinom ni Alexa nang todo— but, we have no choice. Isang gabi lang naman 'to. Susulitin na namin.
Magkatabi kami ni Alexa na kumakain lang muna ng chips habang umiikot pa sa iba 'yong bote. Alternate ang nangyari, truth-dare-truth. Kaya wala talagang makakatakas.
Nakakatawa na rin kasi hindi gano'n ka-dali 'yong mga dinedare. 'Yong iba maka-laglag dignidad talaga.
"Ano uunahin mo, Kaye? Truth or dare?" Tanong niya sa'kin.
"Siguro—"
Hindi ko pa natatapos 'yong sasabihin ko ay tinapik ako ni Miguel at tinuro 'yong nguso ng bote na nakatapat sa'kin.
Napalunok ako dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko kahit anong piliin ko— mahihirapan ako.
Tinungga ko muna 'yong vodka sa tabi ko bago sumagot. "Truth."
Si Ken 'yong nasa tapat ko kaya siya 'yong magtatanong sa'kin.
"Kaye, kung liligawan ka ni Miguel, may pag-asa ba?" Deretsang tanong niya. Nagsigawan naman 'yong mga kasama namin at para bang hinihintay talaga 'yong sagot ko.
"Wala." Tipid kong sagot.
Nag-umpisa naman silang mag-tawanan at 'yong iba ay nag-boo pa habang nakatingin kay Miguel.
Umismid naman ito at tumingin sa'kin. Nginitian ko na lang siya. 'Yon naman 'yong totoo, e. Honest lang ako.
I know what kind of man he is. At ayokong ma-involve ako sa buhay niya. No way.
Naging mabilis lang ang spin the bottle namin. Nang matapat kay Alexa ay dare ang pinili niya. Ang pinagawa sa kaniya ay umamin sa crush niyang prof tapos i-pakita sa'min 'yong response.
Ginawa naman niya— umamin siya nang bongga kay Sir pero like ang sinagot kaya naman nag-tawanan kami.
Sa huling round ng laro namin ay natapat sa'kin ang bote. I chose dare.
At hindi ko alam na sa dare pala na 'yon magbabago ang takbo ng buhay ko.
—
"Dylan, let's talk, please." I tried reaching for his hand pero sa bawat hahawakan ko 'yon ay mabilis niyang tinatabig ang kamay ko.
Na para bang may nakakahawang sakit ako at diring diri siya sa'kin.
Ilang beses ko na siyang hinihintay sa labas ng school niya para makapag-usap kami. Alam kong alam niya na 'yong nangyari, at iniiwasan niya ako dahil doon.
"Dylan, please. Hear me out." Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito pero wala akong pakialam. I badly wanted to talk to him. To clarify some things. Ayokong matapos kung anong meron kami.
Nang makarating kami sa parking lot ay doon niya lang ako hinarap. He stared blankly to my eyes, may pandidiri sa mga tingin niya. Wala na 'yong tingin na nakikita ko sa kaniya dati noong masaya pa kami.
"Ano pa bang gusto mo, Kaye?"
"'Yong maka-usap ka. Iyon lang naman, e."
Mahina siyang natawa at napasabunot sa buhok niya. "Para saan pa? Para magsinungaling ka? Pwede ba, 'wag mo 'kong gawing tanga. Nakita ko lahat."
"Dylan, hindi naman gano'n 'yon, e! Hindi mo naiintindihan!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Of all people na inakala kong makakaintindi sa'kin, siya pa 'yong hindi naniniwala sa'kin.
"Anong hindi ko naiintindihan? Na malandi ka? Kaya ba hindi ka pumayag noon sa gusto ko, kasi sa ibang tao mo gustong gawin?"
Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kaniya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling lahat ng sinasabi niya. Kung paano niya ako kausapin.
Parang hindi na siya 'yong dating Dylan na minahal ko.
"Dylan, paniwalaan mo naman ako.. hirap na hirap na 'ko."
"Nahihirapan ka? E, pa'no naman ako? Noong una, kapag naririnig ko 'yong pinag-uusapan nila tungkol sa'yo, gusto ko silang patayin sa galit. Pinagtanggol pa kita. Pero totoo pala lahat ng 'yon. Noong nakita ko 'yong video, parang naubusan ako ng hininga. Kasi sobrang sakit."
"Let me—"
I heard him chuckled and looked away as I saw tears forming into his eyes. Nasasaktan akong makita siya nang ganito. Pero paano naman 'yong side ko?
Hindi na ba 'yon mahalaga sa kaniya?
"I've always wanted to protect you, pero nauubos ako. Kapag inuulit ko 'yong video, para akong sinasaksak."
"Hindi mo na ba talaga 'ko papakinggan? Wala ka bang pakialam sa sasabihin ko?"
"Gustong gusto kong maging parte ng buhay mo hanggang sa dulo, pero ngayon.. ayoko na."
Mas dumoble ang sakit na nararamdaman ko sa sinabi niya. Kitang kita sa mga mata niya 'yong sakit. Na parang kinamumuhian niya na talaga 'ko.
"Dylan, please. I need you. I love you. Mahal mo naman ako, 'di ba?"
"Ayoko na maging parte ng buhay mo."
Parang milyon milyong karayom ang sumaksak sa puso ko nang bitawan niya 'yong mga salita na 'yon. Hindi ko alam na may isasakit pa pala 'tong nararamdaman ko.
I hugged him tight as I wrapped my arms around him, not letting him go. I cried on his chest pero agad niyang tinanggal 'yong braso kong naka-yakap sa kaniya.
"I love you, Dylan. You love me too, right?"
He shook his head and looked at me. "I'm sorry, I lied. But I didn't love you, I never did."
Kasabay nang mga salitang 'yon, umalis na siya sa harapan ko. Mas masakit pala makitang umalis 'yong taong tinuring mong mundo.
"Gusto ko pa rin maging parte ng buhay mo," bulong ko sa sarili ko habang nakatanaw sa kaniya. Umaasang lilingon pa siya at babalik sa'kin pero hindi na.
Ayaw niya na talagang maging parte pa ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
RandomMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?