#BAUChapterSixteen
"Oh, nand'yan na pala 'yong dalaga." Asar kaagad sa'kin ni Alexa pag-pasok ko ng Dance Club. Inirapan ko na lang siya at binaba na kung saan 'yong tote bag ko. Tapos ay tumulong na ako sa kanila mag-linis ng dance room para makapag-practice mamaya.
Nakapag-palit na siya ng dance outfit kaya naman pumasok na ako saglit sa may cr para mag-palit ng damit. Every Friday kasi ay naka civilian colored shirt lang kami according sa club org na hinahandle namin.
Peach 'yong civilian shirt namin every Friday, kaya kahit wala kaming klase ngayon ay kailangan kami sa school lalo na at nalalapit na 'yong Foundation ng campus namin kaya may ihahanda kami na sayaw para sa lahat. Nag-bihis na 'ko ng crop top hanging shirt tapos jogger pants. Nag-lagay na rin ako ng clip sa magka-bilang buhok ko para add style lang.
"Amy, ituro mo muna sa kanila 'yong sasayawin natin." Utos ni Alexa kay Amy.
"Aba, inuutusan mo 'ko?" Naka-taas pa ang kilay nito.
"Vice Pres ako, Amy. Umayos ka. Walang kai-kaibigan dito." Mataray pa niyang sabi bago ako nilapitan. Siya kasi ang VP ng Dance Club tapos ako naman ang Pres.
Sabay na kaming nag-p-practice ni Alexa sa dorm kaya naman medyo gamay na namin 'yong steps. Need na lang 'yon maituro sa mga newbies ng Club namin.
"Kamusta tulog, sis? Himbing, ah. Kaya hindi na kita ginising, e."
"Alas-dose na rin yata ako nakauwi. Mabuti't may susi ako, kung hindi matutulog ako sa labas." Sabi ko pa.
Nakwento ko kasi sa kaniya na magkasama kami ni Dylan kagabi. Aasarin pa nga sana niya ako pero sinabi ko 'yong lahat ng nangyari, na kung hindi dahil kay Dylan ewan ko na lang kung ano nang nangyari sa'kin.
"So, friends na kayo? Gano'n? Akala ko ba.. kahit anong mangyari, hinding hindi ka papayag makapartner 'yon." Paalala pa nito sa'kin tapos dinuro duro pa 'yong ulo ko na para bang sinasabi niyang maling desisyon 'yong ginawa ko.
Tipid lang akong nag-kibit balikat.
"Ano ka ba naman, muntik nang mamatay 'yong tao kagabi. Kung alam mo lang.." Mahinang sabi ko. Medyo lumayo kami sa mga nagp-practice dahil baka maistorbo namin sila.
Tsaka mas okay na 'yong kami lang ni Alexa nakakaalam ng chika na 'to.
"Hoy, 'teh. Baka nakakalimutan mo, muntik ka na rin mamatay noon kakaiyak dahil sinaktan ka niya."
Tumahimik na lang ako at hindi na lang umimik. Somehow she's right, Dylan was my first boyfriend. My first love. Kaya gano'n na lang 'yong sakit na naramdaman ko noon nung nag-hiwalay kami.
I almost begged for him to stay, I kneeled down for him to forgive me. I became desperate, I lowered myself. I pitied myself.
Pero wala, e. Iyon lang 'yong alam kong paraan para manatili siya. Kahit sobra na 'kong nasasaktan.
Pero wala pa rin. He chose to break my heart when he knew I needed him.
"Nag-hilom na ba 'yong sugat?"
"Naka-moved on ako. Pero 'yong sugat? Kahit mag-hilom 'yon, nandito pa rin. Naka-marka na 'yon." Sagot ko na lang. Bago pa mapunta sa kung saan 'yong usapan namin ay nag-practice na kami ng sayaw.
***
Dahil wala naman kaming klase ay nag-punta na lang kami sa library matapos mag-pagod sa Dance Room at mag-linis doon. Kasama ko si Alexa na nasa library. Si Amy ay nauna nang umuwi dahil may gagawin pa daw siyang video presentation.

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
De TodoMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?