Chapter Eleven

18 1 0
                                    

#BAUChapterEleven

11:00 PM na nang matapos 'yong concert. Medyo umaambon na rin kaya nagsisitakipan na kami ng mga ulo namin.

"Isaklob mo sa'yo 'yung jacket ko. Para 'di ka mabasa." Sabi pa ni Yuri at naka-taklob rin sa ulo ko 'yung kamay niya habang lumilinga sa paligid, naghahanap siguro nang mas maluwag na way para madali kaming maka-alis.

"Pa'no ka?" Takang tanong ko. Puro ako kasi 'yung inaatupag, e. Nababasa rin naman siya. Hindi naman siya waterproof!

"Share nalang tayo. Pasok mo rin ulo mo." Medyo napalakas ang boses ko dahil baka hindi niya 'ko maintindihan.

May ilan naman na napalingon sa'kin at natatawa. Hindi ko alam kung bakit pero nung napagtanto ko kung ano 'yon ay bigla akong namula sa kahihiyan.

"Bastos naman. 'Wag kayo dito." Natatawang sabi ni Hubert. Pinaka-bata sa tropa ni Yuri pero pinaka-siraulo.

May nilabas naman si Andrew sa bag niya na maliit na folding umbrella. Inabot niya sa'kin at sinabing gamitin na lang namin 'yon ni Yuri. "Nakakahiya naman. Baka mabasa kayong dalawa. Ako na lang mag-susuklob nung jacket baka may makisukob rin."

Akma niya nang kukuhanin 'yong jacket sa'kin pero agad akong hinila ni Yuri papunta sa likod niya kaya walang nagawa si Andrew.

"Damot naman. Mababasa rin ako." Nakanguso pang sabi nito.

"Takbo ka na lang. Batang hamog ka naman." Pang-aasar pa ni Yuri bago binuksan 'yong payong ni Andrew at pinayungan ako. Nang-magkaroon ng maluwag na space ay hindi na kami nag-paalam sa mga kaibigan niya at tumakbo na kami papunta sa may labas.

Open concert 'yung naganap kaya kung saan saan na lang nakakalat ang mga motor ng iba. 'Yong kay Yuri naman nakaparada sa may labas ng McDo.

"Kain muna tayo. Para makapag pa-tila na rin." Tumango na lang ako sa sinabi ni Yuri. Pumasok na kami sa McDo at siya na rin ang umorder para sa'ming dalawa.

Tahimik lang akong nag-pu-punas ng katawan ko gamit 'yong tissue na nakuha ko sa bulsa ko. Madali namang natunaw 'yon dahil basa nga ako.

Pagbalik ni Yuri ay dala niya na 'yong mga pagkain. Pinunasan niya rin ako gamit 'yung panyo niya. Hindi naman na 'ko umangal dahil gutom na 'ko kaya habang pinupunasan niya ako ay kumakain ako nung fries na sinasawsaw ko pa sa sundae.

Kumain na kami at nanatili pa nang kaunting oras do'n dahil maulan pa rin. Noong tumila na ay lumabas na rin kami at sumakay sa sasakyan niya.

"Saan ka uuwi?" Tanong niya sa'kin habang nag-ma-maneho siya.

"Dorm syempre. Sa'n pa ba?"

"Do'n na muna ako matutulog. Wala kang kasama, e." Alam kong hindi naman siya papayag na humindi ako kaya um-oo na lang ako. Do'n naman siya sa sofa natutulog kapag nasa dorm siya. Sanay na rin akong natutulog sa iisang bahay kasama siya kaya hindi na 'ko nailang.

                                   ***
"Ikaw, ah. Malandi ka. Nag-uuwi ka ng lalaki sa dorm!" Pang-aasar pa ni Alexa sa'kin habang naka-tambay kami sa hallway ng building. Kasama namin si Mich na kumakain ng ice cream sa tabi namin.

"Kaye grabe ka. Nag-bago ka na talaga. 'Di na ikaw 'yong dating Kaye na nakilala ko!" Dagdag pa ni Mich.

Kinuwento ko kasi sa kanila 'yong nangyari noong concert hanggang sa pag-uwi. As I expected, inasar na naman nila ako nung kinwento ko 'yong semi-sweet moment namin ni Yuri. Ang lakas daw maka K-Drama nung gano'n.

"Gaga, natulog lang kami." Sabi ko pa.

"Ay, tulog lang? Hina naman." Natawa pa kami sa komento ni Mich. Kung ibang lalaki siguro 'yon, 'di ako papayag na tulog lang. Charot lang!

Hindi ko na lang sinabi 'yon at baka asarin lang ako lalo.

Nag-pasa na rin kami nung painting namin doon sa room nung Prof namin. Pag-balik namin sa room ay nando'n na si Prof Evangelista. Siya kasi 'yong nag-ha-handle ng section namin. Bumati muna kami ng 'good morning' at sinabing nag-pasa kami ng activity para hindi magalit sa'min.

Although, hindi naman nagagalit si Prof Evangelista. One of the most considerate prof kaya 'yan ng SLR kaya madami ang may favourite kay Prof, e.

"Okay class, meron kayong magiging new classmates. I know you all are good. Make friends with them."

"Si Ma'am naman, para naman tayong elementary nito." Bulong ko pa kay Alexa. Tinawanan niya lang ako at sinenyasan na 'wag maingay.

"Pwede pa pala mag-transfer?" Rinig kong bulong nung nasa likuran namin ni Alexa.

Saglit lumabas si Ma'am para daw tawagin 'yong mga magiging new classmates namin. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa kape, naka-ilang cups rin kasi ako noong maaga dahil may tinapos akong presentation.

Yumuko na lang ako sa may desk ko at nag-labas ng katinko para ihilot sa sentido ko. Narinig ko naman ang mga yabag ng paa na pumasok sa room. Bigla naman akong kinalabit ni Alexa pero hindi ko siya pinansin. Nag-suot na lang ako ng earphones at nag-patugtog na lang.

"Hi, Jack Eron Domingo."

"Dylan Louie De Lara." Nakatanggap ako nang mahinang kurot galing kay Alexa kaya naman inis kong tinanggal ang earphones na nakapasak sa tenga ko at sinamaan siya nang tingin.

Pinanlakihan niya ako ng mata at inginuso 'yong harapan.

"Ano ba y—" Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang makita sina Dylan at Jack na nakatayo sa harapan. So sila 'yong new classmates namin?

Ang malas naman!

"Boys, you may take your seat. May vacant do'n sa second row. Doon na lang kayo." Napatingin naman ako sa tinuro ni Ma'am. Katabing row namin 'yon ni Alexa.

Gosh, ano ba naman 'yan? Parang mas sumama ang pakiramdam ko nang makita ko 'yong damuho na 'yon.

"Wow, love will lead you back nga naman talaga." Bulong pa ni Alexa habang nakangisi pa sa'kin.

Inirapan ko naman siya at saktong nag-tama ang tingin namin ni Dylan. Ngumiti siya at kumindat sa'kin.

Hindi ko na lang siya pinansin at muling yumuko na lang. Iidlip na lang ako, 1 PM pa naman 'yong next subject. Baka panaginip lang 'to. Oo, tama. Tulog lang katapat nito. Bangungot lang 'yan si Dylan.

To be continued..

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon