Chapter Five

18 2 4
                                    

#BAUChapterFive

Nagising ako dahil sa maingay na katok sa pintuan ng kwarto ko. Pupungas-pungas pa 'kong bumangon at binuksan ang pinto, tumambad naman sa harap ko ang mukha ni Mama.

"Aba, tanghali na! Ano ka ba naman? Gumayak ka na at ala-una y medya ay pupunta na ng simbahan para misahan ang Tita mo."

Kahit wala akong naintindihan dahil sa bilis nang pagsasalita ni Mama ay tumango na lang ako at nag-thumbs up sa kaniya. Nakakaantok pa kasi alas singko na ata ng umaga ako nakatulog nang maayos gawa ng buong gabi kaming nag-lamay kagabi. Since last night na nga kagabi. Madami rin ang nagpunta sa last night kaya naman naging busy na rin ako dahil tumulong pa 'ko sa pag-aasikaso ng pagkain.

Kaya heto't bangag pa 'ko hanggang ngayon. 11 AM na pero gusto ko pa ring matulog kaya lang 1 PM ang libing ni Tita. Kaya kahit tatamad tamad ako ay nag-ayos na muna ako ng higaan ko at naligo na rin. Mamaya na lang siguro ako kakain 'pag may ilang minuto pa bago ilabas si Tita.

I took a quick shower and wore white off shoulder blouse na naka-tucked in sa pants ko. I don't really prefer wearing pants— kasi puro denim at high-waisted shorts ang mas gusto ko, kaya lang ayoko naman na may masabi ang iba naming kamag-anak. Pinartneran ko na lang ng white sneakers then I'm good to go.

Hindi na 'ko nag-abala pang mag-ayos ng mukha dahil huhulas lang rin naman 'yon. For sure mag-iiyakan mamaya at tirik rin ang araw. Useless lang. Sunblock cream lang 'yong nilagay ko then liptint. I put my black shades on my blouse para magamit mamaya kapag naglalakad na.

Nilagay ko na sa black sling bag ko 'yong phone and other stuffs ko tapos bumaba na para kumain saglit. 12 pa lang naman. Hindi naman ako gano'n katagal kumain.

"Ay, ang ganda talaga ng anak ni Tito Fred," Bati sa'kin no'ng mga iba naming kamag-anak. I gave them warm smile. Sus, mga plastic. Alam kong maganda ako, okay? Hindi naman na nila kailangan ulit ulitin 'yon.

"Kamukhang kamukha ni Tita Lou, eh." Sabi pa nung pinsan ko. Napatingin naman ako kay Mama. Madami ngang nagsasabi na magkamukha na kami lalo dahil parehas kami ng ikli ng buhok tapos parehas rin ang color ng hair namin.

Agad namang nag-disagree ang pinakabata kong Tita. "Aba, hindi! Maganda nga, e. Tapos kamukha ng nanay? Walang makukuhang ganda 'yan sa nanay niya, 'no?"

Nag-tawanan nalang sila. Hinanap ng mga mata ko si Papa at nakita ko siyang naka-upo sa may tabi ng kabaong ni Tita habang pinapanood 'yong tribute video na ginawa. I remained silent as soon as I went near him.

I know na hindi pa gano'n ka-okay 'yong term ko kila Mama at Papa pero kapag nakikita kong umiiyak sila, it just breaks my heart into pieces. The least thing I wanna see is my parents' crying. Nagiging mahina ako. Kahit sino naman siguro makakarelate sa nararamdaman ko.

—-

Saglit lang ang naging seremonya ng misa at malapit lang 'yong sementeryo na paglilibingan kay Tita kaya hindi na kami napagod sa paglalakad.

Namaga na rin 'yong mata ko sa kakaiyak hanggang sa mailibing si Tita. Mas naiyak siguro ako nung nakita kong halos yakapin ni Papa 'yong kabaong ni Tita. That was the first time I saw my Dad cried. He was crying his heart out loud while hugging the coffin as if it was my auntie.

It kills me inside seeing my parents crying, pero alam kong wala naman nang magagawa kundi tanggapin 'yong nangyari. At least, no more pain na si Tita. She's in the safest place na.

Hanggang sa makabalik kami sa bahay ay para pa ring bata si Papa na umiiyak habang pinapaypayan ni Mama. I couldn't find enough cheerful words to calm them down because I know how painful it was na mawalan ng mahal sa buhay. I just hope na unti-unti nilang matanggap 'yong pagkawala ni Tita.

"Pa, Ma, inom muna kayo." Sabi ko at inabutan ko sila ng tig-isang baso. Inayos ko rin 'yong electric fan dito sa sala para mahanginan sila nang maayos.

Umupo ako sa bakanteng upuan na malapit sa kanila. Nanatili lang akong nakatingin sa kanilang dalawa habang dahan-dahang tumutulo 'yong mga luha ko.

Mahapdi na rin 'yong mata ko dahil walang tigil sa pag-labas 'yong mga luha pero mas sumasakit 'yong dibdib ko kapag nakikita kong umiiyak sila Mama at Papa.

"'Nak, halika rito." Inaya ako ni Mama sa tabi nila. Umupo ako sa gitna nila at bigla akong niyakap ni Papa at umiyak sa balikat ko. Hinayaan ko lang siyang umiyak nang umiyak, kung 'yon ang makakapag-pagaan ng loob niya.

"Ang sakit pala. Pakiramdam ko tuloy wala na 'kong kapatid. Siya nalang kasi 'yong nakakaintindi sa'kin."

"Pa, wala namang permanente sa mundo, e. Matatanggap rin natin ang pagkawala ni Tita. Magpakatatag ka, Pa." sagot ko na lang at inabutan siya ng tissue.

Si Mama naman ay sinimulang hagurin 'yong buhok ko. "Kaya mahalaga ang pagpapatawad, e. Kasi kailan mo pa magagawang patawarin ang isang tao? 'Pag patay na siya? 'Pag huli na ang lahat?"

Mapait naman akong napangiti at umiwas nang tingin. Ayokong salubungin 'yong lungkot at sakit sa mata ni Mama. 'Yong mata niyang gustong magpatawad ako— pero hindi ko magawa.

Hindi gano'n kadali.

Kasi kung gano'n lang kadali, hindi naman ako mahihirapan nang ganito, e.

"Anak, magpatawad ka na.." Bulong niya sa'kin habang umiiyak na rin siya.

Nag-simula na namang bumigat ang dibdib ko at mag-halo ang galit at inis sa puso ko.

"Ma, hindi ko pa kaya. Hindi pa sa ngayon. Alam niyo namang—"

Natigil ako sa pagsasalita dahil naramdaman kong hinawakan ni Papa 'yong kamay namin ni Mama at pinag-patong 'yon. Nag-lipat ang tingin ni Papa sa'min ni Mama.

"Lou, 'wag mo munang madaliin 'yong anak mo. Kahit ako man e, hindi pa rin nawawala sa isip ko 'yong kagaguhan na ginawa ng taong 'yon sa anak natin." Saglit naman akong napangiti dahil doon. Mabuti pa talaga si Papa, naiintindihan 'yong side ko. Alam niyang mahirap para sa'kin 'to.

Pero si Mama— alam kong ayaw niya lang akong tumanda na puro galit ang nararamdaman. Pero sana intindihin niya rin na hindi ko pa kaya.

Makakaya ko namang mag-patawad, e.

Hindi nga lang agad-agad.

Kailangan ko ring patawarin 'yong sarili ko.

Bago pa man mapunta sa kung saan 'yong kadramahan namin ay hinila ko sila palapit sa'kin lalo at niyakap sila.

I let out a heavy sigh as I felt my heart melted. It's been a long time since the last time I hugged them. It feels so nice having them in my arms.

Sa kabila ng lahat, gaano man kasakit o kasama 'yong nakaraan ko, kahit may gap man between me and them, that won't and will never be change the fact na pamilya pa rin kami at kami na lang 'yong mayroon ang isa't isa.

"Sa oras na magkita tayo ulit, hindi na 'ko matatakot. Ipagtatanggol ko na 'yong sarili ko." Bulong ko sa sarili ko. Alam kong darating ang araw na magkikita kami ulit, at sa oras na 'yon, sinisiguro kong kaya ko nang humarap sa kaniya nang walang takot sa mga mata ko.

Ipapakita ko sa kaniya na kaya kong protektahan at ipagtanggol 'yong sarili ko— bagay na hindi nagawa ng magulang ko.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon