#BAUChapterTwelve
Sobrang nakakapanibago. I mean, it's been fours years, I think, nung nag-hiwalay kami ni Dylan. Then, wala na kaming naging pag-uusap. Hindi ko alam kung paano pa makikipag-usap sa kaniya matapos 'yong nangyari.
Maraming nag-sasabi na sobra ko daw minahal si Dylan noon, kaya kahit niloloko ako nang harap-harapan ay tinatanggap ko na lang. Which is true, habang girlfriend niya ako noon, nakikipag-landian pa siya sa ibang mga babae. Pero okay lang sa'kin 'yon, tinanggap ko pa rin.
Kahit hindi pa siya humihingi ng tawad, pinatatawad ko na. Kasi ayoko siyang mawala, e. Gano'n ang naging mindset ko noon, na okay lang sa'kin lahat. Tatanggapin ko lahat ng sakit basta 'wag lang siyang mawawala sa'kin.
Natauhan lang talaga ako noong tinangka niyang landiin pati best friend kong si Alexa. At dahil, I have to choose between Alexa and Dylan, I chose my best friend. Dahil sinabi ko noon na hindi lalaki ang makakasira sa'min. Kung ikukumpara 'yong pinag-samahan namin at naging ala-ala namin ni Dylan, mas lamang pa rin 'yong sa'min ni Alexa.
That's when I realized na hindi talaga ako minahal ni Dylan. He just played with my feelings, with my heart. Binuo ko siya, e. Pero sinira niya naman ako noong nabuo na siya.
At ngayon, babalik siya ulit. Para ano? Para gaguhin na naman ako? Pwes, hindi na ako 'yong dating Kaye na madali niyang naloloko.
I've learnt from the past. I've had finally gained lesson. Pain changed me. Sa dami ba naman ng mga pinagdaanan ko sa buhay, magpapaapekto pa ba ako sa nakaraan ko?
Kung tutuusin, siya 'yong mas maraming kasalanan sa'kin. Pero ako 'yong pinapalabas niyang masama. Pa-victim ang putek.
I just wanna let him know na I'm moved on from him.
"Naka-tulog ka ba nang maayos? Para kang nalugi," Bungad sa'kin ni Enzo nang makita ako. Tipid lang akong tumango sa kaniya at pumunta na sa upuan namin ni Alexa. Wala si Alexa at Mich, hindi ko alam kung sa'n pumunta.
Nag-earphones na lang ako at yumuko sa may desk. Medyo sumasakit rin kasi ang ulo ko. Masama 'yong pakiramdam ko.
Naka-unan lang ako sa braso ko kaya naman noong nakaramdam ako ng ngalay ay idinilat ko na ang mga mata ko. Agad naman akong napaatras nang makita ko 'yong mukha ni Dylan malapit sa'kin. Nakita ko rin na wala pang prof kaya naman pala nakakarinig ako ng mga "the enemy has been slain" at "victory!"
"Good morning, baby." Nakangisi pang bati nito.
Inirapan ko lang siya at akmang yuyuko na ulit nang iharang ni Dylan ang braso niya kaya naman sinamaan ko siya nang tingin.
"Ano na naman ba?"
"'Di ka man lang nag good morning. Hindi mo man lang ba tatanongin kung kamusta ako?"
Kinunutan ko siya ng noo. "Hindi. Pakialam ko naman sa'yo? Kahit bangungutin ka pa, wala akong pakialam sa'yo."
I heard him chuckled. Inilagay pa niya 'yong braso niya sa likod ng upuan at tumingin sa'kin. "Alam mo, ang sungit mo. Meron ka ba?"
"Oo. May galit akong nararamdaman sa'yo. Pwede ba, Dylan? 'Wag mo 'kong simulan. Sisirain mo lang ang araw ko." Mahabang litanya ko bago muli idinukdok ang mukha ko sa lamesa.
I prefer to sleep the whole day than wasting my time with Dylan. He doesn't worth my time, anyway.
***
Kinabukasan naman ay hindi ako nakapasok dahil nilalagnat ako. Kaya naman pala ilang araw na masama 'yong pakiramdam ko at masakit ang ulo ko, e.
Siguro dahil 'to sa naulanan ako noong concert. Hindi ko na rin kasi nagawang maligo pagkauwi ng bahay, e. Sobrang pagod na 'ko noon at sumasakit pa 'yong lalamunan ko kaya naman naka-tulog na rin ako kaagad.

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
NezařaditelnéMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?