Chapter Thirty-Four

10 0 0
                                    

#BAUChapterThirty-Four

Matapos ang finals ay kaniya-kaniyang uwi muna kami sa mga pamilya namin. Okay na rin naman dahil wala na kaming halos ipapasok sa school, e. Next week, practice of marching na. Isa pa, via virtual meeting na lang daw 'yung grade consultation namin or i-po-post ng Admin sa page ng campus namin.

Kaya hindi na rin kami madalas mag-kita ni Dylan. He was busy with Jack in preparing their school papers and other records. We sometimes do FaceTime. 

For the past few days that I'm staying here with my parents. Parang nanumbalik ako mula sa umpisa. 'Yung gigising ako nang maaga tapos sasamahan kong mag-grocery si Mama. Tutulong sa kung ano'ng pwedeng gawin dito sa bahay.

Gaya ngayon, kasalukuyan kaming nasa market para bumili ng mga pagkain na i-sstock namin sa bahay. Si Mama na 'yung bumili ng mga meat, fish, pork, fruits and veggies. Ako naman sa mga other essentials— basta hindi sa food. Siya kasi ang magaling kumilatis sa pagpili ng bibilhin na pagkain kaya hinahayaan ko siya do'n.

I bought fresh milks, cereals, and other essentials also women's stuffs. I bought chips and juice. Matapos no'n ay nag-kita kami ni Mama sa may counter. Siya na ang pumila para sa mga binili namin. Hinihintay ko lang siya sa may gilid. Dahil mahaba pa naman 'yung pila, du'n pa siya sa may pushcart nakapila.

From: Mr. de Lara

Okay lang kayo ni Tita d'yan?

Instead of typing a message, I dialled his number instead and he picked up the call immediately.

"Missed you, baby.." I couldn't help but smile. Damn, so much love from this man.

"How are you? Okay kami ni Mama dito. Pauwi na rin."

"Jack's making our breakfast. When will I see you again?" Tanong niya na parang bata. Palagi kaming ganto sa tuwing mag-uusap kami. Para akong nakikipag-usap sa 5 year old na bata.

"Soon. Babalik pa kayong school?" I asked him.

Saglit siyang natigilan at narinig kong may tinanong siya kay Jack. Probably ay 'yung tanong ko sa kaniya. "Next week will be our last week there. We'll do your last two wishes, right?"

Oo nga pala. 'Yung tatlong wishes na hiniling ko sa kaniya. Hindi pa namin nagagawa lahat. 'Yung dates, okay na, e. Palagi naman kaming nag d-date kapag magkasama kami. 'Yung beach and EK na lang ang kulang.

Nakaka-excite. Pero sa tuwing iniisip ko na malapit na namin makumpleto 'yon, nalulungkot rin ako. Dahil alam kong pagtapos nu'n.. 'pag nakumpleto na namin 'yon.. aalis na sila.

Aalis na siya.

"Baby, still there?" Napakurap ako nang ilang beses upon hearing his voice. Pati, nasa harapan ko na pala si Mama at kailangan na naming umuwi.

Nag-paalam na 'ko sa tawag kay Dylan at sinabing uuwi na kami, he told us to take care and call him when we got home. I really love the way she treated my Mom perfectly.

                              ***

"Tagal na rin nating hindi nakakain dito, 'no?" Tanong ni Mama sa'kin habang nililibot ang paningin niya sa lugar na kinakainan namin. Matapos namin mag-grocery ay dito kami dumeretso sa paborito naming paresan.

Napangiti ako nang makita ako nung ale dito na nag-se-serve ng pagkain namin. "Laki mo na, ah. Tagal kitang hindi nakita dito." Ngumiti na lang ako sa kaniya bago umorder.

Huling kain siguro namin dito ay kasama pa namin si.. si Tito..

Kaya palagi kaming napapagkamalan na mag-tatay, e. Mas madalas ko daw makasama 'yung Tito ko sa mga kainan kaysa kay Papa.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon