Chapter Nineteen

13 1 0
                                    

#BAUChapterNineteen

Kinabukasan ay maaga kaming pumasok para sa library muna kami umistambay dahil for sure kapag nagka-Prof na sa room namin ay wala na naman kaming time para mag-ulit ng review.

"Sakit ng ngipin ko, gago ka." Daing pa ni Alexa sa'kin habang naka-tuon ang pansin sa binabasa niyang text book namin sa History.

Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag-tawa ko. 'Yong dalawang maliit na box kasi ng chocolate na nakita sa locker ko kahapon ay binigay ko kay Alexa. Sinabi kong binili ko dahil Buy 1 Take 1 sa store. Hindi ko na sinabi kung kanino galing 'yon dahil sigurado akong mag-iisip na naman ng kung ano ano 'yon.

Habang 'yong tatlong bulaklak naman ay inabot ko na lang sa dorm lady namin. Tuwang tuwa naman siya dahil paborito niya daw ang mga 'yon.

"Katimawaan mo kasi." Bulong ko pabalik sa kaniya.

May time pa naman kami para mag-liwaliw dito sa library dahil 10 am na mag-start 'yung second day exam namin. Two subjects lang naman 'yon kaya okay lang, tapos after no'n ay mag-oopen na kami ng booths depende sa org na sinalihan namin.

Ang naka-assigned na booth namin ay Blind Date Booth, katabi lang 'yon ng Cinema Booth at Marriage Booth.

Nang tumunog ang bell ay niligpit na namin 'yong gamit namin at umalis na ng library para bumalik sa building namin. Si Prof Macalipay pa rin ang bantay namin kaya naman dapat behave lang kami habang nag-eexam mamaya. Kahit hindi ko alam kung kaya ko bang mag-behave dahil may computation mamaya sa major subject namin, wala pa naman akong alam do'n.

Kung bakit ba naman kasi noong nagpa-ulan ng talino si Lord, naka-payong ako. Kaso bumaligtad 'yong payong.

***

Nasa kalagitnaan ako nang pag-eexam nang maalala kong wala pala akong dala na calculator. Shocks! Bakit 'yon pa 'yung nakalimutan ko? Sa dami-dami ba naman ng makakalimutan ko 'yon pa talaga.

I looked around and when Prof Macalipay sees me, I raised my hand and spoke. "Ma'am, excuse me po. Nakalimutan ko po kasi 'yung calcu ko. Pwede po bang makahiram ng calcu?" Tanong ko at bahagyang ngumiti.

Kinakabahan ako. Ang sungit pa naman nito! Baka mamaya sabihin nito, mag mano-mano na lang ako.

"Next time, don't forget to bring calcu, okay? Alam niyong may computation 'yung ieexam niyo." Sabi niya pa kaya naman napayuko na lang ako. Akala ko hindi niya 'ko papayagan makahiram ng calcu pero nagsalita siya ulit.

"Go to Prof Evangelista's office. Borrow her calcu. I cannot leave your classmates, so—"

"No, Ma'am. It's okay po. Ako na lang po ang kukuha." Pag-putol ko sa sasabihin niya. Tumango na lang siya at sinabing bilisan ko daw.

Kaya naman tinakbo ko nalang 'yung office ni Prof Evangelista. Pagdating ko do'n ay nando'n rin sa loob sina Dylan at Jack na nag-eexam. Tutok na tutok sila sa sinasagutan nila at para bang hindi man lang sila nahihirapan.

I faked a cough para mapansin nila 'ko. Doon lang napatingin sa'kin si Prof na kanina ay tutok sa pagbabasa ng files.

"Yes, Miss Santiago?" Pag banggit niya ng apelyido ko ay napaangat ang tingin sa'kin nila Dylan at Jack.

Tinanguan ako ni Jack at kumindat naman si Dylan.

Agad akong lumapit kay Ma'am at umupo sa tapat niya. Sinabi ko naman 'yung sadya ko at natawa pa siya dahil nainis ko daw si Prof Macalipay.

"Naku, nahiram na pala nung isang student kanina. Sorry." Sabi pa nito. Tumango na lang ako at nag-pasalamat na.

"Wait, Miss Santiago. You can use mine." Napalingon ako kay Jack nang tumayo siya at i-offer sa'kin 'yong calculator niya.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon