Chapter Eighteen

16 1 0
                                    

#BAUChapterEighteen

So, nadiligan na ulit 'yung lips mo after so many many years? Ano'ng feeling? Like, gano'n pa rin ba siya kasarap humalik?" Inis ko siyang kinurot sa braso at pinandilatan ng mata. Nilibot ko naman 'yung paningin ko para makita kung may ibang tao ba ang nakakarinig sa'min.

"Lower down your voice, Lex! Gosh, ano ka ba? Dapat yata hindi ko na sinabi sa'yo, e." Pabulong kong sabi sa kaniya. Napa-tahimik naman siya at inangkla na lang 'yong braso niya sa braso ko habang tinatahak namin 'yung daan papuntang building namin.

First day kasi ng exam namin ngayon. Dapat afternoon shift 'yung college department kaso lang ay ginawa nang morning shift kasabay ng mga elementary and high school department dahil mamayang hapon ay may ball games na magaganap, gawa nga ng Foundation week rin namin.

Three-day exam kami, sakto talaga sa Foundation ng campus dahil three days rin 'yong Foundation namin. Sa first day, which is mamaya nga, ball games ang magaganap. Basketball for boys, high school vs college department. Volleyball naman after no'n, gano'n rin ang department na mag-kalaban.

Kaya mamaya pagkatapos namin mag exam ay mag-bibihis na kami ng pang-laro dahil kasali kami ni Alexa do'n. Although, mauuna 'yong sa laro ng mga boys, mas mabuti na 'yung naka-bihis na kami para hindi na rin mag-kagulo sa time mamaya.

"Mga mahal, tara na, bilis! Para kayong nagla-lakad sa buwan d'yan. Si Prof Macalipay bantay natin." Pag-tawag sa'min ni Mich nang makita kaming papasok pa lang ng building. Nasa baba siya ng building at nag-re-review rin.

"Bakit nand'yan ka?" Tanong ko sa kaniya.

Inangat niya naman 'yong ballpen niya at sinabing bumili siya ng ink nung G-Tech niya. Tapos hinintay na kami, dahil nga sabi namin ay papunta na kami.

"Gago, ba't may bantay? 'Di tuloy ako makakatabi kay Alexa para mangopya." Pabiro kong sabi. Kahit ang totoo ay nag-review naman ako.

"Gaga, kahit kumandong ka pa sa'kin. Wala kang aasahan sa'kin." Sagot pa nito at pumasok na kami sa room namin. Mabuti na lang at may five minutes pa bago pumasok si Prof Macalipay.

Kaya naman nilabas ko na lang 'yung reviewer ko at parang tanga na nag-a-alternate na review sa iba't ibang subjects. Tatlo lang naman 'yong subjects ngayon pero nag-re-review ako ulit para sure. Strict pa naman si Prof Macalipay. Ayaw ng mga tarantado kapag nag-e-exam. Pag-hihiwalayin niya 'yong mga alam niyang magkaka-goods kapag exam. Meron naman na papaharapin sa dingding 'yong armchair para hindi talaga maka-lingon sa katabi.

Isang lingon lang, punit agad test paper. Malas naman kasi ng section namin kapag exam, si Prof Macalipay ang pinababantay sa'min. Dahil nga kami ang section na may pinaka-maraming Dean's Listers, nagtataka na 'yong iba at ini-issuehan pa kami na nandadaya daw gano'n.

"Good morning class. Ako na lang mag che-check ng attendance niyo, kilala ko naman kayo lahat. Now, you may start answering your test papers. Goodluck to all of you." Bungad agad ni Prof Macalipay nang makapasok sa room. Pinamigay niya na sa'min 'yong sasagutan namin at maya maya ay tinawag si Mayor Nicole.

"Please give these papers to Mr. De Lara and Mr. Domingo, nasa office sila ni Prof Evangelista niyo." Utos niya pa kay Mayor. Naka-hiwalay sila Dylan at Jack sa'min pero nag-eexam rin sila. 'Yong nga lang ay exam ng school nila 'yong sinasagutan nila. Sa examinations lang kami nagkaka-iba. But activities and assignments, parehas na sa'min ng mga kaklase ko.

"Good for 1 hour and 30 minutes 'yang mga exam niyo. Remove all the necessary things in your table. Just leave your pen together with your exam sheets." Matapos no'n ay pinatunog niya na 'yung timer niya. Kaya nag-start na kami. Langyang exam 'to, tig-kalahating oras kada isang item.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon