#BAUChapterThirteen
Mabilis lang lumipas ang mga araw. Um-okay na rin ang pakiramdam ko after three days na pagiging absent ko. Mabuti na rin 'yon, ang dami ko nang na-missed na topics e. Buti na lang nag-u-upload ng video discussion 'yong mga Prof sa group chat namin kaya kahit absent ay nakakasabay pa rin kahit papa'no.
"Bich, buhay ka pa pala. 'Kala ko paglalamayan ka na, e." Bungad sa'kin ni Ezekiel pagpasok ko pa lang ng campus. Palisaw lisaw lang kasi siya kung saan saan.
"Gaga ka talaga. Alam mo, ang sama ng ugali mo." Pabiro ko pang sabi. Who would've thought na matagal na pala kaming nagkikita pero hindi kami mag-kakilala?
The first night I was sick, I couldn't do anything but to use my phone. Since, I have dating apps on my phone, I opened Bumble. Pinag-aaralan ko pa kung anong meron do'n but I accidentally swiped his profile right.
Kaya pala kako pamilyar. SLR rin pala school niya. Nagka-gulatan pa kami noong nalaman na same school lang ang pinapasukan namin.
Hindi naman kasi ako friendly sa mga tao dito. Kung may mag-approach sa'kin, edi kausapin. Kapag wala, edi wala.
Nagulat ako nang bigla niyang kuhanin sa'kin 'yong bag na bitbit ko, laptop ang laman noon kaya niyakap niya 'yon sa dibdib niya para hindi mabagsak.
"Ako na. Baka mamaya mabinat ka, sisihin mo pa 'ko." Sabi pa nito nang tangkain kong agawin 'yong bag ko sa kaniya. Nakakahiya kasi! Hindi naman ako baldado.
Pero wala na 'kong nagawa. Hindi niya talaga ni-let-go 'yong bag kaya hanggang sa makarating kami sa tapat ng building ng BA ay bitbit niya pa rin 'yon.
"Ako na niyan. Malayo pa building mo, 'di ba?" Tanong ko at kinuha na 'yong bag ko. Criminology kasi course niya, e malayo pa sa building ng BA ang Crim.
"Sige, pagaling ka." Pahabol pa niya at nginitian ako. Nag-pasalamat ako ulit at derederetso na sa hallway hanggang sa makarating ako sa room.
Nandoon na si Alexa at nasa tabi niya si Mich. Awtomatikong napairap ako nang makita ko na naman 'yong asungot na Dylan. Nakikipag-kwentuhan siya kay Jack pero sa'kin nakatingin.
Pa-simpleng tinanguan ako ni Jack pero hindi ko na lang siya pinansin dahil baka mag-assume si Dylan na siya 'yong tinitingnan ko.
"Taksil mo naman. Nawala lang ako saglit, may pumalit na agad sa pwesto ko." Sabi ko pa nang makarating sa pwesto namin ni Alexa. Basta ko na lang nilapag ang bag ko sa may upuan at dahan-dahang ipinatong ang bag ng laptop sa desk ko.
Marahang napasinghot naman si Alexa at parang aso na inaamoy-amoy 'yong bag ng laptop ko. Tiningnan niya 'ko at kinunutan ng noo. "Ano'ng amoy 'yon, ha? Amoy lalaki. Hindi naman ganito pabango mo, ah."
"Hala, grabe. Umagang umaga, amoy ka lalaki!" Dagdag pa ni Mich.
Baka kumapit ang amoy ni Ezekiel kanina habang yakap yakap niya 'yong bag ko. Hindi ko naman naamoy 'yon, o siguro may sipon lang ako.
Dahil ayoko naman na paalisin si Mich sa pwesto ko at mukhang may pinag-uusapan sila ni Alexa ay pumwesto na lang ako sa likod nila. Malapit 'yon sa pwesto nila Dylan kaya do'n ko nalang hinarang 'yong bag ko.
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong nito sa'kin.
"Maayos naman." Tipid kong sagot. Ngumiti siya at tumango, may sasabihin pa sana siya nang magsalita ako ulit. "Pero mas aayos 'yon kung hindi mo 'ko kakausapin."
Narinig ko pa ang pag-ismid niya at ang mahinang pag-tawa ni Jack. Umiling na lang ako at nilabas na lang 'yong phone ko para gawing busy ang sarili ko.

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
AcakMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?