#BAUChapterFifteen
"Last three minutes." Bulong ko sa sarili ko nang makita ko 'yong orasan ko. Last three minutes nalang bago mag-sara 'yong store pero hindi pa kumpleto 'yong nabili kong materials. 'Yong ibang kailangan ko naman, wala dito. Nakakainis! Nakakastress pala, para akong nagpa-panic buying ng mga necessary stuffs.
Mabuti't hindi naman mahaba 'yong pila sa may counter kaya naman nakatapos kaagad ako. Halos quarter to 8 na rin nang makalabas ako ng bookstore. Mag-ta-take out na lang ako ng food for dinner, ibibili ko na rin si Alexa. Kanina ko pa kasi siya katext at sinabi niyang nasa bahay na siya.
Sa Bacolod Inasal na lang ako bumili ng dinner namin, 'yong ibang fast food chains kasi dito sa mall ay mahaba ang pila. Ayoko pa naman matagalan dahil uwing-uwi na rin ako.
Mabilis lang akong naka-order kaya naman lumabas na 'ko ng mall. Ilang minuto akong nag-intay sa may shed para sana mag-abang ng jeep na dadaan kaso puro paluwas 'yong biyahe, e. Baka sa Manila ako mapunta nito.
Nang wala talaga akong matyempuhan na jeep ay nag-lakad ako papuntang kabilang kanto dahil doon may pila ng mga trike. Mahal nga lang maningil pero pwede na rin. Basta makauwi na 'ko. Isa pa, medyo gubat 'yong daan no'n tapos madilim rin.
"Miss, sa'n punta mo?" Natigil naman ako sa paglalakad nang harangin ako ng tatlong lasing. Magkaka-akbay pa sila at panay ang ngisi sa'kin.
Agad akong nilusob ng takot sa dibdib ko. Ayoko nang ganito. Nakakatakot.
Baka maulit na naman 'yong dati na ayoko na sana pang mangyari pa.
"Sabay ka na sa'min, Miss. Tutulungan ka namin sa pag-buhat ng dala mo." Ani pa nung isa na may hawak bang bote ng alak.
Umiling na lang ako at umatras. Sa bawat pag-atras ko ay lumalapit sila at tinatangka akong hawakan. Hindi ko magawang ibuka 'yong bibig ko para humingi ng saklolo, nangangamba rin ako kung may makakarinig ba sa'kin.
"Shh, 'wag ka nang pakipot. Mag e-enjoy ka naman, e." Sabay sabay pa nilang sabi at halos maamoy ko na 'yong hininga nila.
Napapikit ako at napaatras pa lalo. Nanlalambot 'yong tuhod ko dahil nagsisimula nang mag-replay sa isip ko 'yong nangyari noon.
"'W-wag po.. H-hindi po a-ako mag-susumbong.." Bulong ko na lang habang paatras nang paatras. Agad naman akong natigil sa pag-atras nang may masangga akong bulto ng tao.
Napadilat ang mata ko nang maamoy ko ang pamilyar na pabango. Agad na namilog ang mata ko nang makita ko si Dylan. He's wearing black cap and a white shirt partnered with khaki shorts.
"D-dylan.." He stared at me for a moment before pulling me behind him, he's now facing those three motherfvckers.
"Sino naman 'to? Ililigtas mo ba siya? Gusto mo p're share share na lang tayo sa kaniya." Sabi nung isa at napakapit na lang ako nang mahigpit sa bitbit ko nang suntukin ni Dylan isa isa 'yong mga lasing.
Puro palitan ng suntok ang nangyayari. Hindi ko magawang igalaw man lang 'yong katawan ko. Para akong na-estatwa sa nakikita ko habang patuloy ang pag-daloy ng luha sa mata ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko.
Impit naman akong napasigaw nang tamaan sa mukha si Dylan. Nasundan pa 'yon ng ilan pang suntok kaya naman napabuga siya ng dugo. Bagsak na 'yong dalawang lasing at 'yong isa ay nakaibabaw na kay Dylan habang pinapaliguan ng suntok ang mukha niya.
Doon lang ako nakakuha ng lakas para kuhanin 'yong bote sa kamay nung isang lasing at ipinukpok sa ulo nung isang lasing hanggang sa matigil ito sa pag-suntok kay Dylan.
Dahan dahan ko namang inalalayan si Dylan at inilagay ang braso niya sa balikat ko.
"S-sorry.. I wasn't able to—" Natigil siya sa pagsasalita nang kuhanin ko 'yong phone niya sa bulsa niya. Good thing wala namang passcode 'yon kaya tinawagan ko si Jack at sinabi ko kung nasaan kami.

BINABASA MO ANG
Broken and Unfixed
RandomMaaayos pa nga ba ang pusong nilumot na at dinurog ng mga pasakit? Maghihilom pa nga ba ang mga sugat na dulot ng pagkasawi? Can time really heals all wound? Or would it make it even worst?