Chapter Twenty-Nine

11 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa pag-sakit ng puson ko. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 3:00 AM pa lang. Tulog na tulog si Mama. Si Dylan naman ay naka-higa sa may maliit na couch, naawa ako dahil pinagkasya niya talaga 'yung sarili niya do'n.

Talagang hindi niya 'ko iniwanan.

Si Papa kasi, pinauwi na muna namin dahil delikado magtagal sa hospital ang senior, baka kung ano anong sakit ang makuha niya. Sinabi ko na lang na kami na ang bahala kay Mama.

Dahan-dahan akong umalis sa tabi ni Mama at nagpa-kulo ng tubig para gumawa ng hot compress. Malas naman, bakit inabutan pa 'ko ng red days dito sa hospital! Grabe pa naman sumakit 'yung puson ko. Para akong mahihimatay, nahihilo ako tapos minsan ay nagsusuka pa.

Baka dalawa pa kami ni Mama na maging pasyente rito.

Nang tumunog na 'yung heater ko ay iika-ika kong kinuha 'yon at sinalin sa hot compress ko. Nabitawan ko pa 'yung heater dahil may daga na dumaan sa paa ko. Agad naman akong napapitlag sa sakit nang mabanlian 'yung kamay ko.

"Fvck, what happened?" Narinig ko naman si Dylan na pupungas pungas pa. Agad siyang lumapit sa'kin at kinuha 'yung kamay ko. Nang makita niyang namumula 'yon ay tinapat niya 'yon sa tubig. Hinayaan ko lang siyang haplos haplosin 'yung kamay ko.

Matapos no'n ay pinaupo niya 'ko sa may couch at kumuha siya ng ointment sa bulsa niya.

Napa-kunot naman ang noo ko. "Bakit ka may ganiyan?"

"I always bring this with me wherever I go. Emergency purposes." Wala naman sa loob akong napangiti. Para siyang boy scout, laging handa.

He wrapped white clean cloth around my hands matapos niyang lagyan ng ointment 'yon.

"Masakit pa ba?" Napatitig ako sa kaniya kaya agad akong umiwas at umiling.

"Hindi na."

Tumango naman siya. "Ano ba'ng ginagawa mo? Ang aga pa, ah."

"Masakit 'yung puson ko, e. Mag a-apply sana ako ng hot compress. Kaso may dumaan na daga.." Napanguso ako at parang batang nagsusumbong. Natawa naman siya at umiling iling.

"You should've wake me up." Sabi niya pa.

Paano ko naman siya magagawang gisingin e ang sarap sarap ng tulog niya. Naghihilik pa. Ano'ng oras na rin kasi siya natulog, talagang hinihintay niya munang makatulog ako bago siya matulog.

Tumayo na siya at siya na 'yung nag-handa ng pang hot compress ko. Nag-init rin siya ng pagkain na nakita niya sa lamesa para may makain daw ako.

"Kumain ka na muna. Mamaya kapag maliwanag na, I'll go out to buy your stuffs." Tanging tango na lang ang nagawa ko nang iabot niya sa'kin 'yung hot compress at pagkain. Inaya ko pa siyang sumabay sa pag-kain pero inaantok pa daw siya. Tahimik na lang akong kumain at nag-pahinga.

"Wake me up if you need something." Sabi niya bago humiga ulit sa couch. Para siyang tuta na naka-baluktot do'n. Pero hindi naman siya umiinda kung may masakit man sa kaniya.

He's really a grown up man now. He finally learned how to be selfless. That makes me feel proud of him.

***

Hanggang sa makalabas ng hospital si Mama ay hindi talaga umalis sa tabi ko si Dylan. Halos sa hospital na rin kami naliligo, mabuti't may mga spare clothes si Dylan sa sasakyan niya kaya 'yun nalang ginagamit niya. Pinapahiram niya pa 'ko ng damit niya dahil hindi talaga kami nakakalabas.

Siya rin ang naging driver ni Papa kapag uuwi ng bahay sa tuwing may kailangan asikasuhin. He even insisted to pay the hospitall bills pero sinabi ni Papa na huwag na daw dahil covered naman ng PhilHealth 'yung bills ni Mama. Kaya almost half na lang 'yung naging bill namin. But still, tumulong pa rin si Dylan. Para daw 'yung sosobra na pera ni Papa ay ipangbili nalang ng gamot ni Mama.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon