Chapter Ten

18 1 0
                                        

#BAUChapterTen

Kagaya nga nang napag-usapan namin ni Yuri ay siya ang gagawa nung painting ko na ipapasa. Nandito kami ngayon kina Alexa dahil pyesta rin sa kanila, tinapat na rin namin na ngayon gawin 'yong painting para hindi aksayado sa oras. Wala naman halos bisita ang pamilya nila Alexa.

20 minutes halos ang byahe mula dorm hanggang dito kina Alexa, kaya lang medyo traffic kaya napatagal kami ni Yuri. Si Alexa kasi maagang umalis ng bahay para makatulong dito kina Tita.

Kakatapos lang namin kumain ng tanghalian kaya nag de-dessert na kami ngayon ng salad. Nasisira talaga 'yong diet ko kapa nandito ako kina Alexa, e! Palagi ba naman nagluluto nang masarap si Tita! Well, lagi namang masarap ang niluluto niya.

"Grabe nakaka-uhaw naman. Wala bang softdrinks?" Pabiro ko pang reklamo. Sinamaan naman ako ng tingin ni Yuri.

"Softdrinks ka na naman. Parang kanina lang bago tayo pumunta dito, nag-softdrinks ka na, ah!" Sigaw nito sa'kin. Tumahimik na lang ako. Totoo naman kasi na bago kami pumunta kina Alexa ay huminto muna kami sa convenience store para bumili ng softdrinks.

Nauhaw ako, e. Pa'no gagawin?

Nakatanggap naman ako nang mahinang batok kay Alexa. "'Wag ka na mag-sofdrinks, masama sa katawan 'yon. Mag-tubig tayo."

Napanguso na lang ako. Feeling ko pinagkakaisahan nila 'ko. Pero wala rin namang nagawa si Alexa nang utusan siya ni Tita na bumili ng softdrinks para sa'min.

"'Di naman kasi bisita 'to, e. Bwisita 'yan!" Sigaw pa niya nang makalayo na samin.

"Ay, tita. Ang ugali naman ng anak mo." Kunwaring pagsusumbong ko pa. Tinawanan na lang ako ni Tita at bumalik na sa niluluto niya.

Kapag nandito talaga ako kina Alexa, feel at home na feel at home ako, e. Minsan nga nakiki-tawag na rin ako ng Mommy at Daddy sa magulang niya. Parang pamilya na rin kasi ang turing nila sa'kin. Sa tagal ba naman naming mag-kaibigan ni Alexa.

"Tita, mag-uuwi kami ng pagkain sa dorm ah?" Pahabol ko pa.

***
"Tulungan kita, Yuri? Nakakahiya naman sa'yo." I tried reaching for the paint brushes para sana tumulong kay Yuri pero agad niyang tinapik 'yong kamay ko at sinenyasan ako na 'wag magulo.

Siya na lang ang tutulungan, e! Napanguso ako at nag-cellphone na lang. Kinuhanan ko ng video 'yong ginagawa niya at nilagay sa IG story ko 'yon.

"Mag b-blend na lang ako ng colors." Nakangiti ko pang sabi at pumapalakpak pa.

"Mag-lubay ka, Kaye. Utang na loob. Parang awa mo na. Manahimik ka na lang."

"Puso niyo sana mag-blend na." Nang-aasar pang tono ni Alexa habang pine-paint na 'yong Goddess na ginawa niya. Matatapos na siya dahil noon pa naman siya nag-drawing, painting na lang kailangan.

"I-blend ko pa mukha mo, e." Nagkatinginan kami ni Yuri nang magka-sabay kaming mag-salita.

Saglit lang natapos 'yong painting na ginagawa ni Yuri. Ipinakita niya sa'kin 'yon pagkatapos. Sunset and dawn 'yong background no'n, nag-taka pa 'ko noong una kung ano 'yong story behind that pero dahil sa explanation niya ay madali ko rin namang na-gets 'yon.

Nang matapos na rin si Alexa mag-paint ay muli kaming kumain ng meryenda at nag-picture pa. Nag-usap kami tungkol sa mga kung ano anong bagay hanggang sa mag-dilim na at nag-paalam na kami, hindi na daw muna uuwi ng dorm si Alexa dahil weekends naman na. Dito na muna siya.

"Ingat sa concert. Umulan sana." Sabi pa ni Alexa habang naka-taas ang kilay sa'min ni Yuri. Bukas na kasi 'yong concert ng December Avenue kaya bitter na bitter siya at hindi siya makakapunta.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon