Chapter Thirty-Three

13 0 0
                                    

#BAUChapterThirty-Three

"What?! E, ano'ng sabi? Nag-usap kayo? Ano'ng sabi niya?" Sunod sunod na tanong sa'kin ni Alexa nang makapasok ako kinabukasan. Kasalukuyan kaming nag-re-review pero hindi ako mapakali hangga't hindi ko nasasabi sa kaniya 'yung nangyari kagabi.

I shook my head in an instant. "Sinubukan niya 'kong lapitan pero mabilis akong tumakbo at pumunta kay Dylan. Buti't hindi niya na 'ko nasundan."

Hindi pa rin mawaglit sa isipan ko 'yung takot at kaba na naramdaman ko kagabi. Hanggang sa makauwi kami ni Dylan ay hindi ko sinasabi kahit kanino man 'yung nangyari.

Hinayaan ko lang sa sarili ko 'yon. Mabuti na rin sigurong walang nakaka-alam.

"Oho naman. Baka mamaya, sundan sundan ka na naman no'n." Bakas rin sa tono nang pananalita ni Alexa ang takot.

Noon pa man, noong sinabi ko sa kaniya 'yung nangyari sa'kin, siya na 'yung tumayong taga-pagtanggol ko. Rant buddy. She believes in me when no one else does. She had been there for me when I needed someone. Noon pa niya sinasabi sa'kin na ipademanda ko daw.

Pero ewan ko rin ba, I was too kind. Hindi ko nagawang ipademanda. Nag-pasya na lang akong humingi ng BPO mula sa baranggay noon. Natakot rin ako sa kakahinatnan kung sakaling i-demanda ko, e.

I was still a minor when all of those shits happened. Ayokong humarap sa maraming tao at isiwalat 'yung nangyari.

Napakurap ako nang ilang beses nang patunugin ni Alexa 'yung daliri niya sa harapan ko. "Let's just focus on our exams. Si Lord na bahala sa kaniya. Basta be careful nalang, kung maaaring triple ingat ka, gawin mo." Tumango na lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy na kami sa pag-re-review.

Any minutes by now, mag-uumpisa na 'yung exam. Hindi naman na 'ko kinakabahan sa exam kahit finals na. I woke up early at 3:00 am para aralin lahat 'to, e. Halos hindi na nga ako nakakatulog nang maayos para mag-aral.

"Class, let's start now." Napabuga ako ng hangin nang marinig si Prof Macalipay. As usual, siya na naman 'yung bantay namin. Nag-sama pa siya ng dalawang SG Officers para mag-bantay sa'min.

***

Nang matapos ang exam ay nagkita kita kami nina Alexa at Amy sa cafeteria. Deretso uwi sa dorm sina Lizz at Janine dahil may kailangan pa silang ayusin na schoolworks, nag-pending na 'yung kanila, e. Si Michelle naman, busy rin sa charity works na ginagawa niya.

E'di sila na ang productive.

"Gara ano? Love comes unexpectedly talaga." Napatingin kami ni Amy kay Alexa. She was smiling like an idiot before closing the book she was reading.

"Siguro." Tipid na sagot naman ni Amy.

"Sa bagay, si Kaye nga tsaka si Dylan, e."

"Bakit ako na naman?" Tanong ko sa kanila habang inuubos ko 'yung doughnut sa platito. Kahit ilang araw na masakit 'yung ngipin ko dahil sa mga matatamis na kinakain ko, okay lang.

Lumingon naman sila sa'kin na nakapangalumbaba pa. As if they were waiting for my answer.

"Ano'ng gusto niyong sabihin ko? Kung agree ako or hindi?"

"Maybe. Sa ating magkakaibigan, ikaw ang pinakabata pero ikaw ang maraming lalaki." Muntik ko nang maibuga 'yung iniinom ko dahil sa sinabi ni Alexa.

"Hoy, grabeng bibig. Walang preno.." Buti pa 'to si Amy, e. "Pero totoo naman.." Putcha.

Humugot muna ako nang malalim na hininga bago sila kausapin. "Alam niyo kasi, love is powerful talaga. Love can make us do crazy things."

Pangiti ngiti pa 'ko habang sinasabi 'yon. Kapag binabalikan ko 'yung mga nangyari sa'min ni Dylan noon, akala ko hanggang doon na lang kami. Akala ko wala nang pag-asa.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon