Chapter Thirty-Eight

11 0 0
                                    

#BAUChapterThirty-Eight

Kinabukasan, kahit antok na antok pa ako dahil ano'ng oras na rin kami nakauwi ni Dylan ay pinilit kong bumangon at maligo na. Today's the graduation of Dylan. Natapat pang birthday rin niya. Kaya naman balak kong mag-mall ngayon para bumili ng mga gifts for him.

I called Alexa to accompany me. I even asked her kung ano'ng puwedeng i-regalo kay Dylan. But, as usual, wala naman daw siyang ma su-suggest na regalo dahil never pa naman siyang nag-regalo sa isang lalaki.

Isa pa, hindi ko kasi alam kung ano'ng ibibigay ko. I mean, he already has everything he could wished for.

"Regaluhan mong anak," Natatawang sabi pa ni Alexa habang nag m-make up siya. Mag-kausap kasi kami thru FaceTime. Kaya malaya naming nakikita kung ano'ng ginagawa nang isa't isa.

"Loka. 9 months pa bago niya makuha, gano'n?" Natawa na lang rin ako. I was choosing an outfit to wear pero wala akong mapili. So, I had to show all my dresses to Alexa para tulungan niya 'kong mamili.

"Ito naman, hanggang pag-pili ba ng damit tutulungan pa kita?" Naiiling na tanong niya pero tinulungan rin naman niya 'ko. I told her I don't feel like wearing dress today kaya nag-pasya siyang mag-suot na lang daw ako ng high-waisted pants and bralette, pinatungan ko na lang 'yon ng mahabang trench coat.

Nang matapos ako mag-bihis ay nilagyan ko pa ng hair wig 'yung buhok ko. I chose green and violet colors tapos cinlip ko 'yun sa buhok ko to add some style.

Agad namang pinuna ni Alexa 'yon. "Tanggalin mo 'yan, mukha kang rockstar na sawi."

"Ang ganda kaya!"

"Oo nga. Pero may binabagayan na outfit 'yan, gaga!" Sabi niya pa. Agad ko namang tinanggal 'yung mga hair clips na 'yon at naglagay na lang ng simpleng hair clips sa buhok ko. She showed me thumbs up.

"Anyway, hi-way, isasama ko si Theus."

"Oh, sino 'yon?"

"Friend ko nga! I met him on dating app!"

Natigil naman ako sa pag-aayos at hinarap ulit 'yung phone ko. "Ulol, 'di ako naniniwalang friend lang."

"Kapag ikaw ang nag-sabi, 'di talaga kapani-paniwala. Pero kami, friends lang talaga. 'Wag ka ngang issue d'yan!"

"Oo na. Galit na galit naman," Sabi ko pa bago i-end 'yung call. Para daw matulungan ako sa pag-iisip ng ireregalo sa lalaki, kaya sinama niya si Theus para malaman 'yung mga puwedeng magustuhan ng mga lalaki.

Almost 10:30 na nang mag-kita kami sa mall. Nandu'n na agad sina Alexa at Theus. Mula sa malayo ay kitang kita ko 'yung ngiti sa labi ni Alexa habang kausap niya si Theus.

I faked a cough para makita nilang nandito na 'ko. "Uy, babe."

"Sino'ng tinatawag mo? Ako, o si Theus?" Asar ko pa. Inikutan niya naman ako ng mata at pinakilala na sa'kin formally si Theus.

"Promytheus.. you can call me Theur for short." Sabi pa nito at nakipag-kamay sa'kin. Tinanguan ko na lang siya. Hindi ko naman na kailangang i-introduce pa 'yung sarili ko dahil for sure ay nabanggit na ni Alexa 'yung pangalan ko sa kaniya.

Kumain muna kami saglit sa isang fast food chain. Si Theus pa ang nanlibre sa'min dahil nakakahiya naman daw kung babae pa manlibre sa kaniya. Matapos nu'n ay pumunta kami sa may accessories shop.

"Watch. Puwede rin ang watch." Sabi pa ni Theus na tumitingin na ngayon ng mga wrist watch.

"Dapat may meaning 'yung ireregalo mo, para sweet." Komento naman ni Alexa.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon