Chapter Forty-Three

14 0 0
                                    

#BAUChapterForty-Three

Maaga pa lang ay umalis na kami ni Dylan sa bahay. Good for one week 'yung staycation namin sa Zambales kaya madami rin kaming dalang gamit. I even brought his laptop with me para du'n ako makapag-work. Hindi ako masiyadong nakatulog dahil sa excitement na nararamdaman ko, kaya naman pipikit pikit ako habang nakaupo sa shotgun seat ng sasakyan ni Dylan.

Kada mapapatingin sa'kin si Dylan ay kumakawala 'yung mahinang pag-tawa niya kasabay no'n ay ang pag-pisil niya sa hita ko. He has full access dahil naka-high waisted shorts lang naman ako then loose shirt on top.

"I'll buy you coffee." Hindi ko na masiyadong natandaan 'yung mga sinabi niya at tumango na lang ako. Basta may coffee akong narinig, nagets ko na agad 'yung sinasabi niya.

Saglit kaming tumigil sa may coffee shop. He commanded me not to leave his car and just stay here and I obliged. Siya na lang 'yung bumaba para bumili ng coffee.

Pagbalik niya ng sasakyan ay may dala rin siyang french toast para sa'min.

"Eat this first before you drink coffee."

"Kakain ka rin?" I asked him.

"Oo. Puwede bang ikaw na lang kainin ko?" Pilyo niyang tanong pabalik kaya naman inis kong hinablot ang tenga niya at piningot 'yun. Napaigtad naman siya sa sakit kaya agad siyang umayos.

"Titigil na nga, e.." He pouted his lips before taking a bite on his bread. "Anyway, I'll take you to my work first. Then, we'll go buy some groceries to eat when we're on the road. Chips and sodas will do, I guess."

"Hmm, right." I replied without looking at him. In-e-enjoy ko lang 'yung pagkain ko hanggang sa maubos 'yon. Siya naman ay nag-maneho na rin papunta sa may work nila ni Jack.

Finally, makikita ko na kung saan 'yung work niya at kung ano'ng ginagawa niya do'n.

Hindi naman pala gano'n ka-tagal 'yung biyahe papunta sa may work nila. Mataas rin 'yung building na pinapasukan nila.

"De Lara Company?" I asked him as soon as we entered the building. Our fingers were intertwined as we walked. Binabati siya ng mga taong nadadanan namin dito. Ngumingiti na lang ako sa kanila kapag nakikita nila 'ko.

"Good morning, Sir Louie." Bati sa'min nung lalaking nakasalubong namin sa may elevator. Parang ka-edaran lang namin siya. He smiled at me then looked at our hands.

"Morning." He replied as he tightened the grip on my hand. I chuckled when I saw how his eyes rolled when that guy was gone from our sight.

"Love you," I whispered on him that made him smiled. Pumasok kami sa may office at nakita ko do'n si Jack na abala sa ginagawa niya sa monitor. Gulat siyang napatingin sa'min ni Dylan matapos ay tumayo siya at inis na binato kay Dylan 'yung throw pillow mula sa couch.

"Akala ko ba bawal mag-dala ng babae dito, ha? Pigil na pigil ka sa'kin kapag dadalhin ko si Isa dito, tapos ikaw.." Tumingin pa sa'kin si Jack at parang iiyak na. "Tapos ikaw.. gaganyanin mo 'ko?"

"Dylan Louie De Lara, pare. Unico hijo ni Daniel De Lara.. ang may-ari ng building na 'to.. Ano nga ulit 'yung nirereklamo mo?" Pang aasar pa niya kay Jack na ngayon ay tikom na 'yung bibig. Saglit pinakawalan ni Dylan 'yung kamay ko at tiningnan 'yung ginagawa ni Jack.

"Look at your boyfriend, Kaye. He uses again his power and position.. masiyado niya na 'kong minamaltrato. Tingin mo ba makatarungan pa 'yon?" Bulong pa sa'kin ni Jack na parang batang nagsusumbong. Natawa na lang ako at hindi ko na siya pinansin. Nilibot ko na lang 'yung paningin ko sa kabuuan ng office nila. Malaki rin naman, para na siyang isang condo unit dahil may mini kitchen rin dito, tapos may isang pinto kung saan may kama daw du'n.

Broken and UnfixedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon